Ang larong Bingo ay pinaniniwalaan na sa Italya nagsimula kung saan itinuturing itong isang lottery na tinawag na “Il Gioco del Lotto d’Italia” noong 1530. Iminumungkahi rin ng mga ebidensya na ang laro ay unang tinawag na “Bingo” sa US noong 1929.
Color street games Bingo
Ang Bingo ay isa pa rin sa pinakasikat na laro at uri ng pagsusugal sa kasalukuyan. Nakakabilib na nagawa nitong mapanatili ang kasikatan sa loob ng ilang daang taon dahil ito ay tinatayang nasa 490 taong gulang na. Ngunit kamakailan, ang conversion nito online sa isang makabagong laro na tinatawag na Color Street Games Bingo ay nagbigay ng convenience at excitement sa paglalaro. Sa makabagong paglalaro ng Bingo, maaari nang lumikha ng iba’t ibang klase ng mga card at hindi na rin pangkaraniwang mga numero lang ang gamit sa laro.
Mga panuntunan at nakakatuwang Bingo facts
Bagama’t mayroong mga iba’t ibang mga regulasyon ng laro sa bawat pasilidad, magkakaroon pa rin ito ng pagkakatulad kahit paano. Ang pagsunod naman sa mga simpleng Rules of Etiquette at tips ay makakatulong sa isang matagumpay na paglalaro ng Bingo.
Mga halimbawa ng ilan sa mga panuntunan:
- Dapat ay 18 taong gulang ang maglalaro. Hindi maaring magdala ng pagkain, inumin at kahit ano pang maaaring makasagabal sa laro.
- Ang pinakamahalagang tip sa lahat, huwag makipag-usap sa pagitan ng mga laro. Nakaka-distract ang pakikipag-usap kapag may hinihintay na puro o nakikinig sa tawag ng susunod na numero.
- Huwag munag i-clear ang iyong card hangga’t hindi pa na-verify ang Bingo at habang wala pang inihahayag na nanalo sa laro.
- Ang pagtutuon ng pansin sa Bingo cards ay magbibigay-daan upang makatiyak na mayroon kang Bingo at hindi magkakamali sa pagsambit nito. Maaaring ikagalit ng iba kapag na-clear na nila ang kanilang cards, tapos ay malalaman na false alarm o nagkamali lang pala ng tingin ang sumigaw ng Bingo. Kapag ikaw naman ang nag-Bingo, siguraduhing sambitin ito nang malakas upang malinaw na marinig ng nagdadala ng laro.
- Huwag ulit-ulitin ang pagsigaw ng malakas. Ang ilang mga manlalaro ng Bingo ay may ugali na ulitin ang tinawag na numero habang hinahanap nila ito sa kanilang mga card. Ito ay maaaring makagambala sa mga kapwa manlalaro at mga tao sa paligid.
- Magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga pamahiin sa Bingo. Ang ilang mga tao ay naniniwala na ang ilang mga upuan ay mapalad at gustong nilang umupo sa parehong lugar linggu-linggo. Ang iba ay magdadala pa ng display ng mga maswerteng bagay tulad ng paa ng kuneho, stuffed animals, at iba pa.
- Pakinggang mabuti ang “caller” ng laro. Huwag makipagdaldalan sa iyong katabi dahil maaaring makaligtaan ang mga numerong napakinggan. Kapag nangyari ito, kailangan mong itanong muli sa caller ang kalalabas na numero. Ito rin ay isa sa mga nakakainis na pangyayari para sa ibang mga manlalaro. Huwag ding ibaling ang sisi sa caller kapag may maling nasabing numero. Tandaan na ito ay isang laro ng pagkakataon at hindi lahat ay nananalo dito. Kung mayroong problema tulad ng hindi marinig ng maayos ang caller, mas mabuting magtanong nang maayos o humingi ng pabor, tulad ng pagsasabi ng “Pakilakasan po” o “Dahan-dahan lang po, please?”.
Custom-made na mga Bingo cards
Tiyak na matutuwa ang mga manlalaro ng Bingo kapag nalaman nilang maaari nang i-customize ang mga disenyo ng mga Bingo cards. Pwedeng baguhin ang mga kulay at font ng mga heading, dagdagan ng background na mga patterns o larawan at palitan ang mga numero ng mga salita, shapes, quotes, at marami pang iba.
Paano ito laruin?
- Mag-print at maglaro ng Color Street Games Bingo. l-customize ang mga gagamiting Bingo cards sa kahit anumang paraan na puwede. Maging ito man ay gagawin ng mano-mano o sa pamamagitan ng paggamit ng card creator software.
- Pagkatapos maihanda ang mga cards, ibigay na ito sa bawat kasali sa laro.
- Sa pagsisimula, gagamitin na ng mga manlalaro ang mga cards at ikaw ang magsisilbing “caller” o tagasambit kung ano man ang lalabas na numero. Ngunit sa makabagong laro, ang mga ginagamit na rito ay mga larawan, hugis, phrases, kulay at iba pa.
- Kung sakaling ang manlalaro ay may numero na iyong sinambit, mamarkahan nila kung saang bahagi ng card ito nakalagay.
Ang unang manlalaro na makamarka ng isang buong row, column, o pa-diagonal ang tatanghaling panalo sa laro. Parehong nasa larangan ng sugal, katulad lang din ito ng mga larong matatagpuan sa Big Win Club app, kung saan walang katiyakan ang iyong pagkapanalo, ngunit sigurado naman ang kasayahan na makukuha dito.
Uri ng Bingo para sa mga bata
Phonemic Bingo
- Mainam ang laro para sa mga mag-aaral sa kindergarten. Ginagamit ng mga guro ang ganitong uri ng Bingo upang tulungan ang kanilang mga estudyante na matutunan ang mga tunog at salita na nauugnay sa alpabeto. Sa ganitong uri ng Bingo, ang bawat card ay binubuo ng iba’t ibang mga titik na random ang pagkakaayos. Ang guro ay magsasabi ng isang salita para sa bawat titik. Kailangang tukuyin ng mga mag-aaral ang tunog ng salita para markahan ang mga titik.
Vocabulary Bingo
- Ito ay isa pang epektibong paraan upang gamitin ang Bingo bilang isang kasangkapang pang-edukasyon. Sa ganitong uri ng Bingo, ang iba’t ibang mga salita sa bokabularyo ay random na nakaayos sa bawat Bingo card. Binabasa ng mga guro ang kahulugan ng bawat salita, at kailangang hulaan at markahan ng mga mag-aaral ang salita sa kanilang card.
Translation Bingo
- Ang larong Bingo na ito ay ginagamit upang turuan ang mga mag-aaral ng wikang banyaga. Halimbawa, kung ang mga estudyante ay nag-aaral ng Espanyol, ang mga random na salitang Espanyol ang nakasulat sa bawat Bingo card. Pagkatapos ay ibibigay ng guro ang Ingles na kahulugan ng mga salitang ito at kailangang hanapin ng mga mag-aaral ang salitang Espanyol na kasingkahulugan ng mga salitang nasa kanilang card.
Parts of Speech Bingo
- Itong uri ng larong Bingo ay napakaepektibo para matutunan ng mga bata ang mga bahagi ng pananalita at balarila. Sa ganitong uri ng Bingo, ang bawat mag-aaral ay may Bingo card na may mga random na salita (pandiwa/pangalan/panghalip). Ang guro ay magsasabi ng isang pangungusap at hihilingin sa mga mag-aaral na hanapin ang isang pangngalan, pandiwa o panghalip sa pangungusap at markahan ang mga ito sa kanilang mga kard.
Conjugation Bingo
- Ang ganitong uri ng Bingo ay mahusay para sa mga mag-aaral para matuto silang gumawa ng mga pangungusap. Magsusulat ang guro ng mga panghalip sa isang whiteboard at maghahanda ng mga Bingo card na may iba’t ibang pandiwa na infinitive. Kailangang sabihin ng guro ang mga pandiwa ng isa-isa at ang mga mag-aaral ay kailangang gumawa ng mga conjugations ng mga pandiwa gamit ang mga panghalip sa card. Ang unang mag-aaral na makakumpleto ng 5 na magkakasunod na salita ang siyang mananalo sa laro.
Konklusyon
Mas gusto ng maraming pamilya na dalhin ang saya ng paglalaro ng Color Street Games Bingo sa bahay upang ibahagi ito sa mga kaibigan at miyembro ng pamilya. Ang paglalaro ng Bingo game ay maaaring magbigay sa mga manlalaro ng paraan para magsaya. Maraming mga Bingo accessory din ang madaling mahanap at magamit sa loob ng bahay.