Ano ang Green Ball Game?
Naghahanap ka ba ng bagong mapaglilibangan? Karamihan kasi sa mga laro ngayon ay may pagkakumplikado na ang features at gameplay. Maraming mga bagay ang kailangan mong pag-aralan bago makapaglaro. Kahit na sabihin nating marami ang nasa work-from-home at online class setup, mahirap pa rin na makapaghanap ng isang laro na kayang matutunan kaagad sa loob lamang ng maikling oras. Mabuti na lang at may isang simple at madaling laro na kayang-kaya mong magpakadalubhasa sa isang kisapmata – ang Green Ball game.
Sa larong ito, hindi mo kailangan pang mamuhunan ng mahabang oras at matinding sikap. Ang kailangan mo lang ay maupo at mag-relax habang naglalaro. Ang lahat ng impormasyon na iyong kailangan tungkol dito ay nakapaloob na sa artikulong ito.
Features at Gameplay ng Laro
Ang Green Ball ay nabibilang sa kategorya ng mga casual games. Kung kaya ang features at gameplay nito ay talagang swak para sa halos lahat ng manlalaro. Ang mga sumusunod ay ang mga mahahalagang bagay na dapat malaman tungkol sa larong ito:
- Magsimula tayo sa features ng laro. Ang feature ay tumutukoy sa mga disenyo ng isang laro tulad ng graphics, audio, at kakayahang teknikal nito. Marapat lamang na suriing mabuti ang feature ng isang laro kung bagay ba ito sa iyong gusto o hindi. Kung ikaw ang tipo ng manlalaro na madaling malito kapag ang features ng isang laro ay umaapaw sa dami ng pagpipilian, siguradong magugustuhan mo ang simple at basic features ng larong ito.
- Ito ay isang web-based game at malalaro ito sa pamamagitan ng iba’t ibang gaming sites tulad ng Little Games. Maaaring gamitin ang smart phones, tablets, desktop o laptop sa larong ito. Sa kasamaang palad, hindi ito maaaring i-download sa Play Store o App Store. Kakailanganin mo din ng internet connection para makapaglaro. At isa sa mga kahinaan nito ay malaki ang posibilidad ng pagkakaroon ng game glitches kapag mabagal ang internet connection na talaga namang nakakasagabal sa paglalaro.
- Mayroon itong single control feature na siyang ginagamit ng mga manlalaro para pagalawin ang bola.
- Ang ginagamit nitong soundtrack ay nakakaindak at nagkakadagdag ng thrill sa bawat pagtalbog ng bola.
- Epektibo din ang effects nito dahil mas nagiging makatotohanan ang laro. Kapag tumalbog kasi ang kulay berde na bola sa mga harang, ito ay sasabog at magiging tila mga patak ng tubig.
Payak at simple man ang features nito kumpara sa iba, nakakalibang naman ang graphics. Nag-iiba-iba din ang screen backdrop sa bawat level ng laro. Talagang bagay na bagay ito kapag mas gusto mong maglaro at mag-enjoy nang mag-isa. Kahit na wala kang aktwal na kalaban at hindi ito isang interactive game, tiyak naman na sulit ang kakaibang saya at aliw na hatid nito.
Pagdating naman sa gameplay, hindi dapat maliitin ang mga casual games na tulad nito dahil sila ay may ibubuga rin. Ang Green Ball game ay may linear na gameplay. Ang layunin sa larong ito ay ang marating ng berdeng bola ang kulay dilaw na bilog para makausad sa susunod na level. Subalit, hindi ito madali, kailangang maiwasan ang lahat ng mga sagabal sa daraanan ng bola sa pamamagitan ng pagtalbog. Para magawa ito, kailangan ng manlalarong pindutin ang game screen sa tuwing may harang sa daan.
Dapat munang malampasan ang mga pagsubok sa bawat level upang makapagpatuloy sa paglalaro. Ito ay mayroong 30 na progresibong levels. Ang ibig sabihin nito, mas nagiging mahirap ang mga hamon sa bawat level. Susubukin talaga ang iyong abilidad sa pag-iwas at konsentrasyon. Kaya naman kahit na ito ay simple lang, masusukat talaga ang iyong liksi at pokus.
May mga pagkakataon din na hiwa-hiwalay ang daraanan at mas nakakadagdag ito sa hamon ng laro. Kailangang mapatalbog ang bola para makalipat sa kabila. Tandaan na ang tanging dapat gawin ay makaabot sa dilaw na bilog na nasa dulo. Mabibigo kang makausad sa susunod na level kapag natamaan ng bola ang mga harang o di kaya ay mahulog ito sa puwang ng putol na mga daan.
Paano Maipapanalo ang Laro?
Dapat tandaan na ang Green Ball game ay ginawa hindi lamang para makapagbigay-aliw, sinusukat din nito ang iyong mga kakayahan. Makakapagbigay ito ng impormasyon tungkol sa iyong mga kahinaan at kalakasan bilang manlalaro. Nasusukat din sa larong ito ang iyong kakayahang gumawa ng tamang estratehiya. Hayaan mong bigyan kita ng isang tip. Para maiwasan ang mga sagabal ay kailangan mong tantyahin ang direksyon at ang taas o layo ng talbog ng bola upang ligtas na makatawid sa dulong bahagi ng daan. Kailangang pagtuunan ng pansin ang iyong game control – ang kakayahan mong manipulahin ang pagtalbog upang maiwasan ang mga sagabal. May mahalagang papel na ginagampanan ang koordinasyon ng iyong mga mata, isip at daliri dahil ito ang susi para mabilis na maiwasan ang mga harang. Isaisip din na ang tagal o diin ng pagpindot sa iyong gaming screen ay nakakaapekto sa taas at layo ng talbog ng bola.
Ang larong ito ay maroon ding hindi kanais-nais na mga aspeto. Sa kadahilanang isa itong web-based na laro, hindi ito malalaro ng walang internet connection. Bagama’t wala kang babayaran dito, nakakagambala din ang madalas na paglitaw ng mga advertisement. Ang karamihan ay nawawalan ng ganang maglaro sapagkat istorbo talaga ang mga mahahabang patalastas na ito. Sa kabilang banda, may ibang manlalaro na naiintindihan naman ang ganitong sistema dahil sa paraang ito ay nabibigyan ng kita at suporta ang mga game developers.
Konklusyon
Sa kabuuan, magandang gawin na pampalipas-oras ang mga casual games tulad ng Green Ball. Hindi na kailangan pang mag-aksaya ng panahon at pera kung ang nais mo lang naman ay panandaliang pagpapahinga. Kung wala kang masyadong libreng oras at gusto mo lang ng simple at mabilis na break, ang larong ito ay swak talaga. Hindi kailangang sumakit pa ng iyong ulo sa kakaisip ng kumplikadong estratehiya.
Kung ang hanap mo naman ay ibang klase ng laro, maaari mong i-download at subukan ang Big Win Club app. Ito ay isang gaming app na may ‘sangkatutak na mapagpipiliang mga casino games. Higit sa lahat, maaari ka pang manalo ng totoong pera.