Ano ang Color Game Land
Kung maaari lamang hilahin ang oras pabalik sa mga panahong wala pang pandemya, tiyak ginawa na ito ng karamihan. Ito ang mga panahong nagagawa pa nating makalabas ng bahay anumang oras na gustuhin at walang pangamba. Ngayon, sa mga gadgets at mobile devices na lang umaasa ang halos karamihan para maaliw at magpalipas oras. Ito ay bahagi na ng tinatawag na “new normal”. Isa sa mga nakapagdadala ng saya at aliw noon ay ang pagpunta sa mga perya. Maraming pwedeng gawin dito at syempre hindi mawawala ang mga iba’t ibang uri ng laro. Sa ngayon, kahit hindi pa nakapagbukas ang mga perya, maaari ka nang maglaro at manalo ng totoong larong perya sa Color Game Land. Ito ay isa sa magagandang alternatibo para sa pagbetu o color game.
Ang color game ang tinaguriang isa sa mga pinakapatok na laro dahil ito ay madali at simpleng lamang. Hindi ba sa tuwing may perya hindi talaga maiiwasan na gumastos para makapag-enjoy? Sa pamamagitan ng kahit maliit lang na pantaya, tiyak na mas magiging kapana-panabik na ang araw mo, lalo pa kapag umuwi kang puno ang bulsa. Sa larong ito, kahit na barya lamang ang iyong taya, maaari ka pa ring manalo ng malaking halaga.
Kung gusto mong maranasan ulit ang sayang dala ng color game, narito na ang hinahanap mo! Sa larong ito mo talaga mararanasan ang aktwal na color game sa perya at mas pinaganda pa. Interesado ka na bang malaman ang iba pang mga detalye tungkol dito? Simulan natin sa gameplay ng laro.
Gameplay
Ang Color Game Land ay isa sa mga sikat na larong perya online ngayon. Ito ay ginawa ng developer na Spirejoy at inilabas noong 2019. Simula nang ilabas ito ay naging instant hit talaga ito sa mga Pinoy. Ang makulay na konsepto nito ang isa sa mga nakahalina sa mga manlalaro lalo na sa mga Pilipino. Para kasing dinadala tayo nito sa totoong mundo ng perya kahit na sa computer o mobile devices lang tayo naglalaro. Ang gameplay nito ay pareho lang din ng nakasanayan nating color game. Tulad ng aktwal na laro, wala rin ditong perpektong estratehiya para manalo palagi. Kadalasan, maiisip ng mga manlalaro na parang may sinusunod na pattern ang mga lumalabas na kulay. Meron naman talaga, subalit ito ay pabagu-bago. Tanging tsansa lang din ang makakapagdikta kung anu-ano ang mga kulay na lalabas sa bawat round. Isang bagay lang naman ang may kakayahan kang piliin sa larong ito – ang kulay na iyong tatayaan at hindi ang kulay na lalabas sa mga colored blocks.
Ang ginagamit ditong game credit ay ang go coins at diamonds. Ang sampung diamonds ay may katumbas na 10,000 go coins na madadagdagan pa ng 50,000 go coins. Kung nag-alala ka ng iyong pampuhunan sa larong ito, walang problema! May free reward kang matatanggap kapag gumawa ka ng account mo dito. Gamitin lang sa pag-register ang iyong Facebook o Google account. Madadagdagan din ang iyong free credits sa bawat araw na ikaw ay magla-log in at maglalaro. Isa pang paraan upang madagdagan ang iyong go coins at diamonds ay sa pamamagitan ng referrals. Ibigay lang sa iyong mga kapamilya, kaibigan o kakilala ang iyong referral link o code. Ang bawat sampung active players na maiimbitahan ay may katumbas na 200 go coins. Kung gusto mo namang magbayad para madagdagan ang iyong go coins ay pwedeng-pwede rin. Pumunta lang sa promoter button at piliin ang contact us.
Nandito ang lahat ng mga kailangan mong gawin para makabili ng kanilang credit packages. Sa pamamagitan nito, mas mapaparami mo ang iyong go coins, mas malaki ang maaari mong maitaya, mas maraming laro ang iyong masasalihan at mas mataas na premyo ang pwede mong mapanalunan. Halimbawa, kapag ikaw ay nag-cash in ng Php300, ito ay may katumbas na 3,750 go coins habang ang Php500 naman ay 6,250 go coins. Maaari kang makapag-cash in sa pinakamababang halaga na Php20. Mas marami ka pang pagpipilian dito na mga promo at tiyak na pasok ang mga ito sa iyong budget. Kung sakaling maburyong ka man sa paglalaro ng color game ay pwede mo ring subukan ang Big Win Club App. Maaari ka rin namanga maglaro ng Tongits, Pusoy, at Poker sa mismong app ng Color Game Land.
Features
Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng features ng isang laro upang patuloy na mag-enjoy ang mga manlalaro. Kapag hindi mo nagustuhan ang game features ay siguradong mawawalan ka na ng ganang maglaro, hindi ba? Pero ibahin mo ang color game na ito, kung ang mismong laro pa lamang ay nakakawili na, may mga karagdagan pa itong mas kapana-panabik pang tampok.
Kailangan lamang na i-download ang app nito sa iyong android o iOS device. Maliban sa regular mode o Quick play mode nito ay may pa-Tournament Mode pa. Ito ay ang mas level-up na bersyon ng karaniwang laro. Kung gusto mong may mapatunayan, sumali ka dito. Kakalabanin mo ang ibang mga manlalaro upang maipakita ang iyong galing, may pagkakataon ka pang manalo ng bonggang mga premyo. May mga clubs din dito kung saan pwede kang sumali at makakilala ng ibang manlalaro. Pwede ka din namang gumawa ng sarili mong club para makapaglaro kasama ang mga kakilala.
Ito na ang pinakamagandang bahagi ng laro, hindi lamang sa mismong laro magagamit ang iyong napanalunan at naipon na mga go coins at diamonds. Pwede mo rin itong ipagpalit sa mga sari-saring papremyo tulad ng home appliances at mga food items na nasa virtual mall ng laro. Maaari mo din itong gamitin na pang-load! Higit sa lahat, maaari mo itong ipagpalit sa totoong pera na maaring makuha gamit ang iyong Gcash o personal na bank account. Kinakailangan lamang na ikaw ay lehitimong miyembro ng isa sa mga club para magawa ito.
Konklusyon
May mga larong ipinamana pa ng ating mga ninuno at maipapasa pa sa mga susunod na henerasyon. Nag-iba man ang panahon at malaki ang ipinagbago ng pamumuhay, nakakapaghatid pa din ang mga ito ng kasiyahan. Salamat na lang sa makabagong teknolohiya dahil may pagkakataon tayong maranasan ulit ang mga ito kahit sa ibang pamamaraan nga lang. Sa Color Game Land, iisipin mo talagang nasa perya ka, maliban sa walang ingay at mga taong nagsisiksikan dito. Higit sa lahat, maaari pa itong gawing alternatibong pagkakakitaan.