Mga Benepisyo ng Colouring Games and Painting
Hindi lang mga bata ang nakikinabang ngayon sa mga colouring games and painting. Pati mga matatanda ay nahihilig na rin dito dahil ito ay nagdadala ng aliw at saya. Sa katunayan, umaapaw na ang mga apps na may ganitong konsepto sa internet. Ang lumalaki at tumataas na demand ang siyang nagtutulak sa mga developers na sumabay sa nauusong trend. Para sa mga mamimili, magandang balita ito dahil nagigin mas dumarami ang mga pwedeng pagpilian.
Ang pagkukulay at pagpipinta, sa kahit anong paraan, ay maraming hatid na magandang benepisyo. Hindi lang ito isang uri ng pampalipas-oras, nakakatulong din itong mapanatiling malusog ang ating katawan at isipan. Maraming mga pag-aaral ang nagpapatunay na nagdudulot ito ng maraming mga benepisyo. Ang mga sumusunod ay mga kilala at rekomendadong colouring apps na dapat masubukan ng lahat, lalung-lalo na ng mga may edad.
Pigment
Kung naghahanap ka ng mapaglilibangan na pwede mong maipakita ang iyong pagiging malikhain, ang Pigment ay tiyak na magugustuhan mo. Ito ay gawa ng Pixite, Inc. at inilabas ito noong taong 2016. Ang mga larawan dito ay may kontemporaryong disenyo at ito ang isa sa kalamangan at pagkakaiba nito sa mga apps na may mga tradisyunal na istilo. Binibigyan nito ng bagong anyo ang nakasanayan o pangkaraniwang mga imahe ng mga hayop, bulaklak, halaman, tanawin at iba pa. Mayroon din itong 126 na mga kulay at pwedeng ma-adjust ang tingkad ng mga ito. May mga kagamitan din na tulad ng lapis, angle-marker, brush sa pagpipinta, airbrush at circle-tipped marker. Hindi lang simpleng pagkukulay ang pwede mong gawin, may feature din ito kung saan pwede kang gumuhit, mag-sketch at magdagdag ng mga stickers. Maaari ka ring gumawa ng sarili mong disenyo.
Gusto ng app na makapagbigay ng tunay na karanasan sa pagpipinta kaya naman wala itong feature para sa pagbubura. Subalit, kung sakaling magkamali ka ay magagamit mo naman ang undo button. Libre ang pag-download ng app na ito na may 60 colouring pages. Kung sakaling gipit sa kasalukuyan at gusto mong bumili ng mga art materials, isa itong magandang alternatibo. Mas makakatipid ka pa rin kahit na gumamit ng premium version nito dahil ito ay mura lang.
Color Me
Manaka-naka na lang ngayong makakita ng libre at sulit na app. Ang Color Me ng Dot to Dots ay hindi na kailangan ng subscription para makagamit ng mga eksklusibong features nito. Ang mahigit 500 colouring pages na nakapaloob dito ay libre. Mataas ang ratings nito sa Play Store at may mahigit 10 milyong downloads na sa loob lamang ng halos apat na taon.
Swak ang app na ito para sa mga bata at matatanda. Maaari itong gawing bonding ng pamilya. Kung gusto mo namang gumawa ng sarili mong obra maestra, may dalawang mode na pwede mong pagpilian dito – ang pencil mode at ang watercolor painting mode. Ginagamit ang pencil mode sa pagguhit o pag-sketch samantalang ang watercolor painting mode naman ay sa pagpipinta. Mayroon itong mahigit 200 na mga kulay at mga pagpipiliang larawan mula sa iba’t ibang kategorya. Maaari mong ding ibahagi ang iyong mga likhang obra sa social media tulad nga Facebook, Instagram, at iba pa.
Colouring Books for Adults
Katulad ng ibang mga kilalang colouring games and painting app, ang Colouring Books for Adults ng ColorTime & PuzzleTime ay tiyak na papaganahin ang iyong imahinasyon. Hindi nakakapagtakang mayroon na itong mahigit isang milyong downloads at may 4.4 average star rating sa Play Store.
May mga features ito na makakatulong upang mailabas mo ang iyong pagkamalikhain. Kayang-kaya mong magawa ang mga gusto mong paraan ng pagkukulay. At dahil sa libre ang app na ito, asahan ang manaka-nakang paglitaw ng mga ads habang ginagamit ito.
Color Therapy
Pinapahalagahan naman ng Color Therapy ang interaksyon ng mga manlalaro nito. Ipinakilala ito ng Colority noong taong 2017 at sa kasalukuyan ay mayroon na itong mahigit sa 100,000 downloads sa Play Store. Hindi lang ito isang colouring app, nakabuo rin ito ng komunidad para sa mga mahihilig sa sining. May feature itong maihahalintulad sa mga social media platforms, ngunit ito ay eksklusibo lamang para sa mga likhang sining na nabuo gamit ang app na ito.
Ito ay isa sa may pinakamalaking koleksyon ng color palette – magmula sa mga magagandang solid colors hanggang sa mga matitingkad na gradient. May kahanga-hangang kalidad din ang mga tools, lines at effects nito na mas nagpapaganda pa sa mga likha. Ang free version ng laro ay limitado ngunit ang may bayad na bersyon ay may sangkatutak na colouring pages at color tools na pwede mong gamitin. Maaari kang makakuha ng karagdagang features kapag ibinahagi mo ang iyong mga likha sa iba.
Colorfly
Ang Colorfly ay inilabas ng Fun Games For Free noong taong 2015. Sa loob ng halos anim na taon ay umukit talaga ito ng pangalan sa larangan ng mga colouring apps. May mahigit 50 milyong downloads ito sa Play Store.
Gamit ang app na ito, may mahigit 2,000 na magagandang larawan at palettes kang mapagpipilian. Araw-araw din silang naglalabas ng mga bagong colouring pages. Ito ay may mga kakaibang filters at effects tulad ng mosaic, fairy, lego at iba pa na dito lang makikita.
Maaari ka ring mag-customize ng sarili mong palette. Mayroon itong showroom kung saan pwede mong ipakita at ibahagi sa iba ang iyong likhang sining. Pinapayagan din ang pagpapahayag ng mga opinyon at suhestiyon para sa likha ng iba. Isa din sa mga kalamangan nito ay ang pagkakataong makagawa ng sarili mong mga colouring pages.
Konklusyon
Sa ngayon ay patuloy pa ring namamayagpag sa kasikatan ang iba’t ibang colouring games and painting app. Sa katunayan nga, mas naging patok pa ito ngayong panahon ng pandemya. Malaking tulong ito sa karamihan para makapag-relaks at mas makapagpahayag ng nararamdaman. Nagiging hobby na rin ito para sa ilan dahil ito ay isang makabuluhang gawain. Ito ay nagpapatunay lamang na ang sining ay hindi kumikilala ng edad, antas o anupaman – ito ay unibersal na paraan ng pagpapahayag ng sarili sa pamamagitan ng pagiging malikhain.
Kung gusto mo naman ng alternatibong pampalipas-oras na may pagkakataong manalo ng mga totoong papremyo mula sa online casino games, subukan at i-download na ang Big Win Club app.