Libu-libo ang iba’t ibang mga larong sugal sa buong mundo. Marami ang handang tumaya ng maliit na halaga anumang denominasyon ang itakdang gamit sa pagtaya. Mayroong mga larong sugal na nangangailangan ng mga kasanayan at swerte. Kadalasan, ang swerte ay may malaking papel sa magiging takbo ng laro. Alamin kung ano ang mga larong sikat at pinipilahan sa anumang casino. Ito ay mga larong pamilyar sa nakararami. Ang ilan sa mga ito ay ang Roulette, Poker, Blackjack, at Racing.
Sa iba’t ibang panig ng mundo, madami ring larong pinaglilibangan ang hindi sinasadyang mauwi sa pagsusugal. Narito ang ilan sa mga ito:
TONGITS Card Game
Ito ay isang card game na ginagamitan ng isang tradisyunal na 52-card deck. Ang Tongits ay isang 3-player rummy-type na laro. Unang pinasikat ang larong ito noong 1900’s sa Luzon, ang pinakamalaking isla sa Pilipinas. Ang pinagmulan nito ay hindi tiyak pero pinaniniwalaang ito ay pinalaganap ng mga Ilokano. Ito ay unang nilaro sa Pangasinan noong mid-1980’s kung saan tinawag itong “Tung-it”. Ang larong ito ay maihahalintulad sa larong Tonk na isang American card game at may pagkakahawig din ito sa Mahjong.
Ang ranggo ng cards ay ang sumusunod: A, K, Q, J, 10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, at 2, kung saan ang A o alas ang nagsisilbing pinakamataas na card. Ang diskarte para manalo ay dapat mangolekta ng mga hand combinations at pagkatapos ay itapon ang mga hindi kinakailangang cards. Nagpapatuloy ang laro hanggang sa maubos ang gitnang salansan o stack at isang manlalaro na lamang ang natirang naglalaro. Maaaring mahanap ang larong ito sa App Store. Gamitin lamang ang keyword na “filipino card game tongits” o “tongits card game”. Isa sa mga nangungunang opsyon ay ang Big Win Club app, kung saan maraming pagpipiliang mga laro bukod sa Tongits!
KAH
Ang jackpot game na ito ay nagsimula pa sa mga ninuno ng tribong Apache. Inilarawan ang Kah ni Geronimo, ang pinuno ng mga Apache, na tila may hawig sa larong baseball. Nakasulat ito sa kanyang autobiography noong 1906. Ito ay nilalaro nila sa gabi, kasabay ng mga pagdiriwang para sa anumang okasyon. Sinabi rin niyang lalong nadadagdagan ang kasiyahan kapag may mga paligsahan at palaro.
Paano ang paglalaro ng Kah?
Ang mga manlalaro ay nahahati sa dalawang koponan: ang mga feathered tribe at ang mga beasts. Pinaghihiwalay ng isang campfire ang dalawang grupo. Ang isang moccasin ay inilalagay sa loob ng bawat isa sa apat na butas na hinukay sa lupa. Ang dalawang tribo ay magtatabing ng isang kumot o tela sa pagitan nila upang maitago ang apat na butas mula sa paningin ng kanilang kalaban. Ang unang hakbang sa ritwal na ito ay itatago ang isang maliit na puting buto sa isa sa apat na moccasins na nilagay sa mga butas. Ang puting buto ay sumasagisag sa pagbagsak ng nakakatakot na malaking agila na sinasabing nagligtas sa sangkatauhan noong unang panahon.
Kapag nakatago na ang buto, magpapatuloy ang lahat sa pag-awit at pagkatapos ay wawasakin na ang kumot. Tatakbo ang isang itinalagang manlalaro ng koponan mula sa isang tribo at ituturo ang isa sa mga butas bilang paghula. Kung ang miyembro ng pangkat ng beasts ay tama at nahulaan kung nasaan ang buto, ang Team Beasts naman ang magtataas ng isang kumot at itatago ang buto. Kung ang feathered tribe ay nagkamali ng itinurong butas at wala rito ang buto, magpapatuloy ang laro hanggang sa tumama ang paghula at matunton ang tamang kinalalagyan nito. Ang puntos ay karaniwang binibilang gamit ang maliliit na mga sanga bilang tanda. Ang grupong may pinakamaraming sticks ang panalo.
PANGUINGUE
Bukod sa Filipino card game tongits, ang Panguigue ay isa ring laro sa Pilipinas. Ito rin ay tinatawag na Tagalog Pangginggí o Pan, isa sa mga kakaibang larong sugal at natatangi sa buong mundo. Mula sa Pilipinas, tumawid ng karagatan ang kaalaman sa larong ito kaya’t matatagpuan na rin ito sa mga casino ng US at South America noong unang bahagi ng ika-19 na siglo. Ngunit kalaunan ay tila nalaos ang laro. Sa kabilang banda, makikita ngayon ito sa ilang mga online casino at online poker sites.
Tradisyunal na nilalaro ang Pan gamit ang pinagsama-samang 8 deck ng cards. Ang jokers, 10s, 9s, at 8s ay inaalis bago magsimula ang laro. Sa ilang mga lugar, ang mga manlalaro ay gumagamit lamang ng 5, 6 at 11 na cards at inaalis din ang lahat ng mga spades upang manalo ng jackpot. Ang larong ito ay gumagamit ng Spanish deck of cards na kung saan ay mayroon 40 cards bawat deck.
Tulad ng karamihan sa card games, ang mga manlalaro ay nagsisimula sa 10 cards. Gayunpaman, ang dealing sa larong ito ay nag-uumpisa sa kanan, pakaliwa. Ang bawat manlalaro ay nagbibigay ng chip upang maitakda ang panimulang taya. Habang nasa laro, maaaring mag-play o fold. Kung fold ang desisyon o kapag nagtaob ng baraha ang player, nangangahulugang suko na ito at handa nang pakawalan ang itinayang chips.
SAIGON 5-CARD
Karamihan sa mga nagsasalita ng Ingles ay hindi pa marahil naririnig ang larong ito. Nauso ang Saigon 5-card sa Cambodia at Vietnam. Ito ay tinatawag na Ngau Ham ng mga natives. Ito ay isang laro na may 53 cards at nilalaro tulad ng Baccarat. Ngunit kahit hindi pamilyar sa laro ay hindi ito hadlang para masubukan ito. Purong swerte ang batayan at siguradong mauunawaan agad ang mga patakaran ng laro matapos lang ang ilang rounds. Sa pagkakataong ito, pantay ang bawat players at walang paraan para pataasin ang tsansang mapanalunan ang jackpot.
Hindi tulad ng Tongits card o Tongits card game, sa larong ito ay mayroong tatlong pusta ang isang manlalaro; Ante, Pot, at Bonus. Ang main bet ay isang ante, at dapat na madaig ang barahang hawak ng dealer. Bibigyan ng five cards ang players at ang tatlo dito ay dapat na maging 10, 20, o 30 ang total para manalo. Ang laro ay mabilis at masaya at pinapanatili ang thrill ng paghula hanggang sa huli. Mahahanap ang larong ito sa mga lokal na casino. Ang paglalaro na may kaakibat na purong pagkakataon tulad ng mga playing slots at tiket sa lotto ay hindi kasing taas ang excitement kapag naglalaro ng mga table games tulad ng poker, ngunit dahil ang karamihan sa mga ito ay “game of chance”, wala namang mawawala kung susubukan ito.