Win Big sa Pamamagitan ng PSO2: Rappy Slots
Ang Phantasy Star Online 2 o PSO2 ay kumbinasyon ng iba’t ibang laro kasama ang Rappy Slots. Dapat aralin ng mga players ang gameplay ng mga laro na nakapaloob dito upang siguraduhing mananalo. Sa lahat ng laro sa PSO2, makakalap ang pangunahing impormasyon sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa isang ‘bunny girl’. Narito ang iba’t ibang tips o quick casino guides upang magkaroon ng sapat na kaalaman o estratehiya sa larong PSO2 Win Big Rappy Slots.
Introduksyon sa Rappy Slots
Ang larong PSO2: Rappy Slots ay isang Rappy-themed slot machine game. Tulad ng mga classic na slot machine, mananalo ang isang manlalaro kapag may lumabas sa screen na tatlong magkakaparehong larawan o icon na nakahilera ng patayo, pahalang o dayagonal. Ang mga manlalaro ay pwedeng pumusta ng 1-5 coins bago mag-spin, kung saan maaaring makakuha ng multiplier sa mapapanalunan kapag magkakatugmang icons o symbols ang lumabas na resulta. Mayroong walong klase ng icons at multipliers na maaaring lumabas sa laro.
Upang manalo ng malaki sa larong ito, kailangan ng mga manlalaro na pumusta ng 5 coins maliban lamang kung sunud-sunod nang natatalo o malapit na sa pagka-bankrupt. Sa pagkakataong ang manlalaro ay malapit nang ma-bankrupt, kailangan niya munang maglaro o pumusta ng paisa-isa hanggang si Rappy ay umabot ng Level 4, bago siya pumusta muli ng lima. Kailangan ng manlalaro na piliin ang tamang machine sa paglalaro. Malaki ang pagkakaiba ng mga machine sa pagbibigay ng payout.
Estratehiya Upang Mag-Win Big
Kung ikaw ay nahumaling na sa paglalaro ng Rappy Slots, pwede mong singilin ang banko! Ito ang siguradong paraan upang mag-win big sa PSO2: Rappy Slots. Ito ay sa pamamagitan ng paglalaro sa lahat ng machine hangang si Rappy ay umabot ng Level 4 sa bawat isa. Sa pamamagitan nito, masusuri mo kung alin sa mga machine ang merong maganda at pangit na payouts basta kailangang paabutin si Rappy ng Level 4. Kapag sinubukan mo ang estratehiyang ito, masisingil mo ang buong banko sa pamamagitan ng pagkokondisyon ng mga machines na magbigay ng bonus hanggang 30x multiplier. Bukod pa rito, maaari kang makakuha ng PSE burst at iba pang mga bonus sa slots o masusuwerteng rolyo. Ang malaking risk lamang sa diskarteng ito ay kung may ibang player na maglalaro sa mga slot machines na nakaabot na sa Level 4.
Iba pang Features ng PSO2: Rappy Slots
Upang mas maunawaan ang larong PSO2 Win Big Rappy Slots, narito ang mga detalye ng iba’t ibang features nito:
Rappy Door: Magzo-zoom in ang isang seksyon ng screen na nakakubli sa mga slot doors. Maihahayag ang isang icon o tile sa bawat pagbukas ng slot door.
Rappy Intervention: May mga pagkakataon sa Rappy Slot kung saan ay namamagitan si Rappy upang aliwin ang manlalaro kapag hindi nagtugma ang isang spin. Maaari siyang tumakbo sa screen o kaya’y mahulog sa isang tile o icon. Ang kanyang mga aksyon kasama ng mga ibon sa laro ay may tsansang magpalit ng mga icons o tiles. May mga pagkakataon din na ang mga galaw ni Rappy ay maging bigo, kung saan ang mga icons o tiles ay mananatili sa kanilang mga kinalalagyan.
Rappy Chance Game: Sa bawat pagkakataon na may nagkatugmang Rappy Medal, may meter o metrong makikita sa gilid ng screen. Sa tuwing nakakakolekta ng limang medalya sa laro, mapupuno ang metrong nabanggit, at lahat ng pinto o door slots (bukod sa gitna) ay magsasara. Kapag nangyari ito, ang manlalaro ay kailangang itigil ang slot sa pamamagitan ng Rappy Wild upang masimulan o mabuksan ang Rappy Chance Game. Kung bigong gawin ito, kailangan ng manlalaro na kumuha muli ng isa pang metro upang magkaroon ng isa pang pagkakataon hanggang sa manalo siya ng Wild Spin.
Kapag nagawang mapigil ang isang tile o icon sa pamamagitan ng paggamit Rappy Wild, lahat ng slot doors ay mawawasak at mabubuksan, matapos ay magsisimula na ang Rappy Chance Game. Dahil dito, mas malaki ang posibilidad na ang Rappy Wild tile ay lalabas sa loob ng limang round, kung saan mas lalaki ang magiging tsansa para sa malaking payout sa oras na magtugma ang mga tiles. Isang metro ang magagamit sa bawat round hanggang sa lahat ng metro ay maubos. Pagkatapos nito, babalik muli sa orihinal na game interface ang laro.
Rappy PSE Burst: Ang Rappy Wild tile o icon ay maaaring ipalit sa ibang tiles, bukod sa miss tile, upang tumugma ito sa katabing tile basta mayroong dalawang magkasunod na wild tile o kaya ay normal tile sa isang linya. Maaaring lumabas ang PSE Burst kapag may nakahilerang tatlong Rappy Wild nang pahalang at magkakasunod. Ang lahat ng wild tiles na nakuha sa PSE Burst ay mananatili sa laro hanggang maubos lahat ang tsansa ng player, kung saan babalik muli sa orihinal na game interface ang laro. Ang Rappy PSE Burst sa larong PSO2: Rappy Slots ay tinagurian na “Big Win” ng mga “Client Orders” at ARKS Missions, ngunit hindi ito ang itinuturing na jackpot ng laro.
Jackpot: Makakamtan ang jackpot sa anumang pagkakataon kung ang lahat ng tiles sa slot machine ay Rappy Wild tiles. Sobrang swerte ng player kapag nangyari ito. Ang machine ay magbabayad kung magkano ang nakalagay na premyo sa payout sheet.
Konklusyon
Maraming masasayang laro ang itinatampok sa Phantasy Star Online 2 o PSO2 tulad ng Blacknyack, Lili Roulette, Arkuma Slots, Mesetan Shooter at iba pa, ngunit isa sa pinakamadaling laruin sa mga ito ay ang Rappy Slots. Dahil sa kakaibang features ng PSO2 Win Big Rappy Slots, maaari kang manalo ng limpak-limpak at ubusin ang pera ng banko sa loob ng laro! Isa sa mga nabanggit na paraan ay ang pagpapa-level up kay Rappy hanggang siya ay makaabot ng Level 4 sa bawat machine. Bukod dito, pwede mo rin makamtan ang tinaguriang “Big Win” sa pamamagitan ng Rappy PSE Burst. Higit sa lahat pwede mong makuha ang inaasam ng lahat na jackpot kung ikaw ay tunay na mapalad sa larong ito.
Hanapin at i-download ang Big Win Club app para sa mas marami pang online na laro kasama ang mga totoong tao, patas ang kompetisyon at magbibigay sayo ng magandang pakiramdam. Pindutin lamang ang link na ito: