Pangarap Na Big Pokie Wins
Ang Big Pokie Wins at iba pang panalo sa casino ay may kaakibat na mga responsibilidad. May karampatang buwis at mga pagpapasyang pananalapi: isa dito ang wais na pamimili ng paraan ng pagkubra ng napanalunan.
Karaniwan ang mga casino winnings ay sumasailalim sa isang structured settlement na may nakatakdang panahon ng pagbabayad. Ngunit paano naman kung gusto mong makuha na agad ang napanalunan? Sa kasong ito, maaaring ibenta ng nanalo ang isang bahagi ng napanalunan o maaari ring ang kabuuan nito sa ibang tao.
Ang lump sum o minsanang pagkuha ng napanalunang pera ay makakatulong sa nanalo lalo na kung may mga mahalagang bayarin na kailangang paglaanan katulad ng pang-tuition sa eskwelahan, pambayad sa hospital o pangangailangang medical, at iba pang mga bayarin. Sa kabilang banda, may negatibong epekto din ito sa nanalo sapagkat naapektuhan ang normal na pagpapasya pagadating sa paggasta at pag-iipon. Idagdag pa na sa pagkuha ng lump sum na napanalunan ay inaasahan ding may nakaambang buwis, katulad ng ordinaryong kita na kailangang bayaran ng minsanan.
Kung tatanggapin naman ang napanalunan ng ayon sa nakapaloob sa structured settlement, magbibigay ito ng kontroladong pagkukunan ng kita sa mas mahabang panahon. Ang bubuwisang halaga lamang dito ay kung magkano pa lang ang nakukuha at magbibigay ito ng pagkakataon sa natitirang pera para tumubo sa pagdaan ng panahon. Gayunpaman, malilimitahan ang halaga na maaaring kunin ng nanalo sa paraang ito at hindi maaring makakakuha ng karagdagan kahit pa may mga emergency na kailangan bayaran.
Paano Nagbabayad ng Malaking Pera ang mga Casino?
Nakaswerte ka ng Big Pokie Wins! Habang nasa casino, magbigay lamang ng mga valid IDs at pirmahan ang mga IRS tax forms para tanggapin ang napanalunang premyo. At presto! Makukuha mo na ang napanalunan.
Iba’t-iba ang pamamaraan ng mga casino para magbayad sa nanalo. Karamihan, kapag ang napanalunan ay nasa $25,000 o mas maliit pa, ang pagpipilian ay depende sa lokasyon ng casino at sa aling laro nanalo. May mga laro na pinapayagan ang lump sum disbursement at makukuha na kaagad ang premyo. May iba naman na makukuha ang napanalunan sa pamamagitan ng annuity – kung saan ang pera ay makukuha ng installment. Kadalasan ay binibigyan ang nanalo ng 90 araw para makapagdesisyon kung gustong kunin ang pera ng lump sum o annuity, ngunit mayroon din namang mga hindi nagbibigay ng disbursement option at lump sum lang ang iniaalok.
Lahat ng panalo partikular na ang lottery payouts, poker tournaments, horse races at slot machine ay binubuwisan sa federal level at ang iba ay maging sa state level. Ang bawat estado o lugar ay may iba’t ibang mga regulasyon para sa pagbubuwis ng kita galing sa pagsusugal. Siguraduhing pagtuunan ng pansin ang mga lokal na patakaran bago mag-file ng susunod na tax return. Bukod sa state tax, may sariling patakaran para sa buwis ng napanalunan sa sugal ang IRS. Para sa mga piling laro at mas malalaking napanalunan, ang nanalo ay makakatanggap ng IRS form W2-G mula sa magbabayad.
Kailangang ideklara ang mga napanalunan sa susunod na tax return gaano man kaliit o kalaki ang halaga nito. Makakatanggap lang ng form W2-G kung pasok ang napanalunan mo sa mga sumusunod na thresholds:
- $600 o higit pang napanalunan sa sugal maliban sa bingo, keno, slot machines, at poker tournaments, o kung ang halaga ay mas maliit ng 300 beses kaysa sa itinaya;
- $1,200 o higit pa mula sa slot machine o bingo game;
- $1,500 o higit pa sa keno winnings;
- $5,000 o higit pa sa poker tournament.
Kapag ang napanalunan ay isa sa mga nabanggit, ang casino ay magwi-withhold ng 25% ng para sa buwis. Ang matitira dito ang kabuuang makukuha ng nanalo.
Lump Sum o Annuity, Alin ang Pipiliin para sa Big Pokie Wins?
Paano makakapagdesisyon sa pagkubra ng Big Pokie Wins? Ang pinakamadaling paraan para malaman kung paano ang kondisyon sa pagbibigay ng panalo ay tingnan ang itsura ng slot machine. Makikita dito kung ito ay annuity game o immediate full-pay win. Kung bibigyan ka ng karapatang mamili, mas mabuti na kumonsulta ka sa isang eksperto sa larangan ng pananalapi – pwedeng sa tax attorney o certified public accountant – para matulungan kang makapagdesisyon ng tama.
Bawat payout method ay may katapat na implikasyon sa pagbabayad ng buwis kasama na ang mas mataas na interes. Ang pagpili kung paano tatanggapin ang napanalunan ay tumutukoy sa kalagayang pananalapi ng nanalo.
Kapag lump sum ang napili mula sa casino, ang ibig sabihin ay tinatanggap mo na may bawas na 50-60% mula sa kabuuang halagang napanalunan lang ang makukuha mo. Ang bahaging nabawas ay maaaring kunin base sa kasalukuyang prime rate o sa rate na binuo ng U.S. Treasury Securities na pinili ng nagmamay-ari ng casino. Ang pagpipiliang ito ay makapagbibigay ng biglaang malakihang halaga, ang buwis nito ay kailangang bayaran ng buo sa parehong taon na nakuha ang napanalunan.
Ang pagpili sa pagkuha ng napanalunan gamit ang annuity ay nangangahulugan na pinapayagan ng nanalo ang mahabang panahon ng pagbabayad na maaaring abutin ng 20 hanggang 30 years sa kabuuan. Mangangahulugan ito ng karagdagang siguradong pagkukunan ng pera sa mahabang panahon. Binabayaran ito sa minimum na halaga taun-taon.
Mga Halimbawa ng Regulasyon Mula sa Nevada Gaming Control Board:
- Ang periodic payment ay para sa napanalunang may halagang $100,000 o higit pa.
- Kung ang napanalunan ay nasa pagitan ng $100,000 at $200,000, kailangang makakuha ang nanalo ng hindi bababa sa $10,000 kada taon.
- Kapag ang napanalunan ay higit sa $200,000, ang taunang bayad ay hindi dapat bababa sa 5% ng kabuuang halaga.
Mga Sanhi ng Pagbaba ng Halaga ng Napanalunan sa Pagpili ng Annuity Method
Inflation – Nakakaapekto ito sa halaga ng pera katulad ng pangkaraniwang paglagay ng pera sa banko. Hindi nakakasabay ang maliit na tubo nito sa mabilis na pagtaas ng mga bilihin. Pagkalipas ng mga taon pagkatapos manalo hindi na pareho ang halaga ng pera pag nakuha ito.
Depreciation – Kung nasa winner na ang pera, maaari itong mailagay sa mga investment na makapagbibigay ng interes hindi katulad kapag nakatabi lang at natatalo ng inflation. Maraming mga investment na mapaglalagyan katulad na lang ng mga trading o mga VUL para sa mga low risk na investment.
Limitadong Pag-access sa Pera – Kapag hawak ng nanalo ang pera maaari niya itong mabadyet at maipambili ng mga pangangailangan, mga gustong bilhin ng hindi na kinakailangang maghintay ng matagal na panahon.
Konklusyon
Upang hindi maipit sa iisang pagpipilian, alamin muna ang mga kondisyon o alituntunin sa pagkubra ng napanalunan sa alinmang lalaruin nang sa gayon ay naiintindihan, tanggap,at walang panghihinayang sa huli kapag kukunin na ang Big Pokie Wins sa app ng Big Win Club.