Ano ang ‘Greenvale: Match Three Puzzles And Farming Game’ ng Purple Games?
Ang Purple Games ay isang mobile game developer na bumubuo at nagpapakilala ng nakakatuwang mga laro para sa mga bata. Isa sa mga nakakatuwang laro na kanilang ini-release ay ang ‘Greenvale: Match Three Puzzles and Farming Game’. Ito ay isang libreng mobile app game kung saan kailangan mo lang itugma ang tatlong icon upang malutas ang puzzle, palawakin ang iyong lupain, pagandahin ang iyong mga bukurin, at mangolekta ng mga ani. Ito ay inilabas noong ika-12 ng Mayo, taong 2020. Ayon sa Appgrooves, isang online site na nangangalap ng mga ratings at reviews sa iba’t ibang download sites, ang larong ito ay nagtala ng mahigit 50,000 na downloads mula sa Google Play Store at Apple App Store. Ito ay may ‘Content Rating’ na E sa Google Play Store kung saan pwede itong laruin ng kahit anong edad. Maging ang AppStore ay nagbigay din ng rating na 4+, na ang ibig sabihin ay maaari rin itong laruin ng mga batang apat na taong gulang pataas.
Ang ‘Greenvale: Match Three Puzzles and Farming Game’ ng Purple Games ay nasa kategoryang Puzzle Games kaya naman mahahasa ang iyong utak sa bawat level na malalampasan habang ika’y natutuwa sa ganda ng laro. Ang huling bersyon ng larong ito ay kaka-update lamang noong ika-21 ng Setyembre ng kasalukuyang taon. Upang ma-download at ma-install mo ang larong ito, kailangan mo ng android device na ang operating system ay dapat nasa 6.0, pataas. Kailangan mo naman ng Apple gadget na ang pinakamababang iOS version ay 11.0 upang ma-download at ma-install ito galing sa AppStore. Kahit na ito ay isang libreng mobile game app, meron ding nabibiling mga feautres nito sa loob ng app na nagkakahalaga ng $0.99 hanggang $9.99 bawat item. Kung pangarap mo na magkaroon at magpalago ng malalawak na hacienda habang hinahasa ang iyong pag-iisip, ito ang laro na bagay sa’yo!
‘Greenvale: Match Three Puzzles and Farming Game’ ng Purple Games: Walkthrough at Features
Ang ‘Greenvale: Match Three Puzzles and Farming Game’ ng Purple Games ay isang nakakatuwa at nakakaadik na puzzle game! I-explore na ang Greenvale, ang pinakamagandang lugar kung saan makakamit mo ang iyong pangarap na hacienda! Ilan sa mga features ng laro ay ang sumusunod:
Match 3 feature
Ihahanay at itutugma mo lang lahat ng mga makukulay na larawan sa loob ng grid hanggang sa ang tatlong makakaparehong icon ay nasa isang hilera at maalis na sa puzzle.
Booster Combos
Kapag mas marami kang napagtabi-tabi, magkakaroon ng ‘booster combo’ kung saan may mga ‘power-ups’ na magagamit upang mas mabilis mong malutas ang puzzle at mas marami ang maiiipon na points.
Farm Games
Gaya ng mga sumikat na laro tulad ng Farmville, maaari mo ring palawakin ang iyong ari-arian sa Greenvale. Makakakolekta ka ng iba’t ibang ani na magagamit mo sa pagpapalago ng iyong hacienda. Kailangan mong malampasan ang iba’t ibang level para mabuksan ang ibang teritoryo sa laro.
Mechanics and Landscapes
Marami kang pwedeng gawin at puntahan sa mayaman at malawak na lugar ng Greenvale. Napakaganda ng mga lugar dito at hi-tech ang mga makinarya sa larong ito.
Decorate Your Mansion
Ang feature na ito ay lumabas lamang sa bagong update. Hindi lang lupain ang pwede mong palawigin, maaari mo na ring gawin sa laro ang iyong pangarap na mansyon!
Scarlett, the Farm Manager
Hindi ka nag-iisa sa pagtupad ng iyong mga pangarap. May katuwang ka sa pagma-manage ng iyong lupain. Sa pamamagitan ni Scarlett, siguradong lalago ang mga bagay-bagay sa iyong hacienda. Tuturuan ka pa niyang mag-multitask upang mapabilis ang paglago ng iyong mga ari-arian.
Friendly Community
Bukod kay Scarlett, marami ka ring makakausap at maaaring maging kaibigan na nakatira sa Greenvale. Ang mga kapitbahay mong ito ay may iba’t ibang personalidad kaya dapat ay bigyan mo ng panahon upang kilalanin at kaibiganin ang bawat isa.
Ang Greenvale ng Puzzle Games ay tunay na mapanghamong laro ngunit siguradong matutuwa ka naman dito dahil maeensayo ang iyong utak sa mga puzzles at talagang nakakaenganyo ang pagpapalawak ng hacienda at pagpapaganda ng isang malaking mansion.
Pagsusuri at Rating ng ‘Greenvale: Match Three Puzzles And Farming Game’ ng Purple Games
Ang ‘Greenvale: Match Three Puzzles and Farming Game’ ng Purple Games ay kasalukuyang merong 4.2 out of 5 na average rating ayon sa Google Play Store. Ito ay base sa mga komento at ratings ng mahigit sa 800 na sumubok na ng larong ito. Karamihan sa nagbigay ng 5 stars rating ay nagbigay rin ng mga magagandang feedback tungkol sa laro. Mayroon ding mga nagbigay ng rating na 1 star dahil hindi na sila makausad pagkatapos ng Level 110. Ang App Store naman ay nagtala ng 4.9 out of 5 rating galing sa mahigit 200 na nakapag-download na ng laro. Ayon naman sa Appgrooves, nagtala ang laro ng 4.4 out of 5 rating mula sa mahigit 1,000 na pinagsamang ratings galing sa Play Store at App Store.
Narito ang mga piling feedback galing sa mga sumuri ng Greenvale ng Puzzle Games:
Mapanghamon! Iyan ang buod ng isang feedback ng isang manlalaro. Mahal na mahal daw niya ang larong ito ngunit 3 stars lang kanyang ibinigay na rating dahil hirap na mag-load ang laro pagdating sa kasalukuyan niyang level – ang Level 194. Gayunpaman, hinihintay niyang magawan ng paraan ng developer ang bug na ito.
Napakadaya! Iyan naman ang buod ng komento ng isa na nagbigay ng 1 star. Binura na daw niya ang laro dahil wala na siyang pag-asang manalo pagkatapos ng Level 110. Wala na daw paraan para makumpleto ang level na ito kahit magaganda pa ang iyong combo. Siya ay maagang sumuko kahit na may mga ibang manlalaro namang nakaabot ng mas mataas na level.
Nagbago naman ang pananaw ng isang manlalaro tungkol sa ‘farming games’ dahil sa larong Greenvale. Nabighani siya sa graphics ng laro at sa mga hamon na iba’t ibang level din ang naibibigay na saya. Natuwa rin siya sa ganda ng mga avatar sa laro. Ang buong idea daw ng laro ay kakaiba at kamangha-mangha. Dagdag na niya, kung isa siyang magsasaka, pangarap niyang tumira at mamahala sa haciendang tulad ng nasa laro. Iminungkahi lamang niya sa mga developer na magdagdag pa sila ng available na combo booster o mga paraan upang makuha ang mga ito bukod sa pera na available sa laro. Gayunpaman, siya’y nagpapasalamat sa creator at developer ng laro sa dedikasyon nila sa paggawa nito.
Konklusyon
Ang ‘Greenvale: Match Three Puzzles and Farming Game’ ng Purple Games ay siguradong isa sa pinakanakakatuwa at nakaka-relax na laro dahil sa kumbinasyon ng mapanghamong puzzle games at nakakaenganyong pagpapalawak ng iyong hacienda at pagpapaganda ng isang mansyon. Subalit may mga bug pa ang laro dahil bago pa lamang ito sa industriya at kakaunti pa lamang ang downloads at ratings nito. Halos karamihan naman ay natuwa sa laro kaya mataas pa rin ang ratings nito na 4.4 out of 5 mula sa Appgrooves.
Kung gusto mo pa ng ibang hamon, i-download ang Big Win Club app para sa mas marami pang laro online kasama ang mga totoong tao. Ang Big Win ay may patas na kompetisyon at magbibigay sa iyo ng magandang pakiramdam.