Pusoy Tricks: Paano Maglaro ng Pusoy Uno?
Ang larong Pusoy Uno ay kadalasang nilalaro ng mga propesyunal na manlalaro ng baraha sa mga torneo o kaya naman nilalaro ng mga baguhan pa lamang na nais matuto ng mga pusoy tricks at iba pang pangunahing kaalaman sa paglalaro ng baraha.
Kung tutuusin, hindi ito itinuturing bilang isang opisyal klase ng pusoy walang mga chips o pusta sa laro. Ngunit, dahil gumagamit din ito ng tinatawag na “poker hand rankings” upang malaman kung sino ang manlalarong nanalo, ito ay pinangalanang Pusoy Uno.
Panuntunan sa Pusoy Uno
Ang Pusoy Uno ay gumagamit ng tipikal na card deck na may 52 piraso ng mga baraha na pwedeng laruin ng 2 hanggang 4 na manlalaro. Mayroong matatanggap na 13 na baraha ang bawat kasapi sa laro.
Isa sa mga punto ng Pusoy Uno ay ang magkaroon ka ng tatlong grupo ng mga baraha na nakasalansan ayon sa pinakamataas na antas na posibleng mabuo mula sa mga ito. Ang huling grupo ay binubuo ng 5 baraha at ito ang grupo ng mga baraha na dapat ay pinakamalakas sa lahat ng poker hands na meron ka. Ang gitnang grupo naman ay binubuo ng mga barahang mas mababa kaysa sa mga barahang nasa huling grupo. Ang unahang grupo naman ay binubuo ng 3 baraha na may pinakamahinang kumbinasyon sa tatlong grupong nabuo. Ang 3 baraha na ito ay hindi dapat naglalaman ng Straights o Flushes. Hanggang 3 of a Kind, Pair o High Card lamang ang dapat nasa grupong ito.
Isa sa mga halimbawa kung paano mo inaayos ang mga barahang hawak:
Hulihang Grupo – pinakamalakas na grupo ng mga barahang meron ka – Ace High Flush
Gitnang Grupo – mas mababa sa hulihang grupo pero mas mataas kaysa unahang grupo – 2 Pair, Jacks over 3’s
Unahang Grupo – pinakamahinang grupo ng mga barahang meron ka – Pair of 9’s
Dahil walang chips or pusta sa laro, puntos ang ibinibigay sa bawat grupo ng mga barahang naipapanalo. Ang halaga ng puntos ay depende sa napag-usapan bago magsimula ang laro.
Kadalasan, 1 puntos ang ibinibigay sa bawat grupo ng mga barahang naipanalo ng bawat manlalaro. Kaya mayroong 3 puntos para sa bawat laro – para sa unahan, gitna at hulihang grupo. Kung sa isang laro, ay may player na nagawang magwagi sa lahat ng grupo ng mga barahang hawak ng kalaban, siya ay makakatanggap ng 6 na puntos dahil sa tinatawag na scoop. Doble ang bilang ng puntos bilang reward sa bibihirang pagkakataong ito.
Kapag natapos na ang laro, dapat bigyan ng talong manlalaro ang nagwagi ng halagang katumbas ng bawat puntos ayon sa halagang itinakda sa simula ng laro.
Estratehiya sa Pusoy Uno
Nakakatulong ang Matematika
Hindi tulad ng karamihan sa mga larong baraha na base sa swerte ang panalo, posible kang makalamang sa Pusoy Uno kung matututo kang maglaro nito na may ginagamit na magandang estratehiya. Isa sa mga ito ay ang pagkwenta ng mga posibleng baraha na hawak ng iyong kalaban. Dapat mo ring alamin kung anong mga baraha ang meron ka na mas mataas kaysa sa hawak na baraha ng mga kalaban. Dahil dito, hindi ganoon kasikat ang Pusoy Uno bilang isang online na laro kumpara sa iba pang card games pero kung makakahanap ka ng Pusoy Uno online, maaaring ito na ang swerte mo.
Pakikiramdam sa Iyong Kalaban
Ito ay isa sa mga pinakaimportante at kadalasan mong maririnig o mababasa sa mga pusoy tricks. Sa larong Pusoy Uno, kahit normal na magkaroon ka ng ideya kung anong baraha ang hawak ng iyong kalaban, pwede rin nilang gamitin ang parehong teknik laban sa iyo.
Iwasan ang Magkamali sa Pag-aayos ng Iyong Baraha
Katulad ng naunang tip, isa ito sa pinakamadalas at pinakamahalaga sa pusoy tricks – iwasan mo ang magkamali sa pag-aayos ng iyong mga baraha. Hindi kapani-paniwala pero marami ang manlalaro na nagkakamali pa rin dito, kahit pa ang mga matagal nang naglalaro ng baraha. Mas mainam na paalalahanan ang sarili tungkol sa tip na ito dahil sa kada pagkakamali ay magkakaroon ng puntos ang iyong kalaban na kasing laki ng kabig kapag may na-scoop.
Iwasan na Ma-scoop ng Kalaban
Dapat na siguraduhin mo na ang iyong mga baraha ay malakas at nasa pinakamataas na antas ng posibleng kumbinasyon na maaari nitong maabot. Ito ay upang maiwasan na mai-scoop ka ng iyong kalaban at hindi sila magkaroon ng karagdagang puntos. Dahil din sa parehong panuntunan tungkol sa scoop, kailangan na nakatodo ang antas ng bawat kumbinasyon ng mga hawak mong mga baraha upang maka-scoop ka ng kalaban.
Kung Ikaw ay may 4 Pairs
Madalas ang pagkakaroon ng 4 pairs dahil 13 na baraha ang makukuha mo kada laro. Pinakamainam ang paglalagay ng pangalawang pinakamalakas na pair sa unahang grupo ng iyong hawak na baraha, habang ang dalawang pinakamahinang pares naman sa hulihang grupo at ang pinakamalakas na pair ay dapat nasa gitnang grupo ng salansan. Ito ay magbibigay sa iyo ng pinakamataas na tyansa upang maka-scoop sa lahat ng grupo ng mga baraha.
Paghihiwalay ng mga Pairs
Halimbawa, nagkaroon ka ng isang Flush at 2 Pairs. Maaari kang mamili kung ilalagay mo ang 2 Pairs sa gitnang grupo o ilagay ang pinakamataas na pares sa gitna habang ang mas mababang Pair naman ay nasa unahang grupo. Kadalasan ay mas mainam na paghiwalayin ang mga Pairs sa larong Pusoy Uno para mas lumakas ang tsansa ng mga baraha. Kapag ang isang pares sa unahang grupo ay malakas, samantalang ang gitnang grupo na may 2 Pairs ay hindi,maaaring tagilid ang panalo sa sitwasyon ito kapag natalo ka sa parehong grupo. Pero, kung ikaw ay may matataas na solong baraha tulad ng A-Q-9 o A-J-8, maaari mong ilagay ang mga ito sa unahang grupo at ibaba na ang 2 Pairs sa gitnang grupo para pumartida ang mga barahang hawak mo.
Pusoy Uno Tips
Ibahin Mo ang Iyong istilo ng Paglalaro
Katulad lang din ng ibang larong baraha, mainam na baguhin mo ang istilo ng iyong paglalaro sa iba’t ibang pagkakataon upang hindi ka madaling mabasa ng iyong mga kalaban. Isa itong estratehiya upang mapag-isip ang iyong mga kalaban kung ano na ang susunod mong hakbang.
Obserbahan ang Iyong Mga Kalaban
Ito ay konektado sa naunang tip, kung ang ibang mga manlalaro ay alam ang unang tip at binabago ang kanilang istilo ng paglalaro, may mga manlalaro naman na hindi ito alam. Sila ang mga manlalarong maaari mo ulit makalaban at sa susunod ninyong laro ay mas madali mo nang mahuhulaan ang kanilang galaw.
Saan Maaaring Maglaro ng Pusoy Uno?
Kung bago ka sa paglalaro ng Pusoy Uno at wala ka ring makalaro malapit sa iyo o hindi ka naglalaro sa mga aktwal na casino, isang magandang alternatibo ang paglalaro online.
Isa sa pinakamaganda at lehitimong online casino app ang Big Win Club, kaya kung nais mo nang subukan ang iyong mga natutunang pusoy tricks ay mag sign-up ka na upang maglaro at manalo!