Ano ang nga ba ang “Pokies” at paano makukuha ang Big Pokie wins?
Para sa mga hindi nakakaalam, ang “Pokies” o online slots ay popular sa mga pinakamagagandang online casinos pati na sa mga tradisyunal na establisyementong nasa Las Vegas at iba pang kilala at patok na destinasyon tuwing bakasyon. Ito ang mga lugar kung saan maaari kang manalo ng big Pokie wins.
Pero dahil sa mga makabagong pamamaraan ng paglalaro, tulad ng iba’t ibang uri ng online pokies, mas marami ng dapat alalahanin tulad ng mga bonus rounds, gameplay features at iba pang makakaagaw ng iyong pansin.
Marami ang nais makaalam kung paano manalo sa slots at kung paano mas mai-enjoy ang iconic na theme slot games na naging patok at kilala sa mga palabas at media. Sa kasamaang palad, walang siguradong sistema para dito. Ngunit, mayroon namang walong tips na maaaring makatulong upang makamit ang malaking panalo sa Pokies.
Play Higher Denominations o Tumaya ng Malaki
Ito ay hindi na masyadong pinag-iisipan pa dahil kung mas malaki ang iyong itataya, mas malaki rin syempre ang maaasahang balik kapag panalo ang resulta ng laro.
Ang ideya ng paglalaro na mayroong high denomination bets o malaking taya ay umiikot sa pag-maximize ng buong potensyal ng iyong pagkapanalo. Kung kaya mong tumaya ng mas malaki, itodo mo na. Mapababa man nito ang bilang ng iyong winning spins, kung ikaw naman ay suswertehin, siguradong malaki ang iyong makukuhang premyo.
Kung ikaw ay papipiliin sa dalawang opsyon sa pagtaya – dalawang $1 bets o isang $2 bet – piliin mo ang $2 bets. Simplehan lang natin: kapag mas malaki ang iyong itinaya, ganoon rin kalaki ang iyong pwedeng kitain.
Kung hindi pumapabor ang swerte habang naglalaro, maaaring mas mabilis maubos ang iyong pantaya. Kaya kung gusto mo nang mas mahabang laro, pwede namang magpalit ng diskarte – bumalik ka sa pagtaya ng mas maliit na halaga.
Tumaya ng Maximum
Karamihan, kung hindi man lahat ng mga Pokie games, ay umaaakit ang mga manlalaro sa pamamagitan ng pagpapakita ng naglalakihang maximum payouts o pinakamataas na premyo na maaari mong makuha.
Aba’y syempre naman! Ang ideya na makakuha ka ng maraming pera na maaaring makapagpabago ng iyong buhay sa isang spin lamang ay tunay na nakakaengganyo. Ngunit, kailangan mong isipin na ang nag-iisang paraan lamang upang makuha ang tinatawag na big pokie wins ay nangangahulugang itotodo mo rin ang iyong pusta.
Ito ay sa kadahilanang kahit pa ang mga spins na may mababang taya ay nasa parehong stake multiplier ng may mga malalaking pusta, malaki ang magiging agwat ng premyo kapag tumama ang mga naglalaro. Kaya kung ikaw ay naghahangad na makakuha ng malaking panalo, ang pinakamainam na paraan para sa iyo ay ang tumaya ng maximum na halagang kaya ng budget mo.
Mas Kumplikado ang Laro, Mas Mababa ang Tyansa Mong Manalo
Simple lang din ang basehan ng tip na ito. Ang mga kumplikadong multi-line pokies na mayroong bonus rounds at multipliers ay kadalasang mababa talagang magbigay ng tsansang manalo. Ito ay dahil mas marami itong features, ibig sabihin mas maraming simbolo at rolyo na nakakapagpababa ng tyansa mong manalo. Kung kaya asahan nang magiging pare-pareho lamang ang resultang makukuha – tulad ng maliit na premyo o libreng spin at bonus rounds.
Sa paglipas ng oras, ang mga maliliit na panalo mo ay maaaring maipon at lumaki rin. Ayon sa mga mas bihasa na sa laro, mas mainam ang tumaya sa mga simpleng slots. Isa sa mga halimbawa nito ay ang slots na may tatlong reels o rolyo at isahang linya o single-line bets lamang. Ang mga manlalaro o parokyano ng mga larong tulad nito ay dapat na alam na may kalamangan ang mga casinos sa mga larong may pinakamababang house edge.
Syempre, hindi ibig sabihin nito ay huwag ka nang maglaro sa mga kumplikadong pokies. Kapag natutunan mo kung paano ang tamang paglalaro ng mga tinatawag na multi-line slot machines, maaari ka pa ring makakuha ng mataas at disenteng premyo.
Lahat naman ng ito ay nakadepende kung saan mas komportable ang naglalaro. Nasa player ang pagdedesisyon kung mananatili siya sa mga slots na mas makapagbibigay sa kanya ng kasiyahan kahit pa mas mahirap ang panuntunan at may mababang tsansa ng pagkapanalo.
Subukan Muna ang Larong Nais Mong Laruin
May ilang mga online casinos na mayroong pokies na may libreng spins, makatutulong ito sa mga manlalarong katulad mo na naglalaro para maglibang lamang. Ito rin ay magandang pagkakataon upang masubukan ang laro at maaral ang estratehiya kung paano ka mananalo habang naglalaro ng pokies bago ka pa man tumaya gamit ang totoong pera.
Kung ikaw ay hindi pa sigurado o kung gusto mo pang mas matutunan ang bonus features ng slot na iyong lalaruin, mainam na subukan mo muna ang laro ng makailang beses na hindi tumataya ng totoong pera.
Maaari mong maranasan ang pakiramdam kung paano gumagana ang laro at mapagdedesisyunan mo kung gusto mo ba ito o hindi. Kapag ikaw ay tapos na sa pagsubok ng laro, maaari ka nang maglaro at tumaya gamit ang totoong pera – o kung hindi mo naman nagustuhan ang laro ay pwede kang sumubok ulit ng iba.
Iwasan Mong Isipin ang “Due” Payouts
Ang resulta ng pokies ay walang katiyakan. Ang mga online pokies ay gumagana gamit ang mga tinatawag na Random Number Generators (RNG). Ang ibig sabihin nito ay wala talagang hot or cold streak na tinatawag. Babalik sa umpisa ang tsansa mong manalo sa bawat spin. Mahalagang tandaan at maintindihan ito kapag naglalaro ng pokies.
Huwag mong isipin na makakakuha ka na ng big pokie wins dahil wala kang nakuhang premyo sa mga nakaraan mong laro. Marami sa mga manlalaro o parokyano ang maingat sa mga paglalaro sa pisikal na mga casino dahil sa mga “lurkers”. Bagamat ang kanilang sistema ay “fullproof” o garantisadong nakapagbibigay panalo, maaari ka pa ring makaramdam ng pagkabalisa. Sa kabutihang palad, hindi ito isang bagay na dapat mong problemahin kapag pinili mong maglaro sa mga online casino.
Meron Talagang mga “Tight Machines”
Ang mga slot machines ay maaaring maging “loose” o “tight”. Ang mga “loose” slots ay may mas mataas na tsansang ibinibigay na manalo ng malaki at maging mas madalas ang panalo. Samantalang ang mga “tight” pokies naman ay may mas mataas na tyansa na magbigay ng mas mababang panalo. Ang mga pokies ay naka-program na maglabas ng “fixed value” ng kung ano man ang makukuha mula sa mga mananaya. Ang mga loose machines ay naka-program na magbigay ng mas malaki, habang ang mga tight machines naman ay naka-program na magbigay ng mas maliit na premyo.
Mabuti na lamang at hindi ito isang bagay na nangyayari sa mga lehitimong online casinos. Ang lahat ng mga larong slots dito ay mahigpit at subok na bago pa man ilagay sa mga apps upang masigurado na ito ay walang daya. Katulad nang nabanggit, ang mga resulta dito ay nagmumula sa Random Number Generator (RNG), at ang maaaring makuha o mapala ng mga players mula sa laro ay makikita sa mismong interface nito.
Maglaro Gamit ang Barya Bilang Taya
Isang magandang paraan upang magkaroon ka ng mas maayos na kontrol sa iyong taya ay ang paggamit ng barya bilang pampusta. Maaari nating gamitin na halimbawa ang slots na may 20 paylines. Kung gagamit ka ng 100 coins na binubuo ng $0.01, maaari mong ma-activate ang lahat ng paylines na may multiple na $0.05 pusta at gagastos ka lamang ng $1.
Sa ganitong paraan, mapapakinabangan mo nang lubos ang halaga ng iyong pera, hindi tulad kapag ikaw ay tataya ng $1 sa single payline. Ito ay isang tipikal na estratehiya sa paglalaro sa mga slot machines. Hindi lamang ito nakakadagdag sa tsansa mong manalo sa bawat spin, dumadagdag pa ito sa pagkaktaong makakuha ng mas malaking premyo dahil pwede mong makuha ang lahat ng panalo sa 20 paylines sa iisang spin lamang.
Magdesisyon Kung Kailan Hihinto
Ang slots, katulad ng iba pang mga laro, ay dapat na magdulot ng saya. Dapat alam mo ang iyong limitasyon at maglaro nang naaayon dito. Alamin din kung magkano lamang ang kaya mong itaya at hanggang saan lamang ang kaya mong maipatalo. Dapat ay may alam kang standard na tip o trick kung paano maglaro ng pokie machines, multi-line at iba pa.
Huwag kang maglalaro para habulin ang iyong mga naipatalo na o para makabawi lang. Dahil maaari lamang itong maging sanhi ng mas malaking pagkatalo. Kung ikaw ay nanalo na – kahit ilang panalo lamang – magtakda ng “goal” at kapag ito’y naabot mo na pwede ka nang huminto.
Matutong huminto sa oras na napansin mo nang hindi ka na nasisiyahan sa iyong paglalaro. Lahat ng lehitimong online casinos ay may mga hakbang sa responsableng pagsusugal kaya magtakda lang ng oras at taya sa paglalaro upang mapanatili ang kontrol sa iyong sarili.
Ngayong alam mo na kung ano ang mga dapat na gawin upang makapaglaro at magsaya sa pokies, siguro ay nakakita ka na rin ang pinakamagandang paraan ng paglalaro ng pokies na mas bagay sa iyo.
Sa dinami-dami ng uri ng online slot games na maaari mong laruin, siguradong mayroong isang online slots game ang para sa iyo. Kaya ano pang inaantay mo? Simulan mo nang humanap ng pokie game sa Big Win Club app at makamit ang big pokie wins na minimithi mo!