Ano ang Tongits Legend at Tongits Legend Download?
Ang Tongits Legend na maaaring malaro sa pamamagitan ng Tongits Legend Download ay nanggaling sa orihinal na larong Tongits – isang popular na libangan saan mang dako ng Pilipinas ka mapadpad.
Nilalaro ito ng tatlo (3) o hanggang apat (4) na katao. Ang layunin sa larong ito ay paunahang makaubos ng baraha o magkaroon ng pinakamababang bilang kung sakaling ang lahat ng players ay may matitira pang baraha sa dulo ng laro. Maaaring ipatigil ang laro sa pamamagitan ng isang draw o deal kung sa pakiramdam mo ay ikaw na ang may pinakamababang bilang ng baraha. Sa kabilang banda, maaari namang magdeklara ng “fold” o pagsuko kung ang baraha mo ay may matataas na bilang at alam mong matatalo ka lang.
Sa pag-uumpisa ng laro ay binibigyan ng 12 baraha ang mga kasali at 13 naman ang bilang ng mga baraha para sa “bangka”, o ang tagapagbigay ng mga baraha. Ang matitirang baraha ay ilalagay sa gitna na magsisilbing bunutan. Ang laro ay magsisimula kapag nagtapon na ng baraha ang bangka bilang paunang tira. Ang susunod na manlalaro ay mamimili kung kukunin niya ang itinapong baraha o bubunot mula sa stack na nasa gitna. Ang bawat manlalaro ay kailangang makabuo ng “bahay” o set ng mga barahang magkakatugma ayon sa Tongits rules. Maglalapag ang mga players kapag may nabuong bahay para mabawasan ang hawak na mga baraha. Magpapatuloy ito hanggang sa may magdeklara ng tongits na ang ibig sabihin ay may nauna nang makaubos ng baraha at siyang panalo sa laro. Kung hindi naman mailalapag ng mga players ang lahat ng baraha ay magpapatuloy ang laro hanggang sa maubos ang bunutang stack. Pagkatapos ay kukunin ng bawat isa ang total ng mga natirang hawak na baraha. Ang may pinakamababang bilang ang siyang mananalo sa ganitong pagkakataon.
Paggawa ng mga Bahay
Iba-iba ang paraan para gumawa ng bahay sa tongits:
Quadro o Trio – may apat o tatlong pare-parehong baraha; magkakaparehong numero galing sa ibat’ ibang suits (heart, spade, diamond o clubs).
Straight Flush – ito ay tatlong baraha na magkakasunod at magkakapareho ng suit.
Escalera – Tulad ng straight flush, dapat na magkakapareho at magkakasunod ang mga baraha subalit ito ay binubuo ng 4 o higit pa.
Kapag nakabuo ng flush ay maaari itong idugtong sa bahay ng kalaban, mas mataas man ito o mas mababa.
Mga Maaaring Gawin para Manalo
1.) Itapon ang mga baharang naiiba ng suit at mas mababa kaysa sa itinapon ng katabi sa umpisa pa lamang ng laro. Halimbawa, kung 6 of hearts ang “tapon”, sundan mo ito ng 5 of diamonds. Kung mayroon kang kaparehong numero kung anuman ang tapon ng kalaban, ay itapon mo na rin ito.
2.) Kailangang talasan ang memorya sa larong ito. Tandaan ang mga “puro” o ang mga barahang kukumpleto ng bahay ayon sa mga hawak na baraha. Laging unahin ang pagbuo ng flush. Pag-isipang mabuti ang estratehiyang gagamitin bago tumira.
3.) Bantayan at pag-aralan ang mga itinatapon ng kalaro. Maaari mong malaman ang mga barahang hawak nila at sinusubukang buuin base sa kanilang mga pinapakawalan. Sa pamamagitan nito maiiwasan mo na makapagtapon ng barahang makakatulong para makabuo sila ng mga bahay. Dahil dito, masasalag mo ang diskarte ng mga kalaban para manalo.
4.) Ang number 7 ay mahalagang baraha sapagkat maaari itong makatulong sa pagbuo at magamit na pandagdag sa bahay.
5.) Mag-isip ng mga estratehiyang gagamitin hanggang matapos ang laro upang hindi malito sa mga susunod pang hakbang na gagawin.
6.) Kung mukhang hindi makakabuo ng bahay ang barahang hawak, pilitin na lamang maitapon ang mga barahang may matataas na bilang. Laging isaisip na ang larong ito ay pababaan kaya dapat na panatilihing mababa ang mga hawak na cards.
7.) Tingnan kung kailan dapat ibaba ang mga bahay. Dahil kung flush ang iyong nabuo, maaari itong dugtungan ng mga kalaro. Mas mabuting ibaba ito kapag naitapon na nila ang mahahalagang mga baraha para sa kanila o kapag may mga naibaba na silang bahay upang hindi na madagdagan pa.
8.) Mas maganda kung matututong mang-bluff ng mga kalaro. Sa ganitong paraan ay mawawala ang konsentrasyon nila sa laro at magdudulot rin ito ng pagkalito ng kalaban. Kapag nawala sila sa pokus ay makakalimutan na nila ang estratehiyang nabuo habang sinusundan ang daloy ng laro. Nakadaragdag din ang mga bluffs sa kasiyahan ng paglalaro.
Modernong Tongits Legend at ang Magagawa sa Tongits Legend Download
Ang minahal na laro ng mga Pilipino ay online na sa pinakabagong Tongits Legend! Simulan na ang Tongits Legend Download upang makapaglaro kahit saan o kahit kailan man gustuhin.
Maaaring gumawa ng sariling table code kasama ang pamilya’t mga kaibigan sa iisang table. Hindi na kinakailangang maghintay ng matagal para makapaglaro. Ang table ay maaaring ibahin at pwedeng magtakda ng sariling mga alituntunin para sa paglalaro ng naaayon sa kagustuhan ng grupo. Interactive ang laro dahil may magagamit na mga cute emojis sa pakikipag-chat sa mga kalaro. Magagamit lamang ito para sa may mga iOS na smartphone.
Ang paraan ng paglalaro ay tulad din ng orihinal na Tongits ng mga Pinoy. Ang kagandahan nito ay mas pinadali ang pag-access dahil online na ang paglalaro. Kahit hindi pisikal na magkakasama ay maaari nang makapaglaro ng paboritong Tongits Legend.
Konklusyon
Ang Tongits ay tradisyunal na libangan ng mga Pilipino. Nakakaaliw ito at masayang laruin. Karaniwan nang makakakita ka ng matatanda o mga ina ng tahanan na nag-uumpukan sa isang mesa tuwing hapon para maglaro nito, lalo na ang mga nasa probinsya. Maging sa mga lamay sa patay ay makikita din na nilalaro ang Tongits.
Upang mas lalong ganahan ang mga naglalaro, karaniwang sinasamahan ng pusta ang paglalaro nito. Sa simula ay papiso-piso lang hanggang sa lumaki ang pondo o depende rin sa mapagkakasunduan ng mga maglalaro. Iniipon sa isang lalagyan ang mga taya habang naglalaro at ibibigay sa mananalo sa pagtatapos nito. Maaaring ibahin ang kasunduan sa pusta, depende sa kagustuhan ng mga manlalaro. Kung minsan iniiba ang halaga ng mapapanalunan kapag may makakaka-tongits, at may iba namang pakulo kapag nauwi sa draw ang katapusan ng laro.
May ilan na lubos ang nagiging pagkahumaling sa larong ito at ginagawa na itong hanapbuhay lalo na sa mga mahihirap na lugar, kaya maituturing na isa ito sa mga sikat na sugal sa bansa.
Sa isang banda, kung gagawin itong libangan, mas magiging madali ang paglalaro sa tulong ng bagong Tongits Legend. Simple at madaling i-install. Gamit ang smartphone ay hanapin lamang ang Tongits Legend Download para magamit na ito at makapaglaro. Maaari mo ring i-download at subukan ang Big Win Club bilang isang mahusay na kahalili para sa larong ito na may mahusay na cash in at cash out system.