Ang kilalang online slot developer na Play’n Go ay laging may dalang sorpresa para sa kanilang mga manlalaro. Minsan, ito ay bagong tema ng laro, karagdagang tulong para manalo, at mas malaking papremyo.
Cats Slots Big Win
Ang online Cats Slots Big Win ay gawa ng Play’n Go na inilabas sa publiko noong ika-16 ng Nobyembre 2017. Kaagad nahuhumaling ang mga manlalaro dito dahil madali itong laruin, at dagdag-puntos na rin ang Asian theme nito, kagaya ng Chinese New Year. Isa rin sa mga rason ng pagkahumaling sa laro ay ang pusang karakter na makikita dito. Noon pa man ay pinaniniwalaan nang likas ang swerteng hatid ng mga pusa, lalo na kapag may kinalaman sa pera.
Kagaya ng ibang mga slot machines na nakikita online, ang Cats Slots Big Win ay mayroon ding re-spins, wilds, at ang mystic wheel ng multipliers na magsisilbing tulong sa mga naglalaro. Kadalasan, ang pagkakaiba lang ng mga slot machines ay ang tema at ang halaga ng papremyo na pwedeng mapanalunan.
Sigurado din na magiging mas madali na ang iyong paglalaro. Dahil sa teknolohiya, pwede na itong malaro sa mga tablets at mobile phones. At dahil diyan, hindi ka na mapag-iiwanan sa laro kahit nasaan ka man basta’t konektado ka sa internet.
Kung gusto mo munang pag-aralan ang larong iyong papasukin, may inaalok silang demo. Ito ay magsisilbing gabay sa iyong paghahanda bago pumasok sa aktwal na paglalaro. Dito ay makakapaglaro ka ng libre at hindi kailangang magdeposito ng pondo. Masusubukan mo lahat sa demo kagaya ng pagtaya, paggamit ng mga features, pagkatalo, at pagkapanalo. Kung ikaw man ay nanalo gamit ang demo environment, wala kang makukuhang premyo dahil hindi pa ito ang aktwal na laro. Ang link para sa demo play ay matatagpuan din mismo sa game website at sa mga piling casino review sites.
Kapag handa ka na para sa aktwal na laro, pwede ka nang lumipat sa live game at magdeposito ng pera. Dito ay makakapagsimula ka nang tumaya nang hindi bababa sa $0.05, o hanggang $100 para sa mas malaking panalo. Malay natin, baka maambunan ka ng swerte at maiuwi mo pa ang jackpot na pwedeng umabot hanggang 800x ng iyong ipinusta.
Tema, Musika, at Simbolo
Pagdating naman sa disenyo ng laro, napagkasunduan ng Play’n Go na ang Silangang Asya ang gawing tema nito. Inihalintulad ito sa isang lugar kung saan may mga tindahan na puno ng mga umiilaw na mga parol, nakatayong mga Ming vases at iba pang mga gamit na kadalasan ay nakikita sa oriental region. Isa ito sa mga bagay na nakakuha ng atensyon ng mga manlalaro.
Walang buhay ang isang laro kung wala itong musika. Nakakatulong ang mga tugtog o tunog para hindi madaling mabagot o maibsan ang pagkainip ng mga naglalaro. Para bumagay sa kabuuang tema, nagdagdag ang team ng Cats Slots Big Win ng mga tradisyunal na oriental music. Ang laro ay lalo pang napaganda at naging mas malakas ang oriental na dating nito.
Ang aktwal na reels naman ng laro ay ginamitan ng mga kulay na pula at ginto upang lumutang ang napakagandang guhit ng mga simbolo na nangangahulugan ng yaman at swerte. Napakaganda nito sa mata ng mga manlalaro, kaya mas gaganahan silang maglaro dito.
Ang mga simbolo naman na makikita dito ay ang pusa, na may pinakamataas na premyo sa laro at isa ring wild symbol na pwedeng pumalit sa anumang simbolo sa laro. Ang kasunod ay ang isda, baboy, at pagong. Ang mga simbolong nabanggit ay may katumbas na malalaking premyo. Ang ibang mga simbolo naman na mababa ang papremyo ay ang chinese rattle, pamaypay, pitaka, maliit na kampana, at ang gintong token.
Mekaniks sa Paglalaro
Paano nga ba manalo sa larong ito? Napakasimple lang – 5 fixed pay lines lang ang iyong kailangan para manalo dito. Sa pustahan naman, pwede kang magsimula sa pinakamababang taya na $0.05. O kaya ay itodo mo na hanggang $100 kung gusto mong manalo ng malaking premyo. Pero hindi mo kailangang magbasag ng alkansya para lang may maipusta dito.
Ang Big Win Cat Slot ay mayroon ding autoplay kung saan ay automatic na ang spins na nagkakahalaga ng 10, 25, 50, 75, at 100. Tuwing ikaw ay makakakuha ng mga tugmang kumbinasyon, makakatanggap ka rin ng premyo. Hindi lamang nakabase ang pagbibigay ng papremyo sa pinakamataas na kumbinasyon.
Sa patuloy na paglalaro, masusubukan mo rin ang re-spin of luck. Isa ito sa mga tampok ng laro na naa-activate kapag ang dalawang reels ay may mga parehong patong-patong na simbolo, kasama na rin ang wild symbol. Habang nakapwesto lang ang dalawang reels, ang pangatlong reel naman ang magrere-spin para mabigyan ng tyansa ang manlalaro na makumpleto ang panalong pay line.
Bukod pa sa re-spins, andyan rin ang tinatawag na multipliers. Kung ang naglalaro ay swerte at nakabuo ng parehong simbolo sa lahat ng 9 reels, dito maa-unlock ang multiplier kung saan ay magkakaroon ng tyansa ang manlalaro na manalo ng hanggang 10x ng halaga na kanyang itinaya. At kung ikaw ay maswerteng makakakuha ng lucky cat na simbolo sa lahat ng 9 reels, gamitin agad ang 10x multiplier upang manalo ng mas malaking papremyo.
Konklusyon
Dahil sa pinag-isipang konsepto ng laro, hindi maipagkakaila na mabenta sa maraming tao ang kalidad ng graphics at mas pinasimpleng mekaniks ng laro. Halatang pinaglaanan ng oras at atensyon ang pagkakagawa. Bukod pa diyan, lahat ay pasok din sa abot-kayang presyo ng panimula. Hindi kailangang maglabas ng malaking halaga para makapaglaro.
Dahil rin sa medium-variance na likas sa Cats Slots Big Win, mas madaling manalo ang mga naglalaro. Hindi ito kagaya ng iba na kailangan mo pang maghintay ng matagal bago pa makaranas ng panalo. Mayroon din itong potensyal na magbigay ng isang malaking jackpot kung ito ang iyong masuwerteng araw. Pero huwag kakalimutan na ito ay isa pa ring sugal – may panalo, pero pwede ring matalo. Itaya lang kung magkano ang kaya mong pakawalan.
Kaya kung ikaw ay handa nang ma-enjoy ang magandang slot machine na may dalang swerte, subukan na ang larong ito sa lahat ng Play’n Go casinos online! kung nais mo ng mas kawili-wiling mga laro sa mga serbisyo sa pagsusugal, i-download at subukan ang Big Win Club – ang pinakamalaking game center sa ating bansa ngayon.