Ano ang Brawl Stars Coloring Game?
Ang Brawl Stars Coloring Game ay hango sa larong ‘Brawl Stars’. Ang Brawl Stars ay isang online multiplayer battle arena at hero shooter video game na binuo at ipinakilala ng Finnish video game company na Supercell. Ito ay ini-release noong ika-12 ng Disyembre 2018 para sa iOS at Android devices.
Ang Brawl Stars Coloring ay ginawa para sa mga tagasubaybay ng Brawl Stars ngunit pwede rin naman itong laruin ng mga mahilig lamang magkulay. Ang larong ito ay simple at nakapadali kung saan maaari mong pintahan ang iyong paborito o napiling Brawl Stars heroes nang naaayon sa dapat na kulay ng skin nito.
Brawl Stars Coloring: Walkthrough
Ang Brawl Stars Coloring ay puno ng mga black and white na Brawl Stars heroes. Para laruin ito, kailangan mo lamang i-zoom at i-tap ang mga pangkulay. Gagamitin mo ang mga numero sa bawat parte ng hero upang piliin ang nararapat na kulay nito. Ang mga kulay ay makikita sa ilalim ng screen.
Kagaya ng ibang coloring game, ang Brawl Stars Coloring ay may mga iba’t ibang tools na pwede mong magamit kagaya ng brush, pambura, sticker, lapis at krayola. Maaari mong gamitin ang mga ito upang mas gumanda pa ang napili mong Brawl Star hero.
Mga Features ng Brawl Stars Coloring
Ang Brawl Stars Coloring ay binuo ni Anastasia Terekhina at libre itong mada-download sa iyong mobile phone. Ito ay magagamit sa Android at iOS na may file size na 122,187KB. Ang lahat ng larawan sa bawat pahina ng larong ito ay pinaghirapan at maayos na magagamit.
Pagsusuri at Rating ng Brawl Stars Coloring
Ang Brawl Stars Coloring ay kasalukuyang mayroong 4.3 out of 5 average rating na nasa Google Play Store. Ito ay base sa mga pagsusuri at ratings ng mahigit sa 50,035 na nagbigay ng kanilang marka para sa larong ito. Ang mga nagbigay ng 5 stars ay tunay na nasiyahan at nagandahan sa bawat Brawl Star hero “skin”. Meron din namang nagbigay ng 1 star dahil sa bug na naranasan nila sa paglalaro nito.
Sa App Store naman ay mayroon itong 4.5 out of 5 average rating. Ang rating ay base sa 99 na tao na nagbigay ng kanilang opinyon patungkol sa laro.
Narito ang mga piling feedback galing sa mga sumuri ng Brawl Stars Coloring sa Google Play Store:
Gustung-gusto ko ang larong ito! Iyan ang buod ng feedback mula sa isang manlalaro. Ayon sa kanya ay aliw na aliw siya sa tugtog nito at pati na sa mga bagong update ng Brawler Stars Heroes Skins. Kanya ring iminungkahi na sana ay maging automatic na rin ang paglipat ng kulay kapag tapos nang gamitin ito. Nagbigay pa siya ng hamon sa ibang manlalaro na i-beat ang kanyang bilis sa pagkukulay sa category ng mga armas.
Ayon naman sa isa, ang app na ito ay tunay ngang nakakamangha. Bibigyan niya raw sana ito ng 5 stars ngunit inirekomenda niya na sana ay magdagdag pa nang ibang kulay at texture sa laro. Dahil ang texture ay mas nakakapagbigay ng buhay sa mga Brawl Star Hero.
Minahal naman ng isang manlalaro ang larong ito dahil nare-relax daw siya tuwing ginagawa ito. Ayon sa kanya sa tuwing nakakatapos siya sa pagkulay ng isang brawl star hero, feeling niya ay pa-godlike na ang level niya. Ngunit 4 stars lang daw ang ibinigay niya dahil iminungkahi nito na lagyan ng pangalan ang bawat Brawl Star hero. Maaari daw makalito ang mga armas at skin ng mga ito.
Nagbigay naman ng mensahe sa mga creator at developer ang isang manlalaro kung saan nagpapasalamat siya sa paglalaan ng oras ng mga taong ito upang makabuo ng isang nakaka-relax at nakaeenganyong laro. Umaasa daw siya na magkaroon pa ito ng maraming updates dahil nakaranas din daw siya ng bug minsan habang naglalaro.
Mga Piling Review ng Brawl Stars Coloring sa App Store
Narito naman ang mga piling feedback galing sa mga sumuri ng Brawl Stars Coloring sa AppStore:
Napagandang app para sa mga brawler! Iyan ang buod ng isang komento sa larong ito. Sigurado daw na mahahasa ang likas na galing at mga natatagong talento sa pagguhit sa pamamagitan ng app na ito. Kahit hindi mo kilala ang mga Brawl Stars, matutuwa ka pa rin sa iyong nagawa pagkatapos mong kulayan ang mga larawan dito.
Mahal na mahal rin daw ito ng dalawang magkapatid na lalaki sapagkat hilig nila pareho ang pagguhit lalung-lalo na nitong paglabas ng mga cool na star brawlers. Mamamangha ka talaga sa resulta ng iyong ginawang pagkukulay.
Sobrang nagandahan rin daw sa laro ang isa pang bagito pa lamang sa paggamit nito. Kahit na hirap daw siya minsan sa pagbagay ng mga kulay ay natututo pa rin naman siya kaya mas minahal pa niya ang larong ito.
Konklusyon
Ang Brawl Stars Coloring Game ay isang nakakatuwang laro hindi lamang para sa mga fans ng Star Brawls at sa mga magagaling sa larangan ng sining. Ito ay para rin sa mga taong nais na matutong gumuhit o magpinta ng mga cool na larawan sa nakakatuwang paraan. Siguradong matutuwa at maaadik ka sa larong ito dahil mas lalabas ang likas mong galing sa sining. Madali ring hanapin ang larong ito dahil pwede nang ma-download at ma-install sa Android at Apple gadgets. Bukod pa riyan, ang rating para sa dalawang bersyon ay maaari itong laruin ng lahat, kahit ano pa ang edad. Siguradong hindi ka magsisisi sa pag-download sa larong ito dahil subok na ito ng mahigit na 5 milyon beses na paggamit, may 4.3 out of 5 average ratings galing sa mga nakagamit na sa Google Play Store, at positibong mga feedback at rekomendasyon. Mas mataas pa ang ratings na galing sa Appstore na nagtala ng 4.5 out of 5 stars.
Gusto mo ba ng mas exciting pang libangan? I-download ang Big Win Club app para sa mas marami pang laro online kasama ang mga totoong tao at may patas na kompetisyon na magbibigay sa iyo ng magandang pakiramdam.