Ang Animal Crossing: New Horizons at Animal Crossing Balloon Colors
Ang Animal Crossing: New Horizons ay isang uri ng interactive game. Ang mga manlalaro ay gagampanan ang papel ng isang karakter sa abandonadong isla. Kailangang baguhin at pagandahin ang isla ayon sa kagustuhan ng manlalaro sa pamamagitan ng pagkuha ng mga Animal Crossing balloon colors.
Ang larong ito ay nagmula sa Nintendo Co. Ltd., isa sa mga itinuturing na pinakamalaking video game company sa buong mundo. Ngayong kasagsagan ng pandemya, gumawa na naman ito ng ingay na pumatok sa mga tagasubaybay ng Nintendo games. Ang larong Animal Crossing: New Horizons ay humakot ng milyun-milyong sales pagkatapos nitong mailabas. Mahigit isang taon pa lamang ang nakalipas ngunit narating nito agad ang tuktok ng kasikatan at popularidad. May mahigit 26 milyon na subscribers ang official site nito na Nintendo Switch Online Service. Sino bang hindi magugustuhan ang nakakarelaks, kakaiba at nakakaadik na larong ito?
Ang mga items sa laro ang susi para mapaunlad ang isla. Maraming paraan upang makakolekta ng mga ito. Kung gusto mong mas mapadali at mapabilis ang pangongolekta ng items, kailangan mo ng gabay mula sa Animal Crossing Balloon Colors. Ang kulay pulang lobo ay nagbibigay ng mga muwebles samantalang ang asul naman ay mga kagamitan sa paggawa. Ang kulay dilaw na lobo ay naglalaman ng game currency na Bells at ang berde ay sari-saring items. Tandaan na ang mga lobo ay lumilitaw tuwing 4 hanggang 9 na minuto sa bawat sampung minutong cycle ng laro. Halimbawa, kung ikaw ay nagsimulang maglaro nang 6:00, asahan mo ang paglitaw ng mga lobo bandang 6:04, 6:09, o 6:14. Kailangang matamaan ng iyong tirador ang mga lobo para makuha ang items na katumbas nito. Malalaman mo na may papalitaw na lobo dahil may maririnig kang kakaibang tunog. Alalahanin din na sa iba’t ibang direksyon nanggagaling ang mga lobo kaya dapat ay manatiling alerto. Maaari ring bisitahin ang Nook’s Cranny upang malaman ang halaga ng iyong nakuhang item.
Gameplay
Nakatatak na sa industriya ng video gaming ang mga laro ng Animal Crossing series dahil sa simpleng gameplay nito. Sa Animal Crossing: New Horizons mararanasan ng mga manlalaro kung paano mamuhay sa isang abandonadong isla. Mala-Survival Island ang tema nito kung saan kakailanganin ng mga manlalaro na makibagay sa iba pang mga karakter at mabuhay sa pamamagitan ng paggamit mga resources sa isla. Mas pina-level up at mas ginawang nakakaenganyo pa ito dahil maaaring idisenyo at palaguin ang buong isla batay sa iyong sariling kagustuhan.
Maraming mga kritiko ang pumupuri sa non-linear gameplay nito. Ang ganitong disenyo ng laro kasi ay nagbibigay ng kalayaan sa mga manlalaro. Nagagawa nilang magdesisyon kung paano nila ito gustong laruin. Ito ay naiiba sa karamihan dahil sa variability ng laro o ang pagkakaroon ng maraming pagpipilian. Walang partikular na paraan upang makamit ang goal ng laro. Nakakatulong ito sa pagiging malikhain at maparaan dahil ang nagkokontrol sa takbo ng laro ay ang mismong naglalaro nito. Sa ganitong paraan, nagiging mas personal ang karanasan sa paglalaro.
Ang mundo sa larong ito ay malayo sa nakagisnang reyalidad dahil sa kakaibang mga karakter na makikilala dito. Si Nook Miles ang nagsisilbing guide at tagapamahala sa buong laro. Siya ang karakter na kumakatawan sa reward system. May mga makikilala ka ring ibang game villagers na magiging kasama mo sa pagpapaunlad ng isla. At syempre, hindi rin mawawala ang iba pang mga karakter na mga “tagalabas” o taga-karatig isla. Maaari silang bumisita o kaya naman ay manirahan din sa isla. Si Blathers ay isang kwago at siya ang may-ari ng museum sa isla. Dito ay maaring dalhin ng mga manlalaro ang mga nahuli nilang hayop upang maging donasyon sa museum kapalit ng mahahalagang impormasyon. Narito rin ang magkapatid na sina Mabel at Sable, sila naman ang bahala sa pagbebenta ng mga damit at iba pang mga nilikhang gamit ng mga manlalaro. May furniture shop din na pagmamay-ari nina Timmy at Tommy. Maliban sa mga muwebles ay mayroon din silang mga items na nagbibigay-kalidad sa pamumuhay ng mga taga-isla. Ang bawat items na kanilang binebenta ay dumadami din sa bawat araw na lumilipas. Sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan sa iba’t ibang karakter ay mas napapaganda at napapaunlad pa ang isla.
Ito ay pwedeng laruin sa parehong local at online co-op gameplay. Sa local gameplay, ang manlalaro ay nag-iisa lamang habang sa online co-op gameplay ay pwedeng maglaro ang apat hanggang walong manlalaro nang sabay-sabay. Pwede ring mag-imbita ng iba galing sa mga karatig isla upang pansamantalang manirahan sa iyong isla sa pamamagitan ng Dodo Airlines.
Features
Umaariba ang features ng larong ito. Talaga namang pinapahalagahan nito ang pagbibigay ng komportable at positibong karanasan sa mga manlalaro. Sa multiplayer mode nito, binibigyang-diin ang accessibility at customization ng mga kagamitan upang maipakita ang pagkamalikhain ng mga manlalaro. Dito pumapasok ang konsepto ng “imagination gap” kung saan ito ay nagbibigay ng pagkakataong gamitin ng mga manlalaro ang kanilang imahinasyon.
May isa pa itong customization feature na tinatawag na ‘terraforming’. Pwedeng maiba ang anyo ng isla sa pamamagitan ng pagwasak ng mga bangin, pagbago ng mga anyong-tubig at paggawa ng mga daanan. Kahit na ang laro ay real-time, pwedeng baguhin ang oras sa console upang maging mas maikli ang panahon ng paghihintay sa mga landscaping at crafting period sa laro.
Kaabang-abang din ang mga seasonal events at updates kung saan makakakuha ang players ng mga eksklusibong item nang libre. Si Nook Miles ay nanghihikayat din sa mga manlalaro na gumawa ng pangkaraniwang gawain at mangolekta ng mga kakailanganing materyales. Sa paraang ito, maiiwasan ang pagkabagot sa laro. Ang graphics nito ay nakadisenyo ayon sa konsepto ng “trigger of play”. Mayroon itong 45-degree angle kung saan makikita ng mga manlalaro ang lahat ng nangyayari sa laro sa kabuuan.
Konklusyon
Ang Animal Crossing: New Horizons ang ikalimang laro na inilabas ng Nintendo Switch sa kanilang Animal Crossing series. May mahigit 32 milyon na kopya itong naibenta sa buong mundo. At ito ay itinuturing na record breaker pagdating sa sales sa loob lamang ng mahigit isang buwan pagkatapos nitong ipalabas. Ang paggamit ng Animal Crossing Balloon Color guide ay isa sa mga paraan upang mas mapaganda at mapaunlad ang isla sa Animal Crossing: New Horizons nang mas mabilis.
Sa kasamaang palad ang mga larong Animal Crossing ay limitado lamang sa may mga Nintendo Switch online subscription. Subalit, wala kang dapat ikalungkot sapagkat magandang alternatibo para dito ang Big Win Club app. Maaari itong i-download sa iyong device nang libre. Marami kang larong mapagpipilian dito at may tsansa ka pang manalo ng tunay na mga papremyo.