Simula pagkabata, isa sa mga ipinapagawa ng mga guro sa paaralan ang pagkukulay sa mga larawang nasa pahina ng ating mga aklat. Aminin man natin o hindi, isa ito sa mga paboritong gawain ng lahat – ang pagkukulay. Ngunit habang lumalaki na at lumalawak ang ating pag-iisip, bihira na lang makapagkulay ang karamihan dahil sa oras na kinakain nito at dahil sa pamantayan ng ilan na ang pagkukulay ay para lamang sa mga bata.
Ngunit nitong nakaraang taon, nagsimulang mapansin ang mga coloring apps gaya ng Happy Colors dahil sa pandaigdigang lockdown. Hindi lang nakakaaliw at magandang pampalipas ng oras ang pagkukulay. Ayon sa ilang pag-aaral ang pagkukulay ay nakakatulong din upang makapag-relax ang utak matapos ang isang mahabang araw.
Benepisyo ng Paggamit ng Happy Colour Game
Isa sa mga benepisyo ng paggamit ng Happy Colour game at iba pang adult coloring books ay ang pagtulong nito sa pagbabawas ng stress at anxiety na unang na-highlight ng sikolohista na si Carl Jung. Nagkukulay siya ng mga mandala o mga espirituwal na geometrical designs na ginagamit sa Hinduismo at Budismo.
Ayon din kay Gloria Martinez, isang sikolohista, nakakabawas ng stress sa amygdala ang paggamit ng adult coloring books. Ibig sabihin nito, kapag mas nakakapagpokus ang isang indibidwal sa pagkukulay, nababawasan ang kanyang pag-aalala. May mga psychotherapist na nagrerekomenda rin ng paggamit ng adult coloring books sa kanilang mga pasyente.
Napag-alaman rin na ang paggamit ng Happy Colour game ay gumagamit ng mga synapses mula sa utak na kapareho ng nakikita habang nagmi-meditate. Ngunit hindi gaya ng meditation, hindi mo na kailangan ng ilang taong pag-eensayo upang marating ang “zen” kapag gumagamit ka ng adult coloring books.
Maganda ring pampalipas-oras ang pagkukulay kasama ang mga mahal mo sa buhay. Nitong mga nakaraang taon, mas dumadami ang mga matatandang gumagamit ng adult coloring books at may ilang grupo na ang nabuo para rito. Maganda rin itong paraan para mas magkalapit kayo ng inyong mga anak at para matuto silang magkulay.
Happy Colour Game
Ang Happy Colour game ang numero unong adult coloring game para sa matatanda. Simple lang ang app na ito. May outline sketch ng isang larawan na kailangan mong kulayan at matutukoy mo ang tamang kulay sa pamamagitan ng pagtingin sa nakatakdang numero para sa bawat kulay. Madali lang laruin ang app na ito kaya mas relaxing sa pakiramdam.
Marami kang larawang mapagpipilian sa larong ito. Katunayan, mayroong 15,000 na mga larawan sa Happy Colour game na nahahati sa ilang kategorya. Ilan sa mga kategoryang ito ay animals, places, hobbies, flowers, at iba pa. Kung mahilig ka sa Marvel at Disney, mayroon ding silang kategorya para rito.
Mga Larawan
Marami kang pagpipiliiang larawan sa larong ito: mula sa larawan ng mga sikat na destinasyon, mosaic, tao, mandala, horoscope, sikat na painting, at kahit mga eksena sa sikat na cartoons. Siguradong may art style, kategorya at larawan na babagay sa iyong panlasa at pwede mong kulayan.
Ang isa pang kagandahan ng Happy Colour game ay ang araw-araw na pag-upload nito ng mga bagong larawan na maaaring kulayan. Ibig sabihin, hinding-hindi ka mauubusan ng mga opsyon kung nais mong magkulay maghapon. Maaari mo ring i-share sa mga social media apps ang nagawa mong larawan upang makita ng iyong mga kaibigan at kamag-anak.
Gameplay
Sa pambungad pa lang, makikita mo na agad ang mga imahe na maaari mong kulayan sa Happy Colour game. Maaari ka ring mag-scroll upang makita ang iyong Daily Image, Editors’ Choice, Bonus Images, at mga larawang may kinalaman sa isang okasyon kapag nagbukas ka ng app sa petsang may selebrasyon o kaganapan.
Ang kailangan mo lang para makulayan ang mga larawan ay i-tap ang bawat bahagi ng larawan at awtomatiko na itong makukulayan. Ang isang feature na pinakanagustuhan ng mga manlalaro nito ay ang replay na nangyayari kapag tapos mo nang kulayan ang isang larawan. Makikita sa screen ang isang mala-timelapse na replay ng mga kinulayan mo mula simula hanggang dulo.
Karamihan ng larawan sa Happy Colour game ay mabusisi at madetalye. May ilang bahaging maliit masyado at kailangan mong hanapin. Kapag nangyari ito, may lalabas na bumbilya (light bulb icon) na maaari mong pindutin upang mabigyan ka ng clue kung ano dapat ang iyong kulayan matapos mong panoorin ang isang patalastas kung free version ng laro ang ginagamit mo.
Kapag nailagay mo na ang isang kulay sa bahaging dapat nitong kalagyan, mawawala na sa screen ang nasabing kulay. Ibig sabihin, hindi mo na ito kailangang ipangkulay pa dahil nakumpleto mo na ang paggamit dito. Samantala, kapag namili ka ng isang kulay, may lalabas na gray shade sa mga bahagi ng larawan kung saan mo ito dapat na gamitin.
Mga tips
Kailangan ng para Wi-Fi para makapag-umpisa ngunit kapag nasimulan mo nang magkulay ng isang larawan, mapupunta lang ito sa “in-progress” na kategorya. Pwede mo na itong balikan at kulayan kahit walang internet connection. Hindi rin sulit ang pagbili sa ad-free version ng laro dahil hindi ganoon kadalas at kahaba ang mga ads nito.
Simple lang ang laro pero nandito na lahat ng kailangan mo sa isang adult coloring game app. Hindi nakakapagtaka na ito ang pinaka-downloaded na coloring book app sa App Store at Google Play ngunit mas makakatulong sa mga tao kung may search bar dito upang mas madali nilang mahanap ang mga kategorya ng laro.
Isang magandang ideya rin kung magkakaroon ng pagkakataong mag-upload ang mga graphic artist ng kanilang sariling obra upang mas lumawak pa ang komunidad at mas makilala sila bilang manlilikha. Sa ganitong paraan, hindi lang nagkakaroon ng mas maraming larawan na pwedeng kulayan, mas magkakaroon rin ng interaksyon dito.
Konklusyon
Dapat na i-download ang Happy Colour game ng kahit sino na gustong may mapaglibangan at makapagtanggal ng stress. Ang simpleng adult coloring book na ito ay siguradong makakatulong sa mga taong nais magkaroon ng libangan upang matanggal ang pagod nila.
Bukod sa mga adult coloring books, makakatulong ding pantanggal-stress ang mga card, slot, at betting games na pwedeng laruin mag-isa o ng buong pamilya. Simple lang din ang paraan kung paano ito laruin at kung sakaling papalarin ang manlalaro, maaari siyang manalo ng salapi. Ngunit, pwede rin itong laruin na pangkatuwaan lang. Anong app ang pwede mong i-download? Subukan mo ang Big Win Club kung saan ka pwedeng maglaro ng pusoy, tongits, slots, at ibang pang card at tabletop games na kailangan ng masusing estratehiya. Maaari itong i-download sa App Store at Google Play nang libre.