Pagdaanan daan-daang levels ng laro na mayroong iba’t ibang level of difficulty. Ito ay isang mobile game na ginawa para sa mga bata at matatanda, mga kaswal na user at mga may karanasan na manlalaro. Ang larong ito ay crossover ng sudoku, flow, mga crossword puzzle, at pantone na pinagsama-sama upang mabuo ito.
Ang Larong Blendoku
Ang Blendoku ay isang mobile puzzle game mula sa Lonely Few. Ito ay simple at isang intuitive na laro. Madali din itong makilala dahil sa pagkakahawig nito sa larong sudoku.
Ang Blendoku ay isang natatanging larong palaisipan. Ang laro ay tungkol sa lahat ng kumbinasyon ng kulay. Mayroong halos 475 levels ang laro na iba’t iba ang level of difficulty. Sa larong ito, maaring hamunin ang iyong mga kaibigan online na makakuha ng mas mataas na score. Bukod pa riyan, maraming mga makukuhang achievements dito katulad ng mga badge na naghihintay sa mga manlalarong makakakumpleto ng bawat level. Ang nakakaadik at nakakahumaling na larong ito ay may napakasimpleng controls kaya napakaswabe ng paglalaro.
Dito ay kailangan mong bumuo ng karaniwang diskarte sa kulay upang magtagumpay. Ito ay isa talagang mapanghamong laro para sa lahat ng tao, anuman ang edad. Siguradong kahit sino ay madali lamang matututo at makakabisado ang laro.
Ang Layunin ng Laro
Ang layunin ng larong ito ay ibalik ang kaayusan sa isang bahagi ng grid na walang laman. Sa halip na mga numero ang gamit katulad ng larong sudoku, dito ay maglalaro gamit ang mga may kulay na blocks, tina-tap ito at pagkatapos ay inilalagay sa grid upang ang mga shade ay maayos na magkakasunod mula sa pinakamapusyaw hanggang sa pinakamatingkad na mga kulay. Ito na yata ang isa sa mga pinakasimpleng puzzle game na malalaro ninyo. Kayang-kaya naman ang pag-aayos ng mga kulay, hindi ba?
Habang ang larong sudoku ay nangangailangan ng logic at pagtitiyaga, ang Blendoku naman ay nangangailangan ng visual harmony at marahil ng kaunting pagsasanay sa color theory. Samantala, walang konkretong gabay sa paglutas ng mga levels maliban sa “gut feel” na ang mga bagay ay hindi masyadong maayos ang pagkakasunod-sunod. Hindi rin makakatulong ang logic sa pagkakataong ito.
Sa mahigit na 400 puzzles na kailangang matapos, mula sa napakasimple hanggang sa pinakamahirap na mga levels, tiyak na umaapaw sa hamon ang larong ito.
Ang mga Features ng Laro
Ang laro ay mayroong mga aspeto ng halos lahat ng mga tampok na maaaring magustuhan ng mga manlalaro sa isang larong puzzle. Ilan sa mga ito ay ang konsepto na madaling maunawaan ngunit mahirap na makabisado, may iba’t ibang yugto katulad ng ibang laro, mga gantimpala para sa tagumpay at kaunting parusa para sa pagkatalo, at mga update para sa pagpapanatili ng mga bagong content ng laro. Ang four-word na konsepto nito bukod sa simple, ay masasabing mahusay din. Narito ang mga tampok ng laro:
-
- 475 na mga libreng levels
- Iba’t ibang levels ng difficulty
- Paghahambing sa mga manlalaro sa iba’t ibang bahagi ng mundo
- Mga badge para sa mga perfectionist
- Simple, intuitive na mga kontrol sa paglalaro
- Nakakahumaling na gameplay
- Espesyal na taktika ng mga kulay
- Mayroong nakatago na “Negative Mode” na nagpapataas ng kabuuang levels na higit pa sa 900.
- Automatic na naise-save ang progress sa laro.
- Masusuri ang score at maikukumpara sa globe leaderboard.
- Mayroong 150+ na easy level package.
- Mayroong 150+ na medium level package.
Ang Difficulty Levels ng Laro
Ang Blendoku ay isang magandang refresher course sa mga color principles na natutunan mula pa sa grade school. Ang laro ay may kasamang 4 na difficulty levels na mas nagpapataas sa porsyento ng hamon. Ang apat na levels na ito ay ang – simple, medium, hard at master level. Ang simple ay may nakapaloob na 150 levels. Dito ay madali mo lang malalampasan ang mga pagsubok at hindi ka gaanong mai-stress. Ang medium naman ay may 150 levels kung saan ay medyo unti-unti nang lumalabas ang hamon, ngunit ito ay kakayanin pa rin naman. Ang hard naman ay mayroon nang mahihirap na mga hamon na maaaring mangailangan ng ekstrang oras at pasensya. Ito naman ay may 100 levels. At ang panghuli ay tinawag na master level dahil ito ang pinakamahirap sa lahat. Dito talaga masusubok ang iyong kagalingan sa mga kulay at muli ay kakailanganin mong tandaan ang iyong mga natutunan sa color wheel na magbibigay sa iyo ng kalamangan. Dagdag pa rito, ito ay mayroong 75 levels na dapat mong tapusin.
Tandaan na ang hanay ng mga kulay sa electromagnetic spectrum ay ang mga sumusunod – pula, orange, dilaw, berde, asul at violet. Ang 3 light primary colors naman ay kulay pula, berde, at asul. Ang kulay na cyan ay nagko-compliment sa pula, ang magenta naman ay nagko-compliment sa green, at ang yellow ay nagko-compliment sa blue. Ito ay ilan lamang sa mga color principles na dapat tandaan kapag naglalaro. Sa kabilang banda, maaari mo ring gamitin ang mga Q&A references at cheats ng larong ito upang magsilbing tulong at makumpleto ang mga levels.
Ang Blendoku 2
Sa Part 2 ng larong ito, pareho lang ang mga mechanics mula sa naunang bersyon Nagkaiba lang sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga bagong uri ng puzzle, multiplayer na ito ngayon, may bagong painting mode at kakayahang mag-zoom in at mag-zoom out, naiba rin ang mga tema, may isang bagong sistema ng pag-unlock, at marami pang iba. Ang laro ay batay sa mga color principles at pagsasanay sa sining na itinuturo sa mga paaralan. Maglaro sa libreng daan-daang levels na may pangmalakasang mga hamon. Ang laro ay perpekto para sa mga bata at matatanda, mga kaswal na manlalaro at mga mas may karanasan nang manlalaro.
Konklusyon
Ang Blendoku ay isang puzzle mobile game na hahamon sa iyong kakayahang makilala at ayusin ang mga kulay. Dito, ginagamit mo ang iyong visual skills at isip nang higit pa kaysa sa paglutas ng mga number puzzles. Hindi tulad ng ibang mga larong makulay, dito ay tunay na gumagamit ng mga kulay, at kung paano ito nakikita upang makagawa o makabuo ng panibagong kulay. Ito ay isang mapanghamon at kapaki-pakinabang na karanasan sa paglalaro ng puzzle. Kung gusto mo naman ng iba pang klase ng laro, maari mong i-download at subukan ang Big Win Club app para ma-enjoy ang iba’t ibang laro sa pagsusugal.