Ano ba ang Big Win Domino Island Game?
Ang Domino Island higgs game ay nag-umpisang maging popular sa mga manlalaro noong taong 2020. Bawat araw ay parami ng parami ang mga nahuhumaling sa larong ito. Ang Play Store ay isa sa mga popular na mobile application kung saan ay pwede kang makapag-downloadd ng iba pang apps na gusto mo at isa na rito ang Big Win Domino Island. Ito ay may naitalang halos 10 milyong downloads at nakakamanghang napabilang din ito sa hanay ng 10 popular version sa Play Store. Hindi na nakakapagtaka na maraming mga manlalaro ang nahikayat na subukan ito. Kapag napukaw nga naman ang interest ng tao sa isang bagay, patuloy na itong nagiging habit o kinahuhumalingan. Ang masama nito ay kapag tuluyan na itong nauwi sa addiction dahil nakagawian na.
Natural na sa mga taong nagsusugal na magkaroon ng interest sa mga ganitong apps. Sa una ay susubukan at pag-aaralan muna nila kung paano ang mechanics ng laro at kapag nakuha na ang tamang paraan ay doon na nag-uumpisang mahumaling nang tuluyan sa isang laro. Sa larong Big Win Domino, maaari mong mapataas ang halaga ng RP. Kung ang halaga ng RP mo ay umabot na ng 10,000, pwede na itong ipagpalit sa prepaid pulses – 10,000 din ang katumbas kahit na ito ay prepaid credit para sa Telkomsel, XL, Axis at Indosat.
Karanasan sa Paglalaro ng Higgs Domino Island Game
Ang Domino Island higgs game ay hindi lang simpleng paglalaro ng domino, marami pang iba’t ibang laro sa app na ito. Ang pinakasikat at kilalang laro rito ay ang slot game. Ilan dito ay ang Duo Fu Duo Cai, Rezeki Nomplok, 5 Dragons at Fafafa.
Nitong nakaraan lamang sa lugar ng alms capital ay sinubukan itong laruin ng isang manlalaro. Ang player na ito ay nakakuha ng chips na humigit-kumulang sa 35 milyon. Pagkatapos ay lumipat siya ng sa slot table para sa Mega slot duo Fu cai. Sa isang iglap lamang, ang 35 milyong chips ay lumobo nang mahigit sa 500 milyon. Sa huli ay tumaas ang bet ng 13.5 para sa isang spin.
Hindi nagtagal ay nanalo ang player ng napakalaking premyo na umabot ng 9 bilyon. Dahil sa sunud-sunod na panalo ay napasarap ang kanyang paglalaro mula 9 a.m. hanggang 8 p.m.
Marami siyang naipagbiling chips na nagkakahalaga ng 1 bilyon sa kanyang kaibigan. Ngunit sana ay nagawa na niyang ibinenta ang lahat ng chips noong nasa 9 bilyon pa ito. Dahil sa panghihinayang, tuluyan nang nilamon ng Domino Island higgs game ang manlalaro. Nang sumunod na araw naman ay sinubukan ng niyang bumili ng chips sa kanyang kaibigan. Sa loob lamang ng isang linggo ay nagkaroon na siya ng RP 1.5 milyon. Nakakalungkot man isipin pero hindi na naulit pa ang kanyang karanasan na magkaroon ng 9 na bilyong panalo. Ngayon, ang pagkahumaling niya sa Bg Win Domino ay unti-unti nang nababawasan at tuluyan na niyang hininto ang pagbili ng mga chips.
Tips Para Huminto na Sa Paglalaro ng Higgs Domino Island:
1. Alisin o i-uninstall ang Higgs Domino Island Game
Ito ang unang hakbang kung gusto mo na talagang mahinto ang paglalaro sa game na ito. Alisin na ito nang tuluyan sa iyong mobile phone. Kadalasan sa mga taong sumusubok na huminto ay ida-download lang din ulit ang app. Kung gayon, subukan mo na lang na huwag munang bumili ng chips – legit man o hindi ang panggagalingan nito.
2. Itigil ang Paghahanap ng Impormasyon Tungkol sa Higgs Domino Island game
Huwag maghahanap ng anumang impormasyon tungkol sa Big Win Domino Island game sapagkat hihikayatin ka lamang at pupukawin ang iyong interest na bumalik sa paglalaro. Dapat ay mag-unsubscribe ka na sa Youtube channels na ang mga content na nakapaloob ay patungkol sa Duo Fu Duo Cai, Rezeki Nomplok, 5 Dragons and Fafafa. Sa ganitong paraan ay maiiwasan mong mag-isip na bumalik ulit sa iyong dating hilig sa paglalaro. Mainam na disiplinahin at kontrolin mo ang iyong sarili kung nais mo nang makawala sa kaadikan sa larong ito. Ganoon din sa iba pang social media platforms tulad ng Facebook. Kung laging napag-uusapan sa group ang tungkol dito, mas mainam nang umalis ka na lang sa group chat o GC.
3. I-block ang mga Kaibigan na Naglalaro rin ng Domino Island
Wala naman masama kung i-block mo muna ang iyong mga kaibigan na kapwa manlalaro rin nito. Kung gusto mo na mawala nang tuluyan sa iyong isipan ang laro, mas makabubuting ikaw na ang lumayo sa tukso. Kapag nakita mo na ang ilan sa iyong mga kaibigan ay masayang naglalaro, baka makalimutan mo pa ang iyong layunin na mahinto na ang kagustuhang maglaro nito. I-block mo ang lahat ng mga kakilalang naglalaro nito sa iyong mga social media accounts tulad ng Facebook, WhatsApp, Instagram at iba pa.
4. Huwag Muna Sasama sa mga Manlalaro ng Higgs Domino
Iwasan mo muna ang pakikipag-hangout sa mga kapwa players ng Domino Island higgs game. Hindi mo naman tatapusin ang relasyon ninyo bilang magkakaibigan. Kailangan mo lang tulungan ang iyong sarili na huwag nang bumalik sa paglalaro nito. Kapag tuluyan ka nang naging normal at wala na ang adiksyon para sa laro, maaari mo na ulit silang makasama at kausapin. Kapag napagdaanan mo na ang mga ito, hindi ka na dapat apektado kahit pa pag-usapan nila sa harapan mo ang tungkol sa laro.
Ito ang ilan lamang sa mga tips na maaaring makatulong sa iyong makaiwas sa adiksyon sa Big Win Domino Island game. Hindi masamang sumubok, huwag lamang masosobrahan. Magiging epektibo lamang ang pag-iwas mo sa laro kung ikaw ay may matinding disiplina sa sarili. Laging tatandaan na walang umunlad sa patsamba-tsamba lang!
Ang Domino Island ay isang larong Indonesian, kaya’t maaaring hindi ito nababagay sa mga Pilipino. Kung nais mong subukan, i-download ang Big Win Club sa halip upang magsaya!