Ano ang Tongits Fun game?
Ang Tongits Fun game ay isang laro na ginagamitan ng 52-deck playing cards – mula King hanggang Alas. Dalawa hanggang tatlo ang pwedeng maglaban sa larong ito. Paunahang maubos ang mga hawak na baraha o makapagtira ng mabababang cards ang mga manlalaro. Natatapos ang laro kapag may nakaubos ng baraha o may nag-draw. Ang bawat isa ay pwedeng mag-fold o lumaban kapag may tumawag ng draw. Maaring humamon ng draw o lumaban sa tawag ng draw kung ang hawak mong mga baraha ay mabababa ang kabuuang bilang. Ang Tongits ay may ilang pamamaraan para makapagbawas ng baraha ang mga players. Maaring ito ay pagsapaw sa melds o bahay ng kalaban o pagbunot sa central stack at pagtapon ng hindi kailangang baraha. Paunahang makaubos at pababaan ng puntos o bilang – iyan ang mga dapat tandaan para matiyak ang iyong panalo.
Ang Tongits Fun game ngayon ay maaari nang laruin online. Sa katunayan, maraming apps na ang pwedeng gamitin para makapaglaro ng Tongits online. Pwede itong ma-download sa kompyuter o mobile phone. Maaari itong laruin offline o online. Ngunit, mas masaya at nakaka-excite syempre kung gagawin ito online sapagkat mga totoong tao ang naka-login at makakalaban mo.
Sa pagpili ng apps, kelangan isaalang-alang ang mga sumusunod upang maging maayos at masaya ang paglalaro nito:
- Rating ng Apps
Hindi lahat ng app ay katiwa-tiwala. Piliin ang apps na may magandang rating at mga komento galing sa mga nakapaglaro at nag-download na nito.
- Apps na Pwede sa iyong Device
May mga apps na hindi kompatible o naaayon sa specs ng iyong device. Ito ay magreresulta lamang ng pagbagal.
- Rewards at bonuses
Piliin ang apps na may malalaking rewards at laging may ibinibigay na bonus.
- Bilang ng mga Naglalaro
Mas maraming naglalaro, mas masaya. Mas marami kang makakalaban at mas malaki ang papremyong makukuha.
- Madaling Laruin
May mga laro o interface sa mga online games na mahirap intindihin at gamitin. Pumili ng simple ngunit may magandang graphics at interface.
Mga Pinakamahuhusay na Apps na Pwedeng I-download
Karamihan sa mga apps na ito ay matatagpuan sa Google Play Store, para sa mga android phones, at sa App Store, para sa mga iOS phones tulad ng iPhones.
Tongits Go
Ang Tongits Go ay binubuo ng maraming card games tulad ng Pusoy, Lucky 9, Poker Slots, Poker, Color Game, Pusoy Dos, Bingo, at syempre pa ang sikat na sikat sa Pilipinas – ang Tongits. Sa oras na ang makapamili ng laro, dadalhin ng Tongits Go ang player sa isang room na may mga nag-aantay na mga kalaro. Ang Tongits Go ay bukas para sa lahat ng manlalaro sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ang mga manlalaro ng Tongits Go ay mayroong coins na maaring gamiting pantaya. Mayroon ding dyamante na pwedeng ipalit sa coins na pantaya. Kung pipiliin ng manlalaro ang Tongits Fun game o Tongits, ang layunin ng manlalaro ay ubusan ng cards. Tulad ng paglalaro ng normal na tongits, kailangan din na bumuo ng mga bahay o melds. Ang Tongits Go ay namimigay ng bonus coins at dyamante araw-araw. Meron din itong ranked game kung saan pwede kang humamon ng ibang manlalaro at makakuha ng mataas na ranggo. Pwede ka rin makipaglaro sa barkada o family table. May tournament ito at pwede kang lumahok sa mga groups. Ang app na ito ay may 4.9 stars rating.
Tongits Fun
Ang app na ito ay sikat sa bansang Thailand at Indonesia. Ito ay may iba’t ibang laro ng baraha na pwedeng pagpilian ng mga players. Ito ay ang sumusunod: Tongits, Classic Pusoy, Color Game, Exciting Slot Machines, at Texas Poker. Ang Tongits Fun ay namimigay ng 300,000 na libreng golds bilang “welcome bonus”.
Ang larong ito ay nagho-host din ng mga special events kung saan ang mga manlalaro ay pwedeng manalo ng milyun-milyong golds at iba pang papremyo. Pagandahin pa ang social life sa pamamagitan ng chat feature ng app na ito kung saan pwede kang makipag-usap sa mga kalaro mo online. Magpadala ng mga nakakatawang emoji at props. Ang app na ito ay may 4.7 stars rating.
Tongits Zingplay
Ang Tongits ZingPlay ay ginawa para sa android smartphones ng Star Casino at ito ay isa rin sa sikat na card game app sa Pilipinas. Sa pagsisimula ng laro, may makikita ang players na iba’t ibang rooms na pwede nilang salihan. Pwede rin silang gumawa ng sarili gaming room kung saan makakapaglaro kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan. Sa oras na matiyak ng manlalaro ang room gustong pasukan, dito na mag-uumpisa ang laro. Ang Tongits ZingPlay tulad ng ibang app games ay namimigay din ng rewards at coins para sa mga baguhan. Gagamitin ng mga manlalaro ang rewards na ito para palaguin, doblehin, triplehin o bumili ng karagdagang coins sa pamamagitan ng mga dyamante.
Ang Tongits Zingplay ay nakakaengganyo dahil sa makulay nitong graphics at animation. Mararamdaman mo na para ka na ring naglaro sa totoong casino gamit lamang ang iyong smartphone. Ito ay mayroong 4.8 stars rating.
Tongits Wars
Ang Tongits Wars ay isa sa mga kaabang-abang at nakaka-excite na rummy card game. Ito ay gumagamit ng estratehiya, matalinong pagdedesisyon, at bluffing, tulad ng larong Poker o Pusoy. Katulad ng ibang Tongits apps games, ito ay gumagamit din ng 52-deck cards. Ang layunin nito ay maubos lahat ng hawak na baraha o mabawasan ang kabuuang bilang ng cards kapag ang kalaban ay nag-draw o kapag ang deck ay naubos.
Sa kada ikot, ang manlalaro ay pwedeng :
Bumunot o magdraw
Sa pag-uumpisa ng laro, ang bawat player ay may pagkakataong bumunot o mag-call ng fight o draw, kung sa tingin niya ay tiyak na siya ang mananalo sa round. Pwede siyang bumunot sa deck o kunin ang itinapon na card ng kalaban para maitugma ito sa hawak niyang card at makabuo sya ng bahay o meld.
Magbaba ng Melds o Pigilan ang Kalaban
Pwedeng ibaba ng player ang nabuo niyang set o magsapaw sa buo ng kalaban para mapigilan ito sa pag-draw.
Magtapon
Lahat ng players ay magtatapon ng mga hindi na kailangan na cards.
Ang Tongits Wars ay may mga sumusunod na features:
- VIP Club na may premium na benepisyo;
- Pwedeng mag-customize ng panuntunan ng laro;
- Offline mode kung gustong magpraktis muna;
- Basic Game o computer system ang iyong kalaban;
- Awtomatikong nai-save ang laro;
- Multiplayer game o higit sa dalawang kalaban na may auto-join at auto-resume;
- Multiplayer game gamit ang Facebook;
- Referral system at invitation sa mga Facebook friends; at
- Game Bonus (welcome bonus, FB Connect bonus, daily bonus, legacy bonus, mega bonus, referral bonus and video chips bonus).
Sa Tongits Wars ay pwede kang mag-level up para matalo ang Number 1 sa World Record at maging isang Legendary Tongits Warrior! Ito ay may 5 stars rating.
Ang lahat ng ito ay matatagpuan din sa Big Win Club App. Maraming makikitang Tongits Fun games at ibang card games dito na siguradong kaaaliwan.
Sa lahat ng Tongits Fun games, ikaw ay mananalo kapag nabuo mo lahat ng iyong baraha. Matagumpay kang naka-Tongits kapag ikaw ay may pinakamababang puntos sa baraha sa oras na maubos na lahat ng nasa deck, at kung ikaw ay nag-draw at may mababang baraha ang natira sa iyo kumpara sa hawak ng iyong mga kalaban.
Lahat ng Tongits Fun games app ay siguradong maghahatid sa inyo ng kakaibang kaba, saya at excitement. Pakatandaan lamang na maging isang responsableng manlalaro sa lahat ng card game o online casino game na iyong lalaruin.