Mga Dahilan para Maglaro ng Yellow Game
Mahilig ka ba sa mga puzzle? Saan mang panig ng mundo, karamihan sa mga kabataan ay kinalakihan na ang paglalaro nito. Sa murang edad pa lang ay hinihikayat na tayo ng ating mga magulang na subukan ito. Nakakatalino daw kasi ang pagbuo ng isang larawan gamit ang mga piraso ng puzzle piece. Ang Yellow Game ay isang larong parang puzzle ngunit mas pina-level up pa. Salungat sa nakagisnan natin na kailangang pagdikitin ng pira-pirasong mga bahagi ng puzzle, sa larong ito kailangang mapuno ang gaming screen ng dilaw na kulay. May mahigit 50+ puzzles o levels na dapat mong malampasan at mapagtagumpayan. Kung ikaw ay mahilig sa mga brain teasers at mga lohikal na laro, tiyak na ito ay para sa iyo.
Ang iba’t ibang uri ng puzzle games ay talagang nakakapagpatalino. Tumutulong kasi ito na mapraktis ang wastong pag-iisip at magamit ang lohika, pati na critical thinking. Itinuturing ang mga ito na mind exercises. Nakakatulong ito sa skills development ng isang tao sa pamamagitan ng pagpapatalas ng memorya at para maiwasan ang “pagpurol ng utak” na kadalasang nangyayari habang tayo ay tumatanda. Gumagana at mas nagiging aktibo ang ating utak kapag tayo ay nag-iisip. Para lang ba sa mga matatalino ang larong ito? Syempre naman, hindi. Kahit sino ay pwedeng maglaro, ang mahalaga ay naiintindihan ang basic gameplay. Kaya kung gusto mong makuha ang kabutihang hatid ng paglalaro ng mga mind games, ang mga sumusunod ay dapat mong malaman.
Ano ang Pinagkaiba ng Gameplay nito?
Ang pangunahing layunin sa larong ito ay kailangan mong mapuno ng kulay dilaw ang iyong screen. Sa bawat level, may iba’t ibang parte ng screen na walang dilaw na kulay. Ang iba ay butas, may iba’t ibang hugis at may mga nakasulat na bilang. Mag-isip na parang henyo – gumamit ng mga kakaibang paraan at maging malikhain. Ang larong ito ay walang time limit para talagang mapag-isipan mong mabuti ang tamang diskarte at solusyon sa bawat hamon.
Isa pang pinagkaiba ng gameplay nito kung ikukumpara sa iba ay ang level of difficulty. Nasanay tayong habang tumataas ang level ng laro ay mas nagiging mahirap ito. Ibahin mo ang Yellow Game Puzzle dahil ito ay may random difficulty. Hindi nakabatay sa game level kung gaano ba kahirap o kadali ang bawat hamon. Kung iisiping mabuti, depende din ito sa manlalaro. Minsan may ibang mga hamon na tila napakadali para sa iyo, ngunit napakahirap para sa iba. Naging mas kapanapanabik pa ang laro dahil sa ‘element of surprise’. Wala kasing ideya ang mga manlalaro kung ano ang naghihintay sa kanila sa bawat level. Kapag nasimulan mo na itong laruin tiyak na maikukumpara mo ito sa pagsakay sa roller coaster ride – may mga hamon na madali lamang at mga hamon na tila kay hirap makahanap ng solusyon.
Mga Tips at Solusyon
Nabanggit kanina na kahit simple ang larong ito, talaga namang mahirap malagpasan ang iba’t ibang levels nito. Kinakailangan ng matinding pag-iisip at ekstra-ordinaryong pasensya. Kapag nasimulan mo na ito ay tiyak na kakailanganin mong magkaroon ng ideya kung paano ito laruin. At kung talagang nahihirapan ka na at tila wala ng pag-asa pang makausad sa laro, tiyak na makakatulong ang ilang tips. Ang mga sumusunod ay ang mga solusyon sa Yellow Game Puzzles mula level 1 hanggang level 25:
- Kailangan mo lang pindutin ang button na nasa iyong screen hanggang maging kulay dilaw ang buong screen.
- Hilahin mo lang ang pirasong nasa ibabaw upang mapunan ang butas sa gitna ng screen.
- Burahin lamang ang bilang na 3 sa pamamagitan ng pag-swipe ng screen.
- Hanapin sa buong screen ang mga pira-pirasong bahagi ng bilang na 4 para ito ay mabuo.
- Pindutin lang nang makailang beses ang mga bilog na nasa itaas at ibaba ng screen.
- Paikutin ang tatsulok para maayos at maitugma mo ito sa butas na may parehong hugis.
- Paikutin lang nang paulit-ulit, hanggang pitong beses ang simbolo ng manibela.
- Hilahin ang kulay dilaw na bola sa bilog na butas upang mapunan ito.
- Pindutin ang maliliit na kahon upang lumaki ito. Gumawa ng pattern sa pagpindot upang makulayan ang kahon. Huwag mag-skip ng kahon, pindutin ito ng magkasunod.
- Tuluy-tuloy na pindutin ang button upang lumabas ang kulay dilaw.
- Hilahin ang linyang nakasabit sa itaas ng screen hanggang umabot ito sa ibaba.
- Kontrolin ang paglaki ng bilog sa pamamagitan ng pagpindot ng game button. Tantyahing mabuti ang paglaki nito.
- Baybayin ang salitang ‘Yellow’. Pindutin ang mga letra upang mabuo ito.
- Pabilisan ang larong ito kaya pindutin kaagad ang mga lumilitaw na kahon sa screen.
- Pindutin ng matagal ang game button upang mapalapit ang mga pirasong magkakahiwalay.
- Patalbugin ang bola. Dapat umabot ito sa itaas na bahagi ng screen.
- Pagkasyahin ang apat na maliliit na tatsulok upang mabuo ang malaking tatsulok.
- Pindutin lang ang bawat tatsulok hanggang makuha mo ang gusto mong resulta.
- Pindutin nang matagal ang game button, hanggang maging dilaw ang iyong screen.
- Pindutin mo lang ang mga arrow. Gawin mo ito hanggang lahat ng arrow ay magkulay dilaw.
- May tatlong bilog na may arrow sa dulo ang lilitaw. Gamit ang unang bilog upang mapagalaw ang dalawa pang bilog, ang pangalawang bilog naman ay napapagalaw ang huli. Tantyahin ang galaw ng mga bilog hanggang mailapat mo ang mga arrow sa kanya-kanyang hugis.
- Paulit-ulit mo lang na pindutin ang tatlong buttons. Magsimula ka sa itaas pababa at pabalik-balik ulit.
- Pindutin lang ang mga hugis dyamante hanggang lumitaw ang kulay dilaw sa bawat isa.
- May maliit na kahon dito. Kailangan mo lang pindutin ang mga ito upang maging malalaking dilaw na kahon. Dapat mong sundin ang spiral pattern upang walang matirang kahon.
- Hilahin mo lang ng pataas ang mga bilog.
Tandaan, ito ay mga tips lamang at maaari mong gamitin kung kinakailangan. Sa tulong ng mga ito, tiyak na ang levels 26 to 50 ay kayang-kaya mo nang lampasan. Kung naghahanap ka ng mas simple at madaling mga laro, tuklasin ang Big Win Club App. Bukod sa maraming mga laro dito, marami din itong mga papremyo.
Konklusyon:
Ang Yellow Game ay ginawa ng developer na si Bart Bronte. Sa mahigit apat na taon mula nang mailabas ito noong 2017 ay may mahigit 5 milyon downloads na ito sa Play Store. Sa pangkalahatan, mayroon itong 4.7 star rating na nagmula sa mahigit 73 libong (73,000+) reviews. Ang simple nitong features at hindi pangkaraniwang gameplay ay talaga namang hinangaan ng mga manlalaro. Maaari mo itong i-download gamit ang Android at iOS 9.4+ devices.