Ano ang Nonogram Color?
Ang Nonogram Color ay isang libreng mobile app game kung saan matututo kang maglaro ng ‘Japanese crossword pixel puzzle’. Ang larong ito ay tila kumbinasyon ng classic na Sudoku at Kakuro ngunit sa halip na mga numero ay mga kulay ang ilalagay sa mga grid upang mabuo ang pixelated na larawan. Ito ay mapanghamon at dapat gamitan ng lohika (logic) pero siguradong matutuwa, mare-relax at maaadik ka kapag nasimulan mo na ito. Ito ay inilabas noong ika-27 ng Hulyo, taong 2020. Ang larong ito ay nagtala ng mahigit 1 milyong downloads mula sa Google Play Store. Ito ay may ‘Content Rating’ na E kung saan pwede itong laruin ng kahit anong edad. Sa kabilang dako, ang App Store naman ay nagbigay ng age requirement na 12+. Ibig sabihin ay maaari lamang itong laruin ng edad 12 taong gulang pataas dahil sa mga hindi angkop na content para sa mga bata. Ang Nonogram Color ay nasa kategoryang ‘Picture Cross Number Puzzles’ kaya naman mahahasa ang iyong utak sa bawat level na malalampasan habang ika’y natutuwa sa bawat pag-usad mo sa laro. Ang huling bersyon ng larong ito ay kaka-update lamang noong ika-14 ng Oktubre ng kasalukuyang taon. Upang ma-download at ma-install mo ang larong ito, kailangan mo ng android device na ang version ng operating system ay nasa 5.0, pataas. Kailangan mo naman ng Apple gadget na ang pinakamababang iOS version ay 11.0 upang ma-download at ma-install ito galing sa App Store. Kahit na ito ay libreng mobile game app, meron ding nabibiling mga feautres nito sa loob ng app na nagkakahalaga ng $4.99. Makakatulong ito upang matanggal ang ads at maging tuluy-tuloy ang iyong paglalaro. Kung nahamon ka dati sa mga larong Sudoku at Kakuro, at sa tingin mo’y hindi ka aatras sa panibagong challenge, ang larong Nonogram Color ay bagay sa iyo!
Nonogram Color: Walkthrough
Ang Nonogram ay isang nakatutuwa at nakakaaliw na logic game! Mababaliw ka rin sa nakamamanghang ideya ng Easybrain, ang developer ng laro, kung saan pinagsama ang paraan ng paglalaro ng Sudoku at Kakuro upang mapalabas ang isang larawan. Ang layunin ng manlalaro ay mapalabas ang pixelated na larawan sa pamamagitan ng mga kulay at mga bilang nito sa taas at gilid ng grid. Upang magawa mo ito, narito ang ilan sa mga tips at teknik sa laro:
- Magmasid Bago Maglagay ng Kulay
Tandaan na ang larawang dapat mapalabas ay kumbinasyon ng iba’t ibang kulay at ito ay hinati-hati upang mabuo ang isang grid na binubuo ng maraming parisukat. Kaya mayroong tamang kulay na nakalaan sa bawat parisukat. Pagmasdan muna ang mga clue bago ka maglagay ng mga kulay.
- Sundan ang Gabay
Sa taas at kaliwa ng grid ay may mga clue na matatagpuan. Ang mga clue na ito ang nagsisilbing gabay upang mabuo ang pixelated na picture. Ang clues ay binubuo ng mga kulay at numero. Ang mga numero ang nagdidikta ng bilang ng kulay na dapat mailagay ng patayo o pahalang. Tinutukoy ng clue na dapat patayo ang paglalagay kung ito ay nasa ibabaw ng grid. Samantala, dapat namang ilagay nang pahalang kung ito ay nasa gilid. Simple lang sa unang tingin ngunit maaari kang magkamali kapag hindi mo nasundan ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga kulay. Maaari kasing dalawa o higit pang kulay ang nasa taas o gilid ng grid. Kailangan ding sundan ang sequence nito.
- Patakaran sa mga Grupo ng Kulay
Gaya ng nabanggit kanina, kailangang sundan ang pagkasunud-sunod ng mga kulay ayon sa mga clue. Ang simpleng patakaran ng laro ay maaari mong pagtabihin ang mga grupo ng parisukat na hindi magkakakulay. Samantala, kailangang may isang bakanteng parisukat na namamagitan sa mga magkasunod na grupo ng parisukat na magkakakulay. Ibig sabihin, kung ang clue sa kaliwa, ayon sa pagkakasunud-sunod ay apat na berdeng parisukat, tatlong pulang parisukat at tatlo muling pulang parisukat, maaari mong pagtabihin ang grupo ng 4 na berde at 4 na pulang mga parisukat. Subalit, kailangang may bakanteng parisukat sa gitna ng grupo ng tig-apat at tig-tatlong parisukat.
- Gamitin ang ‘X’
Susubukan ng larong ito ang iyong kakayahang makapag-isip ng paraan at ang iyong galing magmasid. May mga parisukat na hindi dapat kulayan. Tulad sa larong Minesweeper, maaari mong markahan ang mga parisukat na hindi mo kailangang galawin. Lagyan mo lang ng ‘X’ kung sigurado ka nang hindi ito dapat lagyan. Isa sa mga mabisang gamit ng ‘X’ ay kung ang magkasunod sa clue ay magkakulay na grupo ng parisukat. Siguradong maglalagay ng bakanteng parisukat sa gitna kaya markahan na dapat ito ng ‘X’.
- Magpatuloy Lang!
Huwag hayaang mahinto dahil sa hamon ng bawat level. Sa pagkakataon na ika’y nahihirapan at hindi na makausad, maaari mong gamitin ang mga ‘hints’ upang makapagpatuloy sa laro. May mga buhay (life) ka rin sa laro kaya huwag matakot na magkamali. Minsan, sa pagkakamali ka pa natututo nang mabilis sa larong ito. Ngunit hangga’t maaari ay lagyan ng tamang kulay ang mga parisukat.
Nonogram Color: Features
Ilan sa mga features ng Nonogram Color ay:
Daily Challenge: Subukan mong sagutin ang mga daily challenges upang magkaroon ng iba’t ibang premyo.
Seasonal events: Sumali sa seasonal events ng laro upang makakuha ng mga kamangha-manghang postcards.
Offline Game: Maaari mo itong laruin kahit walang internet connection.
Remove ads: Maaari mong tanggalin ang mga ads sa laro. Kailangan mo lang magbayad ng $4.99.
Pagsusuri at Rating ng Nonogram Color
Ang Nonogram Color ay kasalukuyang merong 4.2 out of 5 average rating mula sa Google Play Store. Ito ay mula sa mga komento at ratings ng mahigit sa 41,000 na nakasubok na ng larong ito. Ang iba sa mga nagbigay ng 5 stars rating ay nagbigay rin ng magagandang feedback tungkol sa laro. Mayroon ding mga nagbigay ng rating na 1 star dahil sa pagsulpot ng mga ads. Ang AppStore naman ay nagtala ng 4.9 out of 5 rating galing sa mahigit 9,000 na nag-iwan ng reviews para sa laro.
Narito ang mga piling feedback galing sa mga sumuri ng Nonogram Color:
Pinakamagandang puzzle game bukod sa isang isyu! Iyan ang buod ng komento ng isa na nagbigay ng 5 stars. Kumpara daw sa mga nalaro na niyang mga puzzle games, ang Nonogram Color ang pinaka-challenging na logic game. Sigurado daw na mamahalin mo ang larong ito. Nahirapan lang siya sa glitch na lumalabas pagkatapos ng Level 1,000. Paglagpas daw sa level na ito ay pabagal na ng pabagal ang laro sa bawat pag-usad ng level at siya ngayo’y nasa Level 2,900 na. Umaasa pa rin siyang magagawan ito ng solusyon ng Easybrain.
Ang isa namang nagbigay ng 1 star ay nagustuhan ang laro kaso naiinis siya sa bawat pag-pop up ng ads habang siya’y naglalaro. Hiniling niyang gawan ito ng paraan ng developer kasi marami daw ang nag-comment na ganito rin ang reklamo.
Konklusyon
Ang Nonogram Color ay tunay na isang mapanghamong laro. Susubukin nito ang iyong pasensya sa iba’t ibang level na nakapaloob dito. Gayunpaman, siguradong matutuwa ka sa bawat paglutas ng mga puzzle. Bagama’t maraming ads ang laro, hindi naman nito mauubos ang iyong oras. Kailangan mo ring ipahinga ang iyong utak para sa susunod na level. Siguradong hindi ka magsisisi sa pag-download sa larong ito dahil subok na ito ng mahigit sa 1 milyong tao na nagkapag-download na ng laro. Mayroon din itong 4.4 na average rating galing sa mahigit 50,000 na nakagamit na sa Play Store at App Store, at pati na positibong mga feedback at rekomendasyon.
Kung gusto mo pa ng mas pinatinding mga hamon, i-download din ang Big Win Club app para sa mas marami pang online games na maaaring isali ang iyong pamilya at mga kaibigan. Dito ay patas ang kompetisyon at magbibigay sa iyo ng magandang pakiramdam ang bawat laro sa app.