Ano ang Blue’s Clues Games?
Ang Blue’s Clues Game ay isang klase ng board game base sa sikat na palabas para sa mga bata – ang ‘Blues Clues and You’. Tulad ng ginagawa ni Steve sa palabas, kailangan mong bisitahin ang mga lugar sa bahay upang hanapin ang tatlong clue na ibibigay sa iyo ng cute na asong si Blue. Ikaw at ang mga kasama mong manlalaro ay kailangang magtulungan at gamitin ang mga ibinigay na clue upang malaman ang kasagutan sa gameboard. Kapag lumabas na ang pangatlong clue, ang unang manlalaro na makakalutas kung ang ano ang nais gawin ni Blue ang mananalo sa isang round at makakakuha ng isang ‘Spiral Solution Token’. Ang player na makakakuha ng pinakamaraming Spiral Solution Token pagkatapos maimbestigahan ni Blue ang buong bahay ay siyang mananalo sa laro.
Ang larong ito ay naglalaman ng: 1 Blue figurine, 1 gameboard, 4 player house cards, 12 paw print token, 16 Spiral Solution Token, 16 handy dandy notebook card, at 4 na room cards.
Blue’s Clues Games: Pag-set Up Sa Laro
Sa pagse-setup ng Blue’s Clues Games, kailangang ilagay muna ang parihabang gameboard sa gitna ng lamesa kung saan nakaharap ang lahat ng mga manlalaro. Tapos, ilagay si Blue sa gitna ng gameboard. Ang gameboard ay naglalaman ng iba’t ibang kasagutan sa mga pinapahulaan ni Blue. Ang mga kasagutang ito ay kailangang takpan ng ‘Spiral Solution Token’ sa umpisa ng laro. Pagkatapos nito, maaari nang ibigay sa bawat manlalaro ang isang player house card at tatlong paw print token. Ilalagay ng bawat manlalaro ang kanilang player house card na naglalaman ng iba’t ibang clue sa kanilang harapan. Pagkatapos nito, pagsasamahin ang mga magkakakulay na handy dandy notebook card upang mabuo ang apat na grupo (kulay abo, pula, lila at dilaw). Babalasahin ang mga cardito at ilalagay pataob sa itaas ng gameboard. Ang bawat kulay ng mga baraha ng handy dandy notebook ay naglalarawan ng mga iba’t ibang clue na makikita sa apat na lugar sa bahay ni Blue: kulay abo (banyo), pula (sala), lila (kwarto) and dilaw (kusina). At sa huli, balasahin ang 4 na ‘room cards’ at ilagay nang pataob sa kaliwa ng gameboard.
Ang laro ay walang aktwal na ‘handy dandy notebook’ tulad sa palabas kung saan dito iginuguhit ni Steve ang mga clue. Gayunpaman, ang mga bata ay maaaring gumamit rin ng papel at lapis upang iguhit ang makikita nilang mga clue na para rin nilang ginagampanan ang tungkulin ni Steve sa palabas.
Blue’s Clues Games: Paano Laruin?
Ang Blue’s Clues Games ay magbibigay ng tatlong clue na makikita sa apat na lugar sa bahay upang matukoy kung ano ang nais gawin ni Blue. Kailangang sundin ang mga sumusunod upang mahanap ang mga clue at maunawaan ang nais ni Blue:
Unang Clue: Baliktarin ang isa sa mga ‘room cards’ sa tabi ng gameboard at ipapakita nito ang unang clue. Ang room card ang magpapakita ng isang lugar sa bahay ni Blue. Makikita rin ang unang clue sa mga room card. Ang unang clue ay ang bagay na napalibutan ng puti sa ‘room card’. Kapag nakita na ng isa sa mga manlalaro ang clue, kailangan niyang sumigaw ng ‘clue’ ng dalawang beses. Pagkatapos nito, hanapin sa ‘player house card’ ang clue upang malagyan ito ng ‘paw print token’. Maaari ring iguhit ang clue sa ‘handy dandy notebook’ kapag may kalarong mga bata.
Ang mga clue na maaaring matagpuan sa ‘room cards’ ay: Papel sa sala, Unan sa kwarto, Mangkok sa kusina at Tubig sa banyo.
Pangalawang Clue: Baliktarin ang pinakaibabaw na ‘Handy Dandy Notebook Card’ na kakulay ng nabaliktad na ‘room card’. Ipapakita agad ng ‘Handy Dandy Notebook Card’ ang pangalawang clue pagkabaliktad nito. Muli, kailangan isigaw ng mga manlalaro ang salitang ‘clue’ ng dalawang beses at hanapin sa ‘player house card’ ang pangalawang clue upang malagyan ito ng ‘paw print token’. Maaari ring iguhit muli ang clue sa nakatalagang ‘handy dandy notebook’ ng mga bata.
Ang mga clue na posibleng magpakita ay ang mga sumusunod: Kwarto (Flashlight, Libro, Kumot at Bahay), Sala (Sobre, Pana, Guhitan, Hugis Spiral at Patpat), Kusina (Kutsara, Blueberries, Upuan at Tinidor) at Banyo (Buhangin, Sabon, Bula at Toothpaste)
Pangatlong Clue: Sa wakas at makikita mo na ang pangatlong clue na nakalagay sa gameboard. Kailangang hanapin ang kumbinasyon ng una at pangalawang clue sa gameboard upang maihayag ang pangatlong clue. Sa pangatlo at panghuling pagkakataon, kailangan isigaw ng mga manlalaro ang salitang ‘clue’ ng dalawang beses at hanapin sa ‘player house card’ ang pangatlong clue upang malagyan ito ng ‘paw print token’. Maaari ring iguhit muli ang pangatlong clue sa ‘handy dandy notebook’ at simulan nang pag-isipan ang nais ni Blue.
Ang pangatlong clue na posibleng makita ay ang mga sumusunod: Kwarto (Tent, Kama, Orasan, Kaibigang si Magenta), Sala (Hulugan ng sulat, Kahon, Paintbrush, Tali at Krayola), Kusina (Gulay, Ice cream at Stuffed Toy) at Banyo (Pala at Timba, Bathtub, Sasakyan at Toothbrush).
Ang isang round sa laro ay hindi natatapos sa paghahanap ng tatlong clues. Kailangang mahulaan ang nais gawin ni Blue upang makakuha ng ‘Spiral Solution Token’. Maaaring mag-usap ang mga manlalaro para mas mapabilis ang pagtukoy ng kailangan ni Blue. Ang unang manlalaro na makakahula ng tamang sagot ay sisilip sa natatakpang larawan ng ‘Spiral Solution Token’ kung saan nakalagay ang pangatlong clue. Kung tama ang kanyang hula, makukuha niya ang ‘Spiral Solution Token’ na iyon. Ang manlalaro na may pinakamaraming nakuhang tokens ang panalo sa laro.
Ang mga sagot base sa mga kumbinasyon ng clue ay ang sumusunod:
Kwarto: Unan + Flashlight + Tent = Camping; Unan + Libro + Kama = Bedtime, Unan + Kumot + Orasan = Oras ng Tulugan; Unan + Bahay + Kaibigang si Magenta = Makikitulog si Magenta
Living Room: Papel + Sobre + Hulugan ng sulat = Oras ng pagtanggap ng liham; Papel + Pana + Kahon = Regalo; Papel + Guhitan + Paintbrush = Painting, Papel + Patpat + Tali = Saranggola; Papel + Hugis Spiral + Krayola = Handy Dandy Notebook
Kusina: Mangkok + Kutsara + Gulay = Sabaw ng Gulay; Mangkok + Blueberries + Ice Cream = Blueberry Sundae; Mangkok + Unan + Stuffed Toy = Goldilocks at ang tatlong oso; Mangkok + Tinidor + Gulay = Salad
Banyo: Tubig + Buhangin + Pala at Timba = Tabing Dagat; Tubig + Sabong + Bathtub = Bath Time; Tubig + Bula + Sasakyan = Car Wash; Tubig + Toothpaste + Toothbrush = Pagsisipilyo
Blues Clues Games: Maikling Pagsusuri
Ang Blue’s Clues Games ay isang ‘semi-coop’ na board game kung saan magkatunggali ang mga manlalaro ngunit maaari silang magtulungan habang naglalaro. Ang laro ay dinisenyo upang laruin ng dalawa hanggang apat na players, edad tatlo pataas. Ang magandang benepisyo ng laro ay nakakatulong ito sa paglinang ng pagkilala ng mga bata sa mga kulay at mga pangkaraniwang bagay sa loob at labas ng bahay. Marami man itong maitutulong sa mga bata, mahihirapan pa rin silang lutasin ang mga pinapagawa ni Blue lalo na kapag ang edad ay nasa tatlo hanggang sampu. Gayunpaman, maaaring dinisenyo ng Nickelodeon ang larong ito para sa buong pamilya kung saan ang mga magulang ay makakapagturo kung paano paganahin ang critical thinking ng kanilang mga anak habang bata pa ang mga ito. Ang larong ito ay bumubuo rin ng magandang komunikasyon at relasyon ng magulang sa anak, at nagtuturo ng tamang pagtutulungan at pagka-sport.
Konklusyon
Ang Blue’s Clues Game ay isang uri ng board game base sa palabas na ‘Blues Clues and You’ kung saan ang mga manlalaro ay nagpapanggap na mga detective upang tuklasin ang nais na gawin ni Blue gamit ang tatlong clue. Marami itong maibibigay na tulong sa mga bata kahit maaaring mahirapan silang hulaan ang mga sagot. Gayunpaman, ang paglalaro nito na kasama ang buong pamilya ay nagbibigay-daan sa bukas at magandang turingan at relasyon ng magulang sa mga anak.
Kung gusto mo namang maiba ang iyong nilalaro, dito ka na sa bago! I-download ang Big Win Club app para sa mas marami pang laro online kasama ang mga totoong tao. Ito ay may patas na kumpetisyon at magbibigay sa iyo ng magandang pakiramdam.