Ang Kaalaman Kung Aling Slot Machine Ang Magbibigay Ng One Big Win Ang Susi sa Mundo ng Slot Games
Ito ang isa sa mga madalas tanungin ng mga manlalaro ng slots. Aling machine nga ba ang magkakapagbigay ng One Big Win? Paano malalaman kung malapit na itong magbigay ng jackpot? At aling machine ang pinakamagandang laruin na maaaring makapagbigay ng inaasam na One Big Win?
Ilan lang iyan sa palaging tinatanong sa mga players’ magazines at maging sa mga attendants at floor managers ng mga casino sa buong bansa. Pinakamadalas na itanong ng mga manlalaro ng slots: “Aling machine ang maiinit ngayon?”, o kaya naman ay: “Saang slot machine ko ba posibleng makuha ang One Big Win?”
Sa kabila ng mga nailalathala tungkol sa kung paano gumagana ang isang modernong slot machine, hindi pa rin maiwaksi ang bulung-bulungan ng mga manlalaro at ang paniniwalang may kasagutan ang mga katanungang nabanggit. Naniniwala rin ang ilan na ang mga attendants ng isang casino ay may kakayahang makapagbigay ng tip kung aling slot machine ang handa nang magbigay ng panalo at dapat mong piliing laruin. Pinaniniwalaang may mga senyales na makikita sa isang slot machine kapag malapit na itong magbigay ng One Big Win o ang inaasam-asam na jackpot. Ang pagsuporta sa haka-hakang ito ang nagiging palabigasan ng mga “slot systems” na nagsusulputan ngayon sa internet at kung saan-saan pa. Sinasabing nag-aalok sila ng mga “visual clues” para malaman kung kailan makaka-jackpot sa slots.
Ang Internet “System” Ay Isang Malaking Scam
Ang Internet “system” ay isang malaking kasinungalingan, at ang bulung-bulungan na malalaman kung kailan makakakuha ng One Big Win ay isang lamang huwad na kaalaman. Ang slot machine computer ay laging pumipili ng bagong resulta. Isang resulta na walang kinalaman sa mga nakaraang lumabas na kumbinasyon at naibigay ng parehong slot machine sa nakalipas na tatlong spins, sa apat na oras na nakaraan, noong isang linggo, o sa mga nagdaang taon.
Lahat ay nanggagaling lamang sa matagal na nating “kaibigan” at pinagtitiwalaan: ang random number generator o RNG. Ang computer ng isang slot machine ay nagtataglay ng digital duplication ng physical reels. Bago pa man dumating ang simula ng 1980’s, ang posibilidad ng One Big Win sa bawat spins ay nakabatay sa kung ilang symbols at blanks o mas kilala sa katawagang “stops” ang nakapaloob sa bawat physical reel. Ang lumang electro-mechanical slots ay may 22 stops sa bawat reel. Sa pamamagitan ng logging ng symbols na tutugma sa bawat reel, maaaring makagawa ng kalkulasyon na magbibigay ng posibilidad ng pag-landing ng jackpot sa isang spin.
Subalit ito ay nagbago, kasabay ng makabagong panahon at modernisasyon ng mga computers. Sa mga casino, ang problema sa pisikal na paghinto ay kaalinsabay lamang sa bilang ng stops ng bawat reel na pinahihintulutan. Ang paggamit ng random number generator ay nagpapahintulot sa “virtual” reels – isang computer simulation ng reels na nagtataglay ng mga symbols na itinatalaga ng isang programmer. Ang mga numero sa program ay kumakatawan sa bawat stop ng reel. Kung gusto ng programmer ng low-paying o non-paying symbol – halimbawa ay ”blank” – na lumabas nang mas madalas, dadagdagan lamang nya ito sa program upang maging mas malaki ang pagkakataon na mapili ito ng random number generator.
Ibig sabihin, sa halip na 22 stops lang bawat reel, maaaring magkaroon ng 60 stops, 100 stops o kung gaano man karami ang naisin ng programmer, hanggat ito ang nananatili sa loob ng limitasyon na itinakda ng estado. Ito ang dahilan kung bakit hindi na maaaring makalkula ang posibilidad ng One Big Win sa pamamagitan ng formula – gamit ang bilang ng mga symbols ng physical reels. Ang 22 symbols na nakikita ng mga manlalaro ay hindi na kumakatawan sa bilang ng posibilidad sa slot machine. Ipinapakita nito ang mga symbols na magbibigay ng kumbinasyon. Kung alin ang mas maraming bilang na nailagay sa reel, iyon ang mas malamang na mapipili ng RNG.
Mahalaga Impormasyon Sa RNG
Ang random number generator sa isang slot machine ang nagdidikta sa takbo ng laro. Isa itong software program na nagbibigay ng random o sapalarang numero mula sa hanay ng mga numero na itinalaga sa bawat reel stop. Ang RNG ay nakapagbibigay ng mahigit isang daang sets ng mga numero bawat segundo, at nagagawa ito ng tuluy-tuloy, kahit pa hindi ginagamit ang slot machine. Ito ang dahilan kung bakit magkakaiba ang mga resultang ibinibigay ng mga slot machines. Ang random generation ay tuluy-tuloy at walang makakahula kung anong numero ang lalabas sa sandaling pindutin mo na ang spin button.
Kapag napindot na ang spin button, ang computer ay kukuha ng snapshots ng mga generated na numero ng RNG, at isasalin ito para maging reel result. Bago mo pa man pindutin ang button, ang RNG ay nagge-generate na ng ibang set ng numero – maya’t maya panibagong set ulit. Kahit nakatingin ka pa sa slot machine ay hindi mo magagawang mahulaan ang magiging resulta at ang magiging kasunod nito. Kaya malabo talagang masabi kung aling slot machine ang malapit nang magbigay ng One Big Win. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi maaring gumana ang kung anumang system na mahahanap mo sa internet na nagsasabing makapagbibigay ng tip para sa jackpot.
May system na kumakalat sa internet na nagsasabing maaaring panoorin para sa “patterns” ng reels ang mga tradisyunal na istilo ng slot machines. Ito ay upang makakuha ng bakas kung aling susunod na spin ang magbibigay ng One Big Win at para matapatan ito ng taya. May nagsasabi rin na bantayan ang reel ng traditional slot machines para sa wiggling. Tumaya ng maliliit, hanggang makitang mag-wiggle ang reel at doon tumaya ng malaki – dahil ibig sabihin ng wiggle ay parating na ang jackpot.
Lahat ng ito ay kalokohan lamang. Walang “pattern” na nabubuo sa pamamagitan ng symbols sa pay window – tulad ng ang “X” na nabubuo ng bar symbol – ang makapagsasabi ng susunod na galaw. At ang “wiggling” ng reels ay pwedeng senyales na luma na ang slot machine at nangangailangan na makumpuni, at wala nang iba pa. Ang physical reels ay ginawa para gawin ang dinidikta ng computer sa kanya. Ito ay mga display mechanisms lamang. Katulad ng isang video game, ipapakita lamang nito ang resulta na binigay ng RNG ng computer.
Konklusyon
Marami pa ring mga manlalaro na naniniwalang ang mga slot attendants o iba pang mga floor person na nakatalaga sa lugar buong araw ay makapagbibigay ng tip kung aling slot machine ang dapat tayaan, o kung aling slot machine ang makapagbibigay na ng One Big Win. Ang iba ay nakahanda pang magbigay ng pabuya para lamang sa tip na ito.
Isa lamang itong pagsasayang ng pera. Kahit pa may isang slot machine na maghapong nagbibigay ng panalo, walang makapagsasabi na sa gabi ay ganun pa rin ang ibibigay nitong resulta. Ang cycle ng slot machine ay hindi mahuhulaan.
Ang tanging maibibigay lamang ng isang attendant ay kwento ng performance history ng slot machine. Ang impormasyon na ito ay magiging kapaki-pakinabang lamang kung ito ang nangyari ng paulit-ulit sa isang lokasyon. Kapag nalaman na ito ng iba pang mga players ay dadami ang mga maglalaro sa parehong slot na makakagawa ng “jackpot fever” phenomenon. Mas maraming coins, mas maraming beses ng laro, at mas maraming pagkakataon din na makapagpalabas ng mananalong kumbinasyon. Ngunit ito ay posibilidad din lamang. Walang garantiya. Maaaring maka-One Big Win, maaaring hindi. Pero huwag naman sanang umabot sa pagkaubos na ng pondo nang dahil lamang sa slot game.
Kung ang app ng larong pagsusugal ang iyong paborito, gugustuhin mo ang Big Win Club! ito ay isang mahusay na pagpipilian para sa parehong mga laro ng casino at tradisyonal na mga laro ng card sa Pilipinas.
Go now => Big Win Club