Paano Malalaman Kung Makakapagbigay na ang Machine ng Big Jackpot Slots
Lahat ng manlalaro ng slots ay gustong malaman kung kailan ang tamang oras para laruin ang isang progressive slot machine para makapagbigay ng The Big Jackpot Slots. Ang paghahanap ng slots na tiyak na makakapagbigay ng life-changing payout ay mailap. Paano nga ba ito magagawa gayung ang mga slots ay random at mahirap hulaan?
May mga manlalarong naniniwala na maaari itong matunton sa pamamagitan ng mga hot progressive slots. Ang hot progressive game ay ang slots na nakakapagbigay ng sunud-sunod na panalo kaya pinaniniwalaang ito ay nakatakdang magkapagpanalong muli. Ngunit marami din ang hindi naniniwala sa obserbasyong ito. Sinasabing isa lang itong kwento na kumalat sa mundo ng slots.
Maaaring masorpresa kapag nalamang may halaga ang paghahanap ng hot slots! Malalaman sa impormasyong ito kung paano maghanap ng progressive prizes na posibleng mapanalunan.
Makalumang Paraan Upang Masukat ang Hot at Cold Big Jackpot Slots
Ang mga players na naniniwala sa mga hot-and-cold na teorya ay naghahanap at naglalaro online at maging sa mga land-based casino.
Nakikilala nila ang isang high-paying game kapag nakakakuha kaagad ng prizes sa unang 10 spins pa lamang. Kapag hindi ito nangyari ay iiwan na lamang nila ang laro at maghahanap ng ibang slot machine.
Marami ang patuloy na gumagawa ng ganitong method upang makahanap ng lucrative games. Ngunit salamat sa internet, hindi na kinakailangan pang gawin ang makalumang estilong ito.
Narito ang 4 na Paraan Para Makahanap ng Hot Progressive Slots at Makaiwas sa mga Cold Slots:
1. Alamin kung kailan nakuha ang huling progressive jackpot.
Ang unang dapat gawin kapag naghahanap ng slot machine na madalas makapagpanalo ng jackpot ay hanapin ang progressive slots tracker. Nare-record dito ang lahat ng aspeto tungkol sa progressive slots prize tulad ng halaga, pinakahuling panalo, average na laki ng panalo, at ang tinatayang oras sa pagitan ng bawat panalo.
Maraming websites na mapagkukunan ng progressive jackpot trackers. Ilan dito ay ang CasinoListings, SlotsDoc, at Casino.org. Ang pinakahuling tala kung kailan nakuha ang huling panalo ang pinakamahalagang impormasyon dito. Ito ang magbibigay ng pahiwatig sa pagkakataong manalo ng jackpot.
Tandaan na marami pang kailangang alamin bukod sa kung kailan huling nakapagpanalo ang slot machine.
2. Average interval sa bawat panalo ng Big Jackpot Slots.
Isa din sa mahahalagang aspeto sa paghahanap ng hot games ay ang average na oras sa pagitan ng jackpot payouts. Makikita ang impormasyong ito sa progressive slots tracker. Ang kaalaman sa interval na ito ay magbibigay ng pagkakataong matantya kung gaano katagal ang dapat hintayin bago maka-jackpot. Magagamit ito para maghanap ng slots na may magkakalapit lang na pagitan ng pagtama ng jackpot.
3. Average na laki ng jackpot payout.
May mga slot machines na hindi madalas magbigay ng panalo sapagkat malalaki ang prizes at jackpot nito. Minsanan ang pagtama pero halos mahihimatay ka sa galak kapag nangyari ito. Ito ang dahilan kung bakit importante din na malaman kung gaano kalaki ang inaasahang premyo.
Timbangin ang value ng premyo at ihambing sa average payout time frame. Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng mas malinaw na forecast kung sulit ba na maghintay ng panalo sa slots na ito.
Maaaring magpasya kung ano ang mas bibigyan ng pagpapahalaga. Kung ang madalas na panalo o ang mas malaking payout. Kung nakatuon ka sa malalaking premyo, piliin ang slot machines na nakakapagpanalo ng malaki kahit na mas matagal ang paghihintay sa paglabas ng jackpot. Mamili lamang ng isa dahil hindi makakatulong ang pagkagahaman at pagpilit na gumitna o bumalanse.
4. Pag-aralan ang Jackpot Thermometer.
Ang Microgaming ay mayroong tinatawag na “Jackpot Thermometer” sa mga casino. Ang mga thermometer na ito ay ginagamit upang malaman kung aling games ang malimit magbigay ng jackpot.
May dalawang aspeto na kinukuha ang sizzling games sa Microgaming’s Jackpot Thermometer. Ito ay ang huling pagkapanalo ng progressive prize at ang average time sa pagitan ng limang jackpot payouts.
Alinmang slot sa mga may thermometer na feature ang nasa mataas na temperatura ay nagbibigay ng madalas na panalo, samantalang ang mga laro na may frigid temperature ay medyo matumal sa pagbibigay ng jackpot.
Kahit na mas marami pang laro ang Microgaming kaysa sa ibang mga slots provider, hindi pa rin naman nila saklaw ang kabuuan ng industriya at hindi sa lahat ng bansa ay available ang software na ito. Ngunit kung magagamit ang Microgaming slots, hanapin ang jackpot thermometer at gamitin itong advantage sa paglalaro ng slots.
Ang Resulta ng Progressive Slots ay Base sa Programmed Odds
Isa sa dahilan kung bakit maraming mga maling paniniwala tungkol sa slot machine ay ang patuloy na paggamit ng kumplikadong solusyon para sa isang madaling laro. Samantalang ang tootoo niyan ay nag-ooperate lang ng simple ang slot machines.
Makakatulong na mas maunawaan kung paano gumagana ang mga slots upang makaisip ng tamang estratehiya na makakapagpataas ng pagkakataon sa The Big Jackpot Slots.
RNG ang Magdidikta Kung Mananalo o Matatalo sa Slots
Ang RNG (Random Number Generator) ay umiikot sa milyong kumbinasyon ng mga numero upang malaman kung mananalo o matatalo sa isang spin. Ang katotohanang naka-program para magpaikot ng maraming kombinasyon ng mga numero ang sumisigurado na ang resulta ay talagang random.
Lahat ng slots ay may RNG sa operasyon nito kaya’t ito ay masasabing patas dahil walang nakakatiyak sa resultang lalabas.
Ang kaalaman sa RNG at paano ito gumagana ang magbibigay-linaw sa mga maling paniniwala. Kasama na dito ang paglipat-lipat ng mga slot machines para maghanap ng hot slot.
Ang Nakaraang Resulta ay Walang Kinalaman sa Slots Odds
Kailangang tandaan na ang nakaraang resulta ng slots ay walang kinalaman sa lalabas na resulta ng mga susunod na laro.
Marami pa rin ang naniniwalang kayang hulaan sa pamamagitan ng past results ang future ng isang slots. Halimbawa nito ay kung babasahin ang istorya ni Mega Moolah na nakakuha ng dalawang panalo sa loob ng 22 hours. Dahil sa nangyari, pinaniniwalaan na ang slots na ginamit niya ay mas malaki ang tsansang maka-hit kaysa sa iba pang big jackpot slots.
Ang panalong nakamit ni Mega Moolah ay nangyari lamang sa kasalukuyang dekada kaya sariwa pa ang mga datos na makakapagbigay ng confident assertion sa average payout ng slot machine.
Ang nasabing game ay nagpapatama minsan sa loob ng mahigit-kumulang siyam na buwan ayon sa jackpot tracker. Pinapatunayan lang nito na ang back-to-back wins ay isang anomalya.
Ang Pagdadagdag ng Progressive Jackpot ay Nakakadagdag ng Value
Ang mga developer ay kailangang i-reseed ang jackpot pagkatapos na ito ay mapanalunan. Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng dahilan ang mga tao na magpatuloy sa paglalaro.
Halimbawa nito ay kapag may nakakuha na ng progressive jackpot na $8 million. Ang gamemaker ay ire-reseed ang prize sa $500,000. Kapag ang top payout ay napunang muli, ang slot machine ay magsisimula sa base payout percentage. Lahat ng payout percentage ay nakabase sa starting jackpot at ang RTP ay kasabay na lumalaki kaakibat ng top prize.
Konklusyon
Ang huling tala na nakapagbigay ng Big Jackpot Slots ang isang machine ay isa lamang paraan upang malaman kung ang progressive slot machine ay hot o cold. Kailangan din isaalang-alang ang iba pang mga aspeto tulad ng average interval ng bawat panalo at ang halaga ng payout.
Gamit ang kombinasyon ng mga impormasyong ito, matutulungan ka sa pagdedesisyon kung ang slot machine ay “nag-iinit” na. Ngunit maaari pa rin makaisip ng iba pang paraan na mas advance upang makatulong sa iyo.
Maaari din tingnan ang base payback sa pagpili ng jackpot slots. Makakatulong ito sa pagdedesisyon kung dapat bang piliin ang slots na may maliliit na prizes. Ang pagpili ng maliliit na prizes ay mahalaga lalo kung mababa ang tyansa sa pagtama ng The Big Jackpot Slots.
Habang nag-iisip ng mga bagong ideya, maaring subukan ang mga online slots sa Big Win Club App. Ito ay online casino na maaaring laruin gamit ang smartphone, tablet o desktop. Makakapag-praktis ka na, malilibang ka pa!