May Tamang Oras Ba ang Pagtama ng Big Slot Wins 2021?
May mekanismo ba o programa ang slots para makapagpataas ng pagkakataong makuha ang Big Slots Wins 2021? Mas malaki ba ang napapanalunan kapag gabi o kaya ay sa hapon naglaro nito? Ang paniniwalang may oras kung kailan mas maraming binibigay na panalo ang isang slots ay isang haka-haka lamang.
Ang mga slot machines ay walang sinusunod na oras. May ilang patunay na ang paniniwalang may tamang oras para sa mas malalaking payout ng slots ay sabi-sabi lamang at walang batayan. Ngunit saan nga ba nagmula ang haka-hakang mas maraming tumatama sa slots kapag gabi, umaga o hapon? Marahil ay may mga naging pagkumpirma ang mga nagpapatakbo ng casino tungkol dito.
Kung ang isang tao na may ganitong paniniwala ay madagdagan pa ng istorya mula sa iba pang tao na naniniwala rin dito, mas lalong masusuportahan ang kanyang bilib dito. Hindi na sila makikinig sa mga sasabihin ng iba na sumasalungat sa paniniwalang ito.
Isang halimbawa nito: Si Billy ay regular na bumibisita sa casino kada Biyernes at naglalaro ng kanyang paboritong game. Nabasa niya sa internet na ang Double Jackpot ng Bally Technology ay maluwag tuwing simula ng linggo. Pagkatapos ng ikasampung pagpunta sa casino at makaubos ng $500,000 total wagers sa dalawang buwan, sa wakas ay nanalo siya ng $200,000 payout sa gabing iyon! Nang dahil sa swerte ng gabing iyon, nakiisa na si Billy sa mga naniniwala na ang Double Jackpot ay nagpapanalo kapag Biyernes. Hindi na niya naalala ang mga pagkatalo niya nang ilang nakaraang Biyernes ng gabi. Panghahawakan na niya ang paniniwalang mas malaki ang tyansang maka-payout kapag Biyernes at magpapatuloy sa paglalaro sa parehong araw at oras.
Kapag may naghanap ng kasagutan mula sa Internet, mahahanap nila ang mga players na magsasabing ang Double Jackpot ay tumatama kapag Biyernes. Madadagdag si Billy sa mga buhay na patotoo at mas magiging kapani-paniwala ito para sa nakakarami. Sa kasamaang palad, walang specific na oras kung kailan talaga magpapatama ang mga slots.
Paano Ginagamit ng Slots ang Oras Para sa Pagkuha ng Panalo?
Ang slots ay hindi nagta-track ng oras pero may mga games na gumagamit ng oras para sa pagpapalabas ng resulta. Lahat ng digital slots ay gumagamit ng random number generator (RNG) upang malaman kung ang susunod na spin ay mananalo o hindi. Kung ito ay mananalo, may sistemang sinusunod ang slot para malaman ang uri ng payout na makukuha kada spin.
Karaniwan magbibigay ang sistemang RNG ng isa sa libu-libong posibleng resulta, katulad ng 1-6 ng six-sided dice. Subalit ang regular na RNG ay maaaring hulaan kung kaya ang maraming manlalaro ay naghahanap ng pattern upang magkaroon ng mas malaking tyansang manalo. Dito pumapasok ang PRNG.
Ang PRNG system ay gumagamit ng kumplikadong mathematical formula upang makalikha ng mahirap hulaang resulta. Ang resultang ito ay katulad ng makukuhang resulta sa pag-roll ng dice o coin. Ang kulang sa algorithm ng RNG ay entropy, isang real-world factor na malaki ang impluwensya sa resulta. Sa totoong buhay, ang entropy ay ang kagaspangan ng dice o room temperature.
Upang maiugnay ang real-world entropy sa resulta, ang PRNG ay gumagamit ng seed o key-value mula sa isang source na naaapektuhan ng maraming bagay. Ang seeds o key-value ay ang source ng slot result at nagtataglay ng maraming numero kapag pumasok na ito sa complex math equation ng sistema. Importanteng tandaan na ang isang seed ay maaaring magkaroon ng resultang higit sa isa na magsasabi kung panalo o talo.
Binobola sa sistema ng PRNG ang seed mula sa state ng hardware kung saan ito tumatakbo. Isa sa mga source nito ay ang system clock at ang iba naman ay nakukuha mula sa numerong nasa keyboard strokes. Para sa seguridad, walang software provider ang magsasabi kung paano nagagawa ng games ang kanilang seed.
May Specific Na Oras Ba ang Pag-Spin ng Reels?
Katulad ng nabanggit tungkol sa paggamit ng oras ng slots para sa pagbibigay ng resulta, ang orasan nito ay simpleng tumatakbo lamang kasama ng hardware. Hindi ito nangangahulugang may favorable seed na lilitaw sa specific na oras ng isang araw. Ginagamit ng PRNG ang “state” ng clock kasama na rito ang signal at LED output.
Kapag naglalaro ng game na gumagamit ng system clock para sa seed ng specific na oras, mas malamang na makakuha ng magkakaibang seed kahit na lagi itong ii-spin sa parehong oras. Kahit na makakuha pa ng parehong seed para sa bawat spin, makakaasa pa rin na maraming numero ang lalabas sa resulta nito.
Walang masasabing tiyak na oras kung kailan mas malaki ang tyansa ng player na makakuha ng malaking payout o kahit ng Big Slot Wins 2021. Marami nang sumubok na ma-crack ang PRNG sa pamamagitan ng modified software na magre-reverse sa pagkakabuo ng system na ito. May mga software pa ngang pwedeng mai-install sa phone para masabi ang tamang oras para maglaro ng slot machines at makakuha ng favorable seeds.
Kaya lang ang mga susubok umatake sa PRNG system ay malamang na magkaproblema sa casino security. Kayang makita ng casino surveillance at security AI system kung may tangkang mag-crack ng slot base sa halaga ng bet at sa pag-antala ng pag-spin ng reels.
Ituon na lamang ang atensyon sa mga positibong bagay. Ang pagkakataong manalo ay pareho lang kahit anong oras pa sa isang araw maglaro. Pareho ang tyansang makapag-uwi ng progressive slots fortune maging 10:00 am man o 10:00 pm. Magbibigay ito ng kalayaan anong oras man gustuhing maglaro.
Mga Karagdagang Tips sa Paglalaro ng Slots
Maraming tao ang ayaw pumunta ng casino sa mga oras na puno ito ng mga naglalaro. Hindi lang dahil masikip kundi minsan ay hindi rin nila malaro ang paboritong slots dahil madalas na okupado ito. Nauunang mapuno ang mga popular na slots katulad ng progressive jackpots, skill-based mini-games, interesting win clips, at ang mga high RTP games.
Weekdays ng umaga at hapon ang pinakamagandang oras para maglaro upang maiwasan ang maraming tao. Halos palaging puno ang mga casino tuwing Biyernes ng gabi at lalo na kapag weekends. Iwasan din ang kinsenas at katapusan. Ang mga sumusweldo ng ganitong petsa ay kadalasang pumupunta para maglaro ng paboritong slots pagkatapos makuha ang sweldo.
Huwag palalampasin ang kahit anong free sa laro, lalo na ang slot free spins at bonuses. Karamihan sa mga casino ay may offer na free spins kapag nagdeposit sa takdang araw. Isang halimbawa nito ay ang Bit Starz Free Spins Wednesday na kailangang magdeposit ng hindi bababa sa $30 tuwing araw ng Miyerkules upang magkaroon ang players ng libreng 20 spins. Kapag mas malaki ang ginawang deposit – halimbawa ay $80, mabibigyan ang manlalaro ng 80 spins at kapag $160 naman ay mayroong 200 spins.
Konklusyon
Walang tiyak na oras kung kailan makakakuha ng Big Slot Wins 2021. Lahat ng panalo ay nakasalalay sa swerte, RNG at PRNG. Sa paglalaro ng slots, mas makakabuting i-enjoy na lamang ito at huwag nang pakaisipin kuna pano maiisahan ang mga slot machine. Sasakit lamang ang ulo mo sa tensyon. Gamit ang inilaang badyet, sulitin ang oras sa Big Win slots para maging kawili-wili ang oras ng paglalaro.
Maaaring subukan din ang online casino na Big Win Club App maging Big Slot Wins 2021. May iba’t ibang mga larong maaaring pagpilian na talagang nakakalibang. Kapag sawa nang magpunta sa mga land-based casino, o laging natatapat na puno ang mga ito at hindi malaro ang paborito mong slots, mag-install lang ng app na ito. Hindi mo na kailangang maghintay na mabakante ang slots bago ka makapaglaro.