Ano nga ba ang BigWin Golf?
Naitanong mo rin ba kung ano itong sumisikat na BigWin Golf? Nakakaintriga at mapapaisip ka talaga kung magiging big winner ka ba dito o mabubudol ka lang. Sa dami ng mga maaaring i-download na laro at apps sa mga smartphones, nakakalito talaga kung alin ba ang magandang gamitin.
Ang Big Win Golf ay isang app na maaring laruin gamit ang iyong smartphone. Maari lamang itong malaro sa mga Apple devices tulad ng iPad o iPhone. Dito sa Big Win Golf ay kailangang gumamit ng totoong pera upang makapaglaro.
Kung mahilig kang mag-golf, siguradong makakahiligan mo ang BigWin Golf dahil makikita at mararamdaman mo na para kang naglalaro ng minigolf habang gamit ang app. Ito na ang maituturing na pinakamalapit sa tunay na golf sa larangan ng online games.
Mayroon itong Play Skillz Multiplayer Tournaments na malalaro mo laban sa iba pang mga naglalaro din nito. May 100 unique holes na may iba’t ibang levels – mula sa madali hanggang sa pinakamahirap. Napakaganda ng makikitang naka-3D na kapaligiran habang ikaw ay naglalaro. At pwede ring magpatugtog ng mga paboritong musika habang naglalaro ng Big Win Golf.
Paano Kikita sa Big Win Golf?
Sa paglalaro ng Big Win Golf, maaaring makakolekta ng tikets na pwede mong maipalit sa pera, kotse o iba pang magagandang papremyo.
Para sa mga malakihang paligsahan, mayroong 1 Hole Shootouts, 3 Hole Matchups, at Minigolf Stars na susubok sa kakayanan ng mga naglalaro nito. Sa weekly leaderboard makikita kung sino ang magwawagi at magkakamit ng trophy at mga papremyo.
Kahit simple lamang ang laro, kailangang pag-aralang mabuti ang mga galaw dahil madaming praktis muna ang pagdadaanan bago maging mahusay sa larong ito. Kailangang matutunan ang putt courses at ang makabagong 3-star scorecard. Walang mga patakaran, mga clubs at whips na pinahihintulutan sa BigWin Golf.
Ang Big Win Golf sa Pananaw ng Nakararami
Maganda sana ang Big Win Golf, kaya lang ay kailangang ayusin ang mga glitches at hacks dito.
Kakaunti lang ang pagpipilian na mga manlalaro sa Big Win Golf. Medyo may kabagalan ito at nangangailangan pa ng pagbabago. May mga buggy holes na nagiging sanhi ng pagka-stuck ng bola na hindi mo magugustuhan lalo na’t gumagastos ka para makapaglaro.
Hindi rin makukuha ang mga trophies at rewards na napanalunan. Kahit makipag-ugnayan pa sa support team ay wala ring mangyayari. Walang solusyon ang isyung ito sa ngayon. Makikita lamang ang napanalunang premyo pero hindi naman mapapasaiyo. Para lang pinaramdam sa iyo ang pagkapanalo, tapos wala rin, dahil sa kunwaring premyo. Maganda sana at nakawiwili ang laro kung makokolekta at mahahawakan mo ang mga napanalunan.
Wala ng updates ang larong Big WinGolf dahil hindi na konektado ang dating may-ari nito – ang Game Mansons – sa Skillz. Iminumungkahi ng support team nila na subukan na lamang ang ibang laro, sabay hingi ng paumanhin sa kanilang pagkukulang.
Konklusyon
Masasabing ang Big Win Golf ay hindi naging matagumpay sa larangan ng online game apps. Maganda sana ang ideya at ang konsepto ng laro. Nagustuhan naman ito ng maraming nakasubok na, subalit hindi nagawang maiayos ang laro sa pangkalahatan. Kaya nagkaroon ang mga players nito ng mga hindi magandang karanasan, na naging dahilan kaya hindi na nagpatuloy pang maglaro.
Mahalaga ang bilis ng pag-load ng isang app para sa maayos na paglalaro. Importante din ang graphics, mga button, at pangkalahatang itsura ng app para mawili ang mga manlalaro. Mahalaga rin na madaling maintindihan at matutuhan kung paano ito malalaro. Sa kaso ng BigWin Golf ay hindi naisaalang-alang ang mga bagay na ito.
Sa mga apps na ginagamitan ng totoong pera, pinakamahalaga na maayos ang proseso kung paano makukuha ang mga premyo o rewards na napanalunan ng naglaro nito. Maganda kung may mga options na madali para sa mga tao. Sa panahon ngayong online na ang halos lahat ng bagay, dapat maging madali na lang ang pagkuha ng mga premyo. Nandyan ang online banking services, money transfer platforms at mas pinadaling paraan para makapaglipat ng pera o anumang rewards. Maaari naman itong lagyan ng mga alituntunin o mga safety measures upang makaiwas pa rin sa mga cyber hackers at online phishing. Dahil kung walang paraan para makuha ito, magsisilbing isang malaking scam o “budol” lang ang laro. Nagbayad lang para maglaro at hindi naman talaga pwedeng kumita, kahit na magkano, dahil walang paraan para makuha mo ang anumang napanalunan dito.
Sa kabilang banda, maari din namang may mga hindi sinasadyang pangyayari na naging dahilan upang hindi na ituloy ang pamamalakad ng isang app. Katulad ng sa Big Win Golf, maaaring ang isa sa naging dahilan ng hindi pagpapatuloy ng pagsasaayos ng app ay ang pagkakahiwalay ng dalawang magkasosyong kumpanya. Subalit, kung hindi na maaaring ituloy, mas maiging tinanggal na lang sana ito sa sirkulasyon upang hindi na nagamit pa ng mga taong naengganyo at nakasanayan na itong laruin.
Kaya kung may mga bagong apps na nakikita at nahikayat kang subukan, pag-aralan muna itong mabuti. Tiyakin na magsagawa ng ibayong pagsasaliksik sa kung ano ba talaga ito. Sino ang gumawa? Paano ito nilalaro? Marami na bang nakasubok? Basahin ang mga ratings at reviews ng mga nakasubok na nito. Lalo na kung ito ay kailangang gamitan ng totoong pera para makapaglaro. Mas maigi kung may free version upang masubukan mong laruin – para makita muna at malaman mo rin kung totoo ang mga nababasa mo tungkol dito. At higit sa lahat, malalaman din kung makakatulong ba ito sa iyo o maiinis ka lang at mapapagastos nang walang katuturan.
Para sa akin, pagkatapos ng mga nabasa at napagnilay-nilay ko, masasabi kong hindi ka talaga kikita sa BigWin Golf. Talagang magbabayad ka lang para magkapaglaro. Hindi naman ito matatawag na scam o budol dahil wala naman pinapangakong kikita ang mga maglalaro sa paglalarawan at impormasyon tungkol sa app na ito. Mas mabuti na maghanap na lang ng ibang lalaruing app kung ang hanap talaga ay kumita habang naglalaro.
Kung ikaw ay isang malaking tagahanga ng mga laro ng puwang, mag-download at subukan ang Big Win Club! ito ay isang mahusay na pagpipilian para sa parehong mga laro ng casino at tradisyonal na mga laro sa card.