Ang Color Fill 3D ay isang makulay at nakakatuwang laro na nangangailangan ng skills at pagiging alisto. Ito ay mayroong kapanapanabik na mga levels na talagang susubok sa iyong kaalaman sa estratehiya at paglutas ng puzzle games. Kung ikaw ay isang tagahanga ng mga larong puzzles na kagaya nito at naghahanap ng matitinding hamon sa laro, subukan na ito at tingnan kung maaari mong punan ang bawat huling squares ng kulay.
Simpleng pag-swipe lamang ng iyong daliri sa anumang direksyon ang kailangang gawin upang makontrol ang isang cube na gumagalaw sa buong screen at kulay sa lahat ng mga squares upang talunin ang mga levels. Kung ikaw ay nakalikha ng saradong hugis, lahat ng mga squares sa loob ay awtomatikong mapupuno ng kulay.
Ngunit mas magiging mahirap ang mga susunod na levels ng laro tuwing mananalo ka rito. Mas dadami rin ang mga mapaghamong hadlang na lilitaw. Sa iyong dadaanan, kakailanganin mong harapin ang mga bloke na gumagalaw sa screen, ang mga squares na nakulayan na, at ang lahat ng uri ng iba pang mga hadlang habang sinusubukan mong makumpleto ang bawat level.
Kung ikaw ay isang tagahanga ng mga larong nangangailangan ng skills at naghahanap ka rin ng isang bagong hamon, subukan na ang larong ito at i-enjoy ang karanasan mo dito. Bukod sa nakakaaliw, mapapanatili kang nakatitig sa iyong screen nang ilang oras habang sinusubukan mong mapagtagumpayan ang lahat ng mga hadlang at higit sa lahat, ang mapintahan ang bawat huling square sa grid ng laro.
Gabay sa mga Baguhan sa Laro
Ang layunin sa larong ito ay mapunan ang isang serye ng mga grid ng iyong kulay. Naglalaro ka bilang isang may kulay na square at maaaring mag-swipe sa anumang direksyon upang ilipat ito sa buong grid. Anumang piraso ng grid na napagdugtong mo ay awtomatikong magbabago ayon sa iyong kulay.
Kapag nakabuo ng outline ng isang hugis, ang lahat ng mga piraso ng grid ay susunod sa gamit mong kulay. Iyon ang pinakamabilis na paraan upang makumpleto ang isang level sa larong ito. Gayunpaman, hindi ito laging posible, dahil maraming iba’t ibang mga hadlang na maaaring makapigil sa iyong pamamaraan sa laro. Karaniwan, nagmumula ang mga ito sa anyo ng iba pang may mga kulay na squares. Kapag nabangga ka sa mga ito, ikaw ay matatalo at magsisimulang muli sa serye ng mga levels. Ngunit, maaari mo ring labanan ang mga hadlang na ito. Kung makakagawa ka ng isang seksyon ng iyong kulay, at sila ay madikit dito, tapos na agad ang laro at ikaw ang panalo.
Kaya sa mga levels kung saan mayroong mga hadlang na haharapin, inirerekomenda na ilabas muna ang mga ito bago pa man isipin ang tungkol sa pagkulay sa buong grid. Lumikha lamang ng mga seksyon ng iyong kulay sa kanilang dadaan dahil sa tuwing lumalayo ang mga ito, sila ay masisira at mawawala. Kung maaari mong mapalibutan ang mga ito ng iyong kulay, gawin din ito. Isa itong mabilis na paraan para makaungos sa laro ngunit kailangan ng ekstrang ingat dahil maaring mapahamak kapag nagkamali ng galaw.
Ang mga Tips at Tricks sa Laro
Ngayon na naiintindihan na ang mga pangunahing kaalaman sa Color Fill 3D (color game), tingnan natin ang ilang mas tukoy na mga pamamaraan upang magtagumpay sa laro.
Maaari mong baguhin ang direksyon anumang sandali
- Sa tuwing magsu-swipe ka, lilipat ka sa direksyong iyon. Gumagana ito kahit na lumilipat ka na sa isang tiyak na direksyon, pinapayagan kang iwasto ang mga pagkakamali nang mabilis. Kapaki-pakinabang din ito kapag sinusubukan mong maiwasan ang iba pang mga may kulay na hugis.
Kung sakaling magkapag-outline ng isang hugis, awtomatiko itong mapupunan ng iyong kulay
- Ito ang pinakamabilis na paraan upang makumpleto ang karamihan ng mga level sa larong ito. Kung susundin mo ang labas ng arena hanggang sa punto kung saan ka nagsimula, awtomatikong pupunan ng arena ang iyong kulay.
Palibutan ang iba pang mga may kulay na hugis upang sirain ang mga ito
- Kung mahahanap mo ang iba pang may kulay na mga hugis, siguraduhin na mag-ingat. Ang pagdikit sa mga ito anumang oras ay magtatapos bilang game over. Kung mapapalibutan ang mga ibang kulay na hugis, gawin ito agad sapagkat ito ang sisira ng diskarte mo.
Kung hindi posible ang naunang paraan, lumikha ng isang pader upang masira ang mga ito
- Kung hindi mo mapapalibutan ang ibang mga kulay na hugis, lumikha ng isang pader at hayaan ang iyong mga kulay na hugis ang bumasag dito. Aalisin nito ang mga ibang kulay na hugis sa equation ng laro, at iiwan ka na ligtas na makulayan ang kabuuan ng isang level.
Gamitin ang mga gems para sa mga bagong kulay:
- Paminsan-minsan ay makakakita ka ng mga gems habang naglalaro ka dito. Kung hahawakan mo ang mga ito, makokolekta at mapapasaiyo ang gems. Ang mga gems na ito ay maaari mong gamitin upang makakuha ka ng mga bagong kulay. Mapapanatili nitong maganda pa rin ang laro sa paningin kahit na matagal ka nang naglalaro.
Konklusyon
Ang larong Color Fill 3D ay maihahalintulad din sa Big Win Club apk na may maraming mga hadlang at challenges sa laro. Subalit, ang mga ito ay tiyak na nakakatuwa at siguradong hahasa sa iyong skills. May mga laro ding may mga kapanapanabik na levels.
Bukod sa pagiging kamangha-manghang at kagiliw-giliw na larong puzzle, mayroon din itong napakasimpleng mechanics kung saan ay madali mong maintindihan at makuha ang proseso at daloy ng laro. Ito ay isang natatanging katangian ng laro kung saan kailangan mong subukang gawin ang lahat ng posibleng paraan upang iyong mapunan ang mga walang lamang kahon sa grid na makikita sa harap ng iyong screen.
Ang larong ito ay simple lang ang dating na parang madali lang ipanalo ang bawat levels. Dito na papasok ang pagiging exciting na laro dahil ito ay talagang susubok sa iyong kasanayan at kaalaman sa paglutas ng mga puzzle na may dalang mga iba’t ibang pagsubok. Daanan ang mga kapanapanabik na levels ng laro, habang tinatangkilik at na-eenjoy ang buong proseso nito.