Ano ang Color Switch?
Ang Color Switch ay isang kilalang mobile game na inilabas noong Disyembre 2015. Ito ay mayroong 200 milyong download sa Google Play Store at Apple App Store. Ito rin ay tinaguriang No. 1 mobile game sa mahigit 150 bansa at pinakamabilis pagdating sa bilang ng downloads sa Apple App store na umabot sa 50 milyon.
Ang Color Switch ay isang mabilisang tap-based na laro na may kakaibang ‘obstacle course’ dahil sa tuluy-tuloy na pagbabago ng mga kulay at mga bagay-bagay sa loob ng laro. Ssiguradong kayang-kaya itong laruin ng mga bata at pati na rin matatanda. Habang ang iba’t ibang kulay na ‘geometric shapes’ ay umiikot, ang manlalaro ay kailangan lamang gumamit ng isang daliri upang i-tap ang bolang nag-iiba-iba ng kulay at ipareha ito sa kulay ng geometric shape. Ang larong ito ay mayroong walong klase ng game mode kasama na ang pinakahuling labas nito na gravity at split. Higit sa lahat, kung gusto mo pang itaas ang difficulty ng laro, maari mong i-on ang reverse na option para sa iba’t ibang challenges o level ng laro.
Noong 2016 ay naging isa ito sa mga kinababaliwang laro, ngunit kagaya nang lahat ng nauuso, unti-unti rin itong nawala sa iOS at Playstore.
Paano Na-develop ang Color Switch?
Maari kang ma-addict sa larong color switch kahit na maiinis ka rito dahil sa hirap ng mga level sa laro. Mas lalong tataas pa ang interes mo sa larong ito kapag malalaman mo ang kwento kung sino ang gumawa at paano nga ba nagawa ang color game. Ang gumawa ng larong ito na si David Reicheit ay hindi mo aakalaing color blind dahil sa naimbento nitong laro.
Ang basic na paglalaro o gameplay nito ay may two-dimensional na red at light-green na ilaw, kung saan pwede kang magpatuloy sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga hindi mo kakulay. Napakaimportante ng kulay sa larong ito. Kaya paano nga ba naimbento ni Reichelt ang larong kumplikado at ganito kadetalye kung siya nga ay isang color blind? Tinulungan siya ng Buildbox, isang software kung saan pwede mong manipulahin ang gameplay gamit ang drag-and-drop na option nito. Sa madaling salita, ginawa o prinogram ang laro ni Reichet nang hindi siya nagsusulat ng kahit isang line code. Ang buong proseso ng pag-develop ng larong ito ay simpleng copy, paste at create options lamang sa pamamagitan ng naka-set na options sa Buildbox tulad ng speed, jump height at score multipliers.
Ano ang nangyari sa Color Switch?
Sa kabila ng pagiging kakaiba at kamangha-mangha ng larong Color Switch, ito ay biglang nawala sa merkado ng video games. Ang nagdisenyo at bumuo ng laro na Color Switch na si David Reichelt at ang kanyang grupo ay naglabas ng pahayag patungkol sa pagkawala nito.
Ayon sa grupo: “Ang nagdaang dalawang taon ay isang kamangha-manghang pagkakataon sa Color Switch at kami ay nagpapasalamat sa lahat ng tumangkilik na maglaro nito. Noong ika-22 ng Disyembre, ang Color Switch ay inalis ng naunang publisher nito at itinigil muna: “Pinilit naming iwasan ang pangyayaring ito at humihingi kami ng kapatawaran sa pangyayaring ito, lalo na sa inyong mga manlalaro ng Color Switch” .
Idinagdag pa ng kumpanya na: “Kami ay isang maliit na game studio na naniniwalang ang laro ay dapat nagbibigay-kasiyahan sa lahat ng manlalaro at hindi lamang ito isang negosyo. Para sa lahat ng artists, may hilig sa pagbuo, mga estudyante, nangangarap, tagalikha at tagapanguna, darating ang pagkakataon sa buhay na kailangan mong tumindig sa iyong paniniwala, lalo na kung ito ay tama. At ito ang nangyayari sa Color Switch.”
Sinasabi rin ng team ni Reichelt na: “Ang bawat kilos ay nagsisimula sa pag-iisip. Hindi namin lubos maisip na ang tahaking ito ay magdadala sa amin na maikot ang buong mundo at makatagpo kayo na nagmamahal sa laro. Ang aming grupo ay lubos ang pagpapasalamat sa inyong suporta at kami ay mas handa pang magbigay ng higit sa inyo sa 2018. Nagpapasalamat kami sa inyong pasensya habang inaayos pa namin ang aming susunod na laro. Maaari ninyong ibigay ang inyong impormasyon o ‘contact’ upang maibahagi namin sa inyo kung kailan muli babalik ang Color Switch kasabay ng iba pang laro.”
Sa madaling sabi, ito ay isang pangkaraniwang kaso nang mga publisher na naninira mismo ng kanyang manggagawa; isang halimbawa nito ay sa komunidad ng Youtube kung saan ay itinuturo at inaakusahan si Machinima sa pangho-hostage ng mga “content creators” hanggang sa makakuha sila ng sapat na pera upang iwanan ang kontrata. Sina Leafyishere at Clash ay ilan sa mga Youtubers na nakagawa ng paraan na makaalis rito at binigyan ng babala ang iba sa pagpirma ng kontrata dito.
Konklusyon
Sa industriya ng video games ang pinakamasamang maaaring mangyari ay ang pagkuha ng EA at ng marami pang nabiling studio nito. Tinutulak nito ang mga gumagawa ng laro na gawin ang laro ng walang pag-ibig at awa hindi kagaya ng mga studio na pinangungunahan ng mga disenteng tao. Ang publisher ng Color Switch na Forfafy ay malaki ang naitulong kay David, gayunpaman malaki rin naman ang ambag ng larong ito sa kanya sa pagpapalaki ng kanyang kita at pagiging kilala nito sa mahigit 100 daang bansa.
Sa kasalukuyan ay bumalik na muli ang Color Switch sa panibagong laro na Color Switch: Phoenix. Ito ay ginawa base sa dating konsepto ng Color Switch at dinagdagan pa ng mas marami pang challenge, mini games at bagong features na hindi pa naipakita sa kahit sino.
Mabuti na lamang at may access pa rin naman si Reichelt sa website nito at Twitter account. Sa ngayon, tunay nga na hindi na tayo makapaghintay sa kung anong susunod na mangyayari sa maliit na grupong ito at ninanais natin ang magandang kapalaran sa kanilang hinaharap. Sa kabila ng nangyari, ang Color Switch ay patuloy pa rin na nag-a-update kagaya ng ‘summer-theme’ na naglalaman ng dalawang laro na may kaunting bola.
I-download ang Big Win Club app para sa mas marami pang online na laro kasama ang mga totoong tao, na may patas na kumpetisyon at magbibigay sa iyo ng magandang pakiramdam.