Ang mga scratch card na laro katulad ng Big Money Scratch ay isang nakatutuwang paraan upang masubukang kumita ng mabilis nang hindi na kailangan pang maabala para lang bumili ng scratch card o tiket. Ngunit katulad ng mga ibang lottery, masasabing ito ay swerterhan lang talaga. Gayunpaman, may mga munting paraan para madagdagan ang pag-asang manalo sa mga scratch cards.
Hindi man maipapakita sa lathalaing ito kung paano ka mananalo, makapagbibigay naman ito ng mga tips na maaaring makatulong at magbigay-swerte sa Big Money Scratch at iba pang mga scratch cards games:
1. Huwag Tangkilikin at Piliin ang Pinakamura
Sa dami ng pagpipiliang mga scratch cards ngayon, talagang mahirap at nakakalito kung alin ang dapat piliin at bilhin kung hindi pa masyadong pamilyar sa mga ito.
Iba-iba ang mga disenyo, presyo, mapapanalunan at mga tatak na naglipana at sadyang nakakadagdag upang malito sa pagpili kaya dapat ay pag-isipan itong mabuti at huwag mawawala sa pokus kapag bumibili upang makapili ng maayos na scratch card at mas lumaki ang pagkakataong manalo sa mga larong ito.
Kadalasan ay nakakatukso na bumili ng mga murang scratch card o tiket at karamihan sa mga taong bumibili nito ay bibili pa ng maramihan. Kasi nga mura, kaya mas maraming mabibili. Subalit may dahilan kaya ito ipinagbibili ng mura kumpara sa ibang scratch cards na mataas ang presyo, gaya ng Big Money Scratch. Mura ang presyo ng ibang scratch cards dahil mas mababa ang mga premyo na puwedeng mapanalunan mula rito.
Mas mabuting bumili ng mahal na mga scratch cards kahit kakaunti lang ang mabibili, kaysa marami nga, pero mababang-kalidad naman ang mapapala. Mas matimbang ang kalidad kaysa sa dami kapag pagbili ng mga scratch cards ang usapan.
2. Basahin ang Fine Print
Ang paalala na ito ay hindi lang akma sa mga nagbabalak mag-loan kundi naaangkop din sa pagbili ng mga scratch cards.
Sa fine prints kadalasang nakasaad ang impormasyon tungkol sa pagkakataong manalo sa bawat card kaya nararapat lamang na pagtuunan ito ng pansin, basahin at intindihing mabuti.
Wala naman sigurong may gusto na bumili ng isang scratch card kung alam ng lahat na napakaliit lang ng pagkakataong manalo, ‘di ba?
3. Bumili ng Maramihan
Isa sa mga taktikang ginagawa ng mga mamimili ng scratch cards ay ang pagbili ng maramihan. Bumibili sila ng mga limang piraso sa parehong laro sa minsanang pagpunta nila sa tindahan nito. Karamihan kasi ay paisa-isa at pabalik-balik ang pagbili ng tinatangkilik nilang brand ng scratch card.
Ang paniniwala sa mga larong gaya ng Big Money Scratch ay kapag bumili ka ng marami, mas malaki ang tyansa mong manalo. Nagtitiwala ang marami sa tyansang ilalagay ng manufacturer sa pagitan ng magkakasamang scratch cards ang jackpot. Samakatuwid, kung sabay-sabay bibilhin ang lima o higit pang magkakasunod na scratch cards, maaaring isa na sa mga ito ang winning ticket!
Iyon nga lang, kailangang maglaan talaga ng badyet para dito. Maaaari lamang ito magawa kung mapaglalaanan ang libangang ito ng sapat na pera.
4. Laruin ito Tulad ng Slots
Kung papansinin ang mga naglalaro ng slots, makikitang may mga manlalaro nito na palakad-lakad at nag-aabang muna sa tapat ng retail outlet. Tila nagbibilang ng mga manlalarong hindi nakakakuha ng jackpot. Ang paniniwala naman dito: kapag matagal na at marami na ang manlalarong nabigo, ibig sabihin ay nalalapit na ang pagtama sa jackpot.
Kung gagayahin ang estratehiyang ito, kailangan mong tumambay sa mga tindahan o outlet na nagtitinda ng mga Big Money Scratch Card, o iba pang scratch cards, ng medyo matagal-tagal. Maaaring ito ay hindi mo normal na ginagawa o baka wala kang panahon para sa ganito.
Maaaring ding subukang kausapin at kaibiganin ang may-ari o ang tindera para magawang tanungin kung may nalalaman sila tungkol sa mga nanalo ng tiket mula sa outlet. Habaan ang pasensya at baka ito na ang maging susi ng inaasam na pagkapanalo.
5. Itago ang mga Lumang Tiket
Hindi itinatabi ang mga gamit nang scratch cards para maging sentimental. Ang pagtatago ng mga tiket ay may kwenta sa mga fans ng scratch cards. Maaaring sa pananaw ng nakararami ay wala nang silbi ang talunang mga scratch cards, ngunit huwag itong basta na lamang itatapon.
Maaaring may makitang pagkakamali dito o may pagkukulang sa pagkakagawa, lalo na kung Big Money Scratch ang nilalaro.
Minsan, kapag ang jackpot ay hindi magawang mapanalunan, ang manufacturer ay pumipili ng mananalo sa mga talunan na card. Pwede rin itong mangyari. Huwag sayangin ang pagkakataong manalo dahil hindi pa tapos ang laban. Panghawakan at gawing koleksyon ang mga scratch cards. Malay mo naman likas kang swerte – ang dating bokya ay naging pera pa!
6. Ipasa ang mga Natalong Tiket
Katulad ng nabanggit sa panglimang tip, masasabi mo lang na talagang natalo ka kung ipapa-check mo ito sa kinauukulan o sa mas nakakaalam nito.
Para mayroon mang nakaligtaan o may pagkakamali sa tiket, maari pang ring makakuha ng kaukulang kabayaran mula rito. Sayang naman kung hindi ito mapagtutuunan ng pansin.
7. Pag-aralan ang mga Scratch Cards
May isang proseso ang mga bihasa sa scratch cards at mga players nito. Tinatawag itong “singleton method”.
Pinag-aaralan dito ang layout at disenyo ng scratch card para makapulot ng mga pattern na magbibigay ng clue sa kung anong meron sa winning scratch card – maaaring numbers, symbols, o kumbinasyon na maaaring humantong sa pagkapanalo.
Subalit, ang teknik na ito ay batid na ng mga scratch card manufacturers at sinisikap nang makagawa ng paraan para maging salungat sa mga palatandaan. May mangilan-ngilan naman na hindi pa rin pinapansin ang method na ito. Magagamit pa din naman ang teknik sa ilang mga scratch card na may numerong makikita sa gilid. Subukan ito sa Big Money Scratch kung uubra.
8. Maging Strikto sa Pagsunod sa Badyet
Hindi ito tip para sa pagkapanalo, pero makakatulong pa rin ito upang hindi humantong sa pagkatalo ng malaking halaga.
Maglaan lamang ng badyet na lingguhan o buwanang susundin para sa mga scratch cards upang mapangalagaan ang aspetong pinansyal at makontrol ito nang tama.
9. Mamili ng Laro at Manatili Lamang Dito
Pumili lamang ng isa o ilang scratch card game. Halimbawa nito ay ang Big Money Scratch. Kapag nakapili na, ito na ang palaging lalaruin sa itinakdang schedule at badyet. Laruin ito hanggang manalo at ipunin rin ang mga natalong tiket. Maghihintay lamang ng tamang pagkakataon.
Datapwa’t kung pipiliin pa rin ang pagbili ng iba’t ibang klase ng scratch cards, mas dadami lang din ang mga talunang cards. Kaya mas mabuti na mag-stick sa isang napili. Isa din itong magandang estratehiya sa kalaunan.
Konklusyon
Walang siguradong paraan upang manalo sa mga scratch cards kahit na sa Big Money Scatch pa. Kasi kung may simpleng paraan naman pala, lahat na ng mga tao ay gagawin ito. At kapag puro panalo na lang ang mga bumibili, wala nang kumpanyang gugustuhing gumawa pa nito. Kaya subukan na lang ang mga tips na naibigay upang mapataas ang pagkakataong manalo. Wala namang masama kung susubukan, ‘di ba? Kaya tara, bili na tayo ng scratch cards!
Pagod na maghintay ng matagal para sa mga Scratch card? Subukan ang Big Win Club – ang pinakamalaking sentro ng pagsusugal na may serbisyong Lucky Number batay sa resulta ng lotto araw-araw!