Ano nga ba ang Social Tongits?
Ngayon na nasa web at mobile devices na ang Tongits, hindi gaya nang dati na sa mga kalsada o garahe lamang nilalaro, ay parami nang parami lalo ang nahihilig sa paglalaro nito. Hindi lang ang mga kabataan ang naho-hook dito kung hindi pati na rin ang mga matatanda kasi ito ay isang pinoy classic card game na kinagiliwan nila noon pa man. At dahil din sa naging online na ang larong ito ay pwede mong makalaro ang iyong kaibigan at pamilya kahit nasaan man sila sa mundo.
At narito na nga ang Social Tongits! Ang Tongits na makabago. Ang Social Tongits ang unang multiplayer Tongits card game na gumagamit ng ultimate credits. Pwedeng mag-top up gamit ang mga sumusunod na payment methods: accounts sa Globe, Sun, Smart, Gcash, GrabPay, 7Eleven, Paypal at mga bangko.
Sa paglalaro ng Social Tongits ay dapat pumili ng isang “astig” na alias at siguraduhing mayroon kang diskarte bago pa man mag-umpisa ang laro.
Pumunta sa website na www.socialtongits.com at maglaro na ng paboritong larong Tongits sa bahay gamit ang mobile phone o ang Facebook account. Gaya ng Big Win Club app ay pwede rin itong mai-download sa Play Store o App Store.
Ano ang mga tampok sa Social Tongits?
- Pwedeng Facebook or Google ang gamitin sa pag-log in.
- Makakatanggap ng initial load credits para makapaglaro agad.
- Makakakuha ng daily bonus kapag nag-log in ka araw-araw.
- Makakagawa ng sariling account.
- Magdagdag at makipaglaro sa mga kaibigan at hamunin ang mga ito sa iba’t ibang mga laro.
- Makipag-chat at maglaro nang sabay sa sinumang players online.
- Makakabili ng load credits gamit ang mobile load, Paypal, LoadCentral at Metrodeal.
- Magbigay at tumanggap ng mga regalo.
- Gumawa ng strategy gamit ang secret techniques sa pagbuo ng melds at hamunin ang ibang manlalaro sa draw.
- Libreng bonus codes!
- Bumili ng load para makakuha ng loyalty points!
Ano ang mga features sa bagong version?
Makakapag-redeem ng loyalty points para sa deals at discounts.
Tournaments para sa Tongits.
VIP subscriptions at ad-free version.
Maaring makagawa ng sariling tables.
Makakapaglagay ng larawan sa picture albums.
FEATURED GAME SA SOCIAL TONGITS
Challenge the Tongits Master
Talunin ang Tongits Master na si Mike sa Social Tongits at manalo ng mga papremyo. Mag-log in lamang at i-search ang “Tongits Master” upang kumasa sa hamon na talunin si Mike. Pwedeng manalo ng iba’t ibang papremyo! Subaybayan ang Facebook at Twitter account para sa iba pang “Challenge the Master Promotions”.
MEGA JACKPOT WINNER!
Noong Hunyo 21, 2013, napanalunan ng isang lucky player ang Social Tongits Mega Jackpot. Para sa security ng nanalo, tawagin na lang natin siya sa initials na LM. Nanalo siya ng 483,615 load credits sa Bronze Table (Php1,000 ante). Ang Mega Jackpot ay mapapanalunan kapag nakabuo ang player ng 7-Card straight flush (o 7-Card escalera) nang walang kinukuhang baraha mula sa dumped at melded cards sa unang move pa lamang.
REVIEWS
Mula sa pananaliksik, narito ang ilan sa mga reviews ng mga manlalaro.
“Nakakainis ang larong ito kung ikaw ang hitter ng big pot. Sa kalagitnaan ng laro, bigla na lang hihinto ang game, ngunit bumabalik rin sa muling pag-log in. Bagamat hindi na nakakagulat na marami pa ring tao ang gustong maglaro nito.” – Ager Villamor (Agosto 8, 2021)
“Naging hitter ako ng maraming beses, pero kapag nanalo ako ng jackpot ay hindi ito napupunta sa akin. Ang waiting time naman ay nasa 45 na segundo. Masyadong mahaba ito. Ang 20 segundong paghihintay ay sapat na dapat.” – Lyndon Villanueva (Abril 24, 2021)
“Gusto ko ang larong ito pero ayoko na kapag nasa gitna ako ng laro at malaki na ang winning money at pot, naaantala ang laro kahit na malakas naman ang internet connection. Minsan naman, ang pagbilang ng cards sa pagtatapos ng laro ay hindi tama. Naranasan ko na ito ng makailang beses.” – Danny OB (Oktubre 23, 2019)
“Ang internet connection ko ay malakas pero lagi akong nabibitin sa paglalaro. Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari. Napansin ko rin na kahit wala namang ibinababang buo ang mga manlalaro (dahil bahagi ito ng kanilang strategy, akalain mong sila pa rin ang nanalo? Ang totoong Tongits ay may rule na kahit na may buo kang hawak, kung hindi mo naman ilalapag ay talo ka pa din.” – Hannah Crucena (Mayo 4, 2019)
“Ang larong ito ay hindi na strategic. Ang secret valid set cards ay hindi na tinatanggap, kailangan mong i-expose lahat ng meld cards kahit na kwadro o straight flush. Kung minsan naman ay kasali ang iyong close cards sa pagbibilang kapag may nag-call ng draw. Kung maaari sana ay maayos ang mga aspetong ito ng laro.” – Job Galeno (Nobyembre 27, 2018)
“Nag-sync ako nitong app sa Facebook account ko at humingi ito ng username. Kapag naglagay ako ng username, laging sinasabi na “username error”. Kaya napagdesisyunan kong i-uninstall na lang ang app. Sobrang sayang sa oras. Basura! Salamat! “ – Samuel Leano (Pebrero 11, 2019)
“Ni minsan ay wala akong napanalunan sa laro. Kahit manalo pa ako, ang hit ay napupunta sa ibang manlalaro. At tsaka minsan, mayroon akong lowest count pagtapos ng game pero talo pa rin ako. Hindi ko maintindihan ang game app na ito.” – Krista Aguila (Agosto 9, 2019)
“Sayang sa pera! Lagi akong nabo-boot out sa kalagitnaan ng laro, lalo na kapag malapit nang maging hitter. Sinasadya nila ito para bumili ka ng chips/points nang paulit-ulit. Ang app na ito ay isang malaking scam. Hindi ko ito nirerekomenda sa mga Pinoy. Maadik ka lang pero sayang ang oras mo. Malaking sayang!” – Neda Rajcich (Oktubre 12, 2020)
“Sa developer ng larong ito, huwag mong isisi sa ibang app kung bakit nagka-crash ang app mo. Ang kailangan mong gawin ay ayusin mo ang sarili mong app. Kalokohan itong app na ‘to! Masasayang lang oras ninyo. Hanapin niyo ang “Tongits Fun”. Mas maayos ‘yun at siguradong hindi magka-crash. Promise.” – Jon Macatangay (Hulyo 2, 2021)
Base sa mga reviews, malaking scam ang paglalaro nito dahil sa tuwing malapit nang maka-hit ng jackpot ay mala-log out ka na lang bigla sa gitna ng laro. Maganda raw sana ang larong ito at nakakaadik ngunit sayang naman ang iyong pera at oras. Para sa akin, ang larong ito ay pang-2.5 stars lang, matapos kong mabasa ang mga reviews.