Ano ang Tongits Extreme?
Halina’t balikan natin ang paglalaro ng paboritong card game ng mga Pinoy – ang Tongits! Ang Tongits Xtreme ay maaaring laruin offline at ito ay libre!
Ito ay isang bagong bersyon ng app na tinatawag na Tongits Extreme na sikat din sa mga sumusubaybay ng Tongits. Ang mga manlalaro nito ay may dalawang kalabang AI (artificial intelligence) sa bawat round. Ang AI ay maaaring maging average o hustler, konserbatibo o agresibo! Hinahamon nila ang iyong analytical skills hanggang sa puntong makaramdam na ng gigil sa laro dahil nakakamangha talaga kung gaano katalino ang mga ito.
Ano ang mga tampok sa Tongits Extreme?
Ramdam mong mas totoo ang laro kapag Tongits Extreme app ang gamit, hindi tulad ng ibang software na hindi interactive.
Matatalino ang makakalabang AI na may iba’t ibang personalidad.
Medyo madali pang manalo kapag nagsimula ang paglalaro sa sa mababang level. Upang ma-unlock ang mas matalinong AI, dapat mong malampasan ang Level 7.
Ayaw mo ba ng mga card na iyong nakuha? Walang problema! Ulitin lang ang pag-deal. Magagamit lamang ang feature na ito mula Level 7, pataas.
May detailed payment scheme ang app na ito para magabayan ka kung magkano ang panalo (o talo).
Makakapili ng disenyo ng back card.
May mga interactive messages din bilang gabay sa paglalaro.
May mga token at flags upang paalalahanan ang mga players kung sino ang nakaraang winner, ang huling manlalaro na pumili ng card mula sa deck, at ang nagwagi ng jackpot.
Ang player’s money, level, rounds played, atbp. ay awtomatikong naka-back up na kahit ang app ay hindi updated.
Para makita ang lahat ng dumped cards, mag-swipe lang sa stack ng dumped cards.
Hindi na kailangan pang tandaan kung ilang cards pa ang natitira sa deck. Ang natitirang card count ay nakadisplay na sa top deck.
Ano ang layunin ng laro?
Ang larong Tongits ay nabuo at pinauso ng mga taga-Luzon na nasa hilagang bahagi ng Pilipinas. Ang layunin ng larong ito ay mabawasan ang total value na nasa kamay ng mga manlalaro. Mananalo lamang sa larong ito kapag nagawa na ang isa sa mga sumusunod:
Ubos na ang lahat ng cards (“Tong-its!”).
Pinakamababa ang value ng mga barahang hawak ng manlalaro pagkatapos ng round.
Lowest hand value ang nasa kamay ng manlalaro sa isang draw o fight.
Upang mabawasan ang hand value,
- a) bumuo at mag-post o magpakita ng cards na hindi bababa sa 1 meld.
- b) magdugtong ng mga card/s sa posted meld/s.
Makukuha ang jackpot kapag nanalo sa dalawang magkasunod na rounds ang manlalaro.
Ano ang game flow?
Nagsisimula ang round sa pagdi-deal ng player na nanalo sa kakatapos lamang na laro – 13 cards ang mapupunta sa dealer at 12 cards naman sa dalawang kalaban.
Kapag ikaw na ang titira,
Simulan sa pagpili kung kukuha ba mula sa stack o kukunin ang latest dumped card.
Kung pinili ang dumped dard, i-post ang nagawang meld.
Maaring i-post o i-hold muna ang iba pang melds para hindi malaman ng kalaban ang inaantay na puro.
Subukang magdugtong ng mga hawak card/s sa posted na melds.
Tapusin ang turn sa pamamagitan ng pagtapon ng card.
Tandaan, maaaring simulan ang isang “Draw” bago pa bumunot mula sa stack o kunin ang dumped card kung:
Nagkapag-post ng kahit 1 meld; at
Walang card na nakapagdugtong sa nai-post na meld/s mula sa nakalipas na ikot hanggang sa current turn.
REVIEWS
Base sa mga reviews ng app na ito, nagustuhan ng karamihan ang laro. Dahil sa hilig nila ang paglalaro ng tongits, in-install pa din nila ang TongitsXtreme kahit pa nagpalit na sila ng phone. Ngunit kalakip din ng ilang magagandang reviews ay ang mga hindi magandang karanasan sa paglalaro o kaya naman ay mga suhestiyon para mas mapaganda pa ang app. Narito ang ilan sa mga reviews:
“Mas mabuti kung ang laro ay may opsyon na tanggalin ang mas pinahirap na mga kalabang AI sa matataas na lebel. Mas maganda kung makakapaglaro sa gustong AI lebel at masusuri ang nakaraang laro. Mas mahirap manalo kapag nasa pang-anim na level na o pataas kaya pinag-aaralan ko talaga. Nakakagalit minsan kasi gusto ko lang naman matuto nang hindi nakakalaban ang mga pesky AI.” – May
“Paminsan-minsan ay nagloloko ang laro. May mga nawawalang cards. Ang aking asawa ay nasa Level 117 na. Sinusubaybayan namin ang mga card na itinapon at mga barahang bigla na lang nawawala. Ayusin sana ang error na ito. Maaari ko bang imungkahi na isama ang “katkong”? Maaari rin bang magdagdag ang setting upang palakihin ang cards? Para naman pwedeng makapaglaro kahit walang salamin sa mata.” – A Google User
“Sa katunayan, noong una kong nilaro ito sa aking lumang telepono, napaka-cool talaga kaya nagustuhan ko. Nang palitan ko ang aking telepono, in-install ko ang parehong app dahil paborito ko talaga ito. May kaunting pagkakaiba nga lang kaysa dati. Sa kasamaang palad, hindi ko gusto na kapag natapos na ang laro at nakita na ang mga cards, ang numero sa cards ay nagbabago at hindi na maintindihan. Hindi ko alam kung natalo ba talaga ako. Paano ba ito?” – Erika Alba
“Maganda naman siyang laruin. Ngunit ang ruling ay hindi tama. Kung wala nang mga card na natitira upang i-draw at ang dalawang magkasunod na manlalaro ay may parehong bilang ng natirang cards, ang magwawagi dapat ay ang pangalawa at hindi ang unang manlalaro. Ang ruling ng tongits ay ganoon na magmula pa noon.” – Mark Danvid Reyes
“Hindi siya balanse. In-install ko ito dati sa luma kong telepono at nasiyahan ako sa mga pagbabago at ang pagkakaroon ng mas matalinong AI. Ngunit minsan, hindi rin pala nakakatuwa tulad ng dati dahil hindi ka makakapag-level up agad. Napakahirap talunin ng AI! Mabuti pang bumalik na lang sa naunang bersyon.” – Chris Tian
Kung pagsasama-samahin ang mga reviews, 3.5 lamang ang aking ibibigay na rating para sa app na ito. Dahil sa tumaas na level ng AI, mahirap na itong matalo ng mga manlalaro. Kahit na ang layunin ng gumawa ay magkaroon ng dagdag na thrill sa paglaro, ang kinalabasan ay mas mabilis nagsawa ang mga tao dahil hindi rin sila makausad sa laro.
Tongits Extreme at BIG WIN Tongits and Pusoy Club
Ang mga app na ito ay may sariling bersyon ng Tongits. Ang Big Win app ay nagbibigay din ng mga alternatibong larong tongits online at iba pang card games na pwede mong subukan at gawing libangan.
Gusto mo bang subukang laruin ang Tongits Extreme o ang tongits version ng Big Win Club? Ano pang hinihintay mo? I-install mo na ang mga app na ito para malaman mo kung gaano kasaya maglaro ng tongits!