Kung mahilig ka sa musika at larong nangangailangan ng matinding konsentrasyon, isa sa mga mobile color games na maaari mong i-download ay ang Smash Colors 3D. Ang Smash Colors 3D ay isang rhythmic game kung saan kailangan mong papuntahin ang iyong character sa bahagi na may mga kakulay ito habang may musikang tumutugtog sa background.
Sa Smash Colors 3D, ang tanging kailangan mong gawin ay i-hold ang avatar at i-drag papunta sa mga bahagi ng dinadaanan na kakulay nito at iwasan ang mga ibang kulay kung ayaw mong bumalik ulit sa umpisa. May ilang game features din ang laro na siguradong magugustuhan ng lahat.
Game features
Marahil ang pinakamagandang feature ng Smash Colors 3D ay ang interface at controls nito na sobrang daling gamitin dahil wala ka nang ibang kailangan pindutin. Marami ka ring kantang pwedeng malaro dito gaya ng Coffin Dance, Dynamite, Faded, Señorita at 100 na iba pang pwede mong pagpilian.
Pagdating sa customization, pwedeng mamili ng theme para sa avatar katulad ng mga paboritong pop culture references na Super Mario, Pokeball, Iron Man, at Among Us. Marami ring challenges ang Smash Colors 3D na dapat mong matupad. Masasabing nakakaadik ang larong ito ngunit kung gusto mo ng isang alternatibo, narito ang mga maaari mong ipalit.
Drop Stack Ball: Fall Helix Blast Crash 3D
May pagkakahawig sa disenyo at mithiin ang Drop Stack Ball: Fall Helix Blast Crash 3D sa Smash Colors 3D. Ang kaibahan lang, pababa ang bagsak ng bola sa larong Drop Stack Ball. Sa simula ng laro, kailangan ng manlalaro na pindutin at i-hold ang screen para mapababa ang bola nang hindi napupunta sa maling kulay.
Maaari kang tumalbog at bumangga sa helix platform para marating ang dulo ng round. Kung nais mo ng larong may seryosong hamon, maaari itong alternatibo sa Smash Colors 3D dahil mayroon itong 300 levels na pahirap nang pahirap. Ayon sa nakararami, mas maganda ang Drop Stack Ball kumpara sa Smash Colors 3D kung pag-uusapan ang disenyo at graphics.
Twist Hit
Kung ang nais mo namang laruin ay isang mobile game na nangangailangan ng timing, bilis ng kamay, at pasensya, Twist Hit ang larong para sa iyo. Ang Twist Hit ay isang arcade game kung saan kailangan mong mag-ipon ng “rings” upang mabuo ang isang puno. Layunin ng laro na maisalba mo ang kagubatan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno.
Ang isa sa mga dahilan kung bakit ito dinownload ng 10 milyong tao sa Google Play ay dahil sa kanyang simple pero nakakahumaling na gameplay. Kahit na nakakatuwang tingnan ang pagbuo sa mga puno, hindi dapat maliitin ang larong ito dahil mas nagiging matindi ang pagsubok sa pagbuo ng puno sa bawat level.
Helix Crush
Kung nagustuhan mo ang Smash Colors 3D at Drop Stack Ball, marahil ay magugustuhan mo rin ang Helix Crush dahil para siyang kumbinasyon ng dalawang larong nabanggit. Ang Helix Crush ay isang arcade, music, at single player na laro kung saan isang daliri lang ang kailangan mong gamitin upang makapaglaro.
Magkaparehas lang ng mechanics and Helix Crush at Drop Stack Ball. Ang kinaibahan lang, may mga patibong kang kailangang iwasan sa Helix Crush at hindi kulay. Kadalasan, may fruit skin ang helix tower sa Helix Crush na pwede mong mabili. Habang ikaw ay naglalaro, may nakakaaliw na background music na tumutugtog upang mas ganahan ka.
Helix Jump
Helix Jump ang pangatlong arcade game sa listahang ito na kailangan mong makarating sa baba ng helix tower at umiwas sa mga patibong o ibang kulay. Marahil, nagtataka ka kung ano ang kaibahan ng larong ito sa dalawang nabanggit kanina. Helix Jump ang pinakaunang laro na may ganitong konsepto. Unang nilabas ang Helix Jump noong Pebrero 2018.
Ang kaibahan ng Helix Jump sa dalawang laro na nabanggit kanina ay ang controls nito. Sa dalawang larong nabanggit, kinokontrol mo ang bola. Pero sa Helix Jump, kailangan mong kontrolin ang mismong helix tower upang makapunta ang bola sa pinakababa sa pamamagitan ng pag-swipe sa kaliwa o kanan.
Paint Pop 3D
Ang Paint Pop 3D ay isang arcade game na gawa ng Good Job Games at sa kasalukuyan, mayroon itong 50 milyong downloads. Madali lang laruin ang Paint Pop 3D dahil kailangan mo lang i-tap ang screen upang gumana ito at umusad sa laro. Kailangan ng manlalaro na mapinturahan ang puting bilog na umiikot at iwasan ang itim na harang para makatawid sa susunod na level.
Ang kagandahan sa Paint Pop 3D bukod sa sobrang dali ng mechanics ay ang 1,000 levels na pwede mong malaro at mga avatar na pwede mong mabili. Bawat avatar ay may kakaibang abilidad na makakatulong sa iyo sa laro. Habang pataas nang pataas ang level mas lalong bumibilis at dumarami ang itim na harang kaya dapat makabili ka ng mga avatar na mabilis magbuga ng pintura.
Hop Ball 3D: Dancing Ball on Music Tiles Road
Gaya ng Smash Colors 3D, isang arcade at music game ang Hop Ball 3D: Dancing Ball on Music Tiles Road. Sa katunayan, may pagkakahawig sila dahil sumasabay rin sa ritmo ng musika ang bola sa tuwing tina-tap mo ito papunta sa target na direksyon. At gaya ng Smash Colors 3D, marami ka ring tugtog na pwedeng pamilian habang nilalaro ang Hop Ball.
Sa larong ito, kailangan mong patalbugin ang bola mula sa isang tile papunta sa kabila hanggang sa matapos ang level o malalaglag ka kung naglalaro ka sa endless mode. Kung may mga kanta ka sa mobile phone mo na nasa mp3, maaari mong i-upload sa larong ito at gawing background music para sabayan ng bola.
Stack Ball: Blast through Platforms
Nagtatampok ang laro ng 3D graphics at umiikot sa isang bola na kailangan mong kontrolin at maabot ang ibaba ng isang helix tower. Sa Stack Ball, kailangan mong basagin at mapatalbog ang bola sa umiikot na helix platform upang umabot ang bola hanggang sa dulo ngunit matatapos ang laro kung mababangga ka sa itim na bahagi ng helix platform.
Kapag nakabasag ka ng sapat na bahagi ng helix platform, mag-aapoy ang bola at maaari mo na ring basagin ang itim na bahagi ng helix nang hindi natataya. Mukhang madali lang ang larong ito ngunit ang hamon sa mga manlalaro ay ang sobrang bilis na takbo ng bola oras na dumating ka na sa matataas na levels.
Rolly Vortex
Ang Rolly Vortex ay isang arcade game kung saan dapat mong kontrolin ang isang bola para makaiwas sa mga balakid. Ang layunin ng manlalaro ay makakuha ng pinakamataas na score hangga’t makakaya. Hindi kagaya ng ibang laro sa listahang ito, wala kang susundang kulay sa Rolly Vortex, lahat ng harang ay tatapos sa laro oras na mabunggo ka rito.
Sa kasamaang palad, sa iOS lang available ang Rolly Vortex. Maaari kang kumolekta ng gems sa kalagitnaan ng laro upang makabili ka ng mga bagong skins ng bola at harang. Hawig ang Rolly Vortex sa larong Rolling Sky.
Hop
Sobrang simple lang ng larong Hop ngunit nakakalibang ito kung wala ka nang ibang mapagkaabalahan. Kagaya lang siya ng Hop Ball 3D ngunit walang background noise, makukulay na background, at kailangan mong i-drag ang bola sa kaliwa o kanan upang mapunta sa susunod na tile.
Ang Hop ay ginawa ng Ketchapp at maganda itong alternatibo sa Hop Ball 3D kung gusto mo lang ng simpleng larong walang matingkad na background o maingay na background music.
Konklusyon
Masayang laruin ang Smash Colors 3D ngunit maraming arcade games na alternatibo dito na maaari mong ma-download. Karamihan sa mga larong ito ay single player at ang tanging kumpetisyon na nagaganap ay sa global rankings ng high score lang. Kung gusto mo ng direktang kumpetisyon at pagalingan, may isang alternatibong laro na pwede mong i-download.
Itong larong ito ay ang Big Win Club kung saan ka pwedeng maglaro ng pusoy, tongits, slots, at ibang card at tabletop games na kailangan ng masusing estratehiya. At hindi gaya ng mga larong nabanggit, maaari kang makipaglaro sa mga kaibigan mo gamit ang app na ito. Maaaring i-download ang Big Win Club sa App Store at Google Play.