Ang larong ito ay nagsimula pa noong Agosto 2019. Ang nasa likod ng makulay na kwento at nakakalibang na gameplay nito ay kinabibilangan ng isang pangkat na may limang miyembro. Ito ay sina Greg Lobanov, Madeline Berger, Alexis Dean-Jones, Lena Raine at Em Halberstadt. Mas pinili ni Lobanov na gumawa ng isang kickstarter na laro na kukuha ng atensyon ng madla. Bukod sa madaling gameplay ng laro, ang kwento nito ang tunay na nang-eenganyo sa mga manlalaro upang umabot sa dulo ng laro. Iniuugnay ng brush ang mechanics sa kwento, at vice versa.
Ang Chicory Game
Ang makulay na kwento ng Chicory Game ay tumatakbo sa isang video game na may tunay na dating o impact sa pakiramdam. Minsan lang din makatagpo ng larong nagagawang kumonek sa mga manlalaro nito sa pamamagitan ng emosyon. Ito ay nilikha ni Greg Lobanov, na kilala rin sa larong Wandersong. Itong laro mula sa Finji editor ay inilabas bilang isang bird’s-eye-view adventure game na mayroon ding RPG touches na mararanasan dahil sa kapangyarihan ng isang magic brush na may kakayahang magbigay ng kulay sa isang mundong nababalot ng itim at puti.
Ang Kwento ng Laro
Ang Chicory ay isang laro tungkol sa tanuki na sinuswerte sa isang mahiwagang brush na may kakayahang magpinta ng mundo gamit ang lahat ng uri ng mga kulay. Ngunit sa hindi inaasahang trahedya, ang lahat ng kulay sa mundo ay misteryosong nawala. Ang iyong karakter ang gagawa ng paraan para manumbalik ang kulay sa mundo. Kung sa simula ay inaakalang isa lang itong simpleng laro na mayroong kwento, sa kalaunan mapagtatanto na ito ay isang laro na may lalim at mas personal kaysa sa pagliligtas lamang sa mundo.
Sa unang pag-brush, ang Chicory ay parang tipikal na feel-good indie game. Mayroon itong cutesy art style at simpleng gameplay mechanics kung saan ginagamit lang ang isang brush para punan ng iba’t ibang kulay ang lahat ng blangkong espasyo sa mundo. Ngunit ang totoo, ang Chicory ay larong may mahusay na disenyo na maghuhubad ng defensive layers sa pagkatao ng mga manlalaro at mag-iiwan sa mga ito ng kanilang pinakamalalalim na insecurities at inaasahang mga bagay-bagay sa laro.
Mga Nakakaaliw na Gawin sa Laro
- I-explore ang Picnic Province at gumuhit ng kahit ano.
- Manipulahin ang kapaligiran gamit ang mga pintura at lutasin ang mga puzzle.
- I-unlock ang mga bagong kakayahan sa pagpipinta at gamitin ang mga ito upang maabot ang mga bagong lugar.
- Maglaro at magpinta kasama ang iyong mga kaibigan at pamilya.
Paano ito Laruin
Lulutasin ng mga manlalaro ang mga puzzle sa kapaligiran gamit ang isang makapangyarihang brush upang magpatuloy ang kwento ng laro. Ang mga puzzle ay simple ngunit may sapat na hamon upang maging rewarding ang paglalaro. Ang tunay na hamon ay nasa pangangalap ng lahat ng mga collectible. May nakakubling mga lugar na kailangang hanapin at galugarin, mga nawawalang bata na hahanapin, damit na kokolektahin at mga brush na kukunin, na nangangailangan ng paggamit ng lahat ng kapangyarihan ng brush at mga kasanayan sa platforming. Ang paghahanap sa lahat ng mga collectible ay magbubukas ng ilang mga perks na magbibigay-daan sa mga manlalaro na palamutian ang kanilang bahay, magkapagsuot ng mga damit at makapagpinta ng mga obra maestra.
Masaya ang mga pakikipaglaban sa boss ng laro, ngunit kung minsan ay nagtatagal bago ito magapi. Sa bawat laban, ang karakter ng manlalaro ay kailangang umiwas sa mga pag-atake ng pintura. Ngunit sa tuwing lalaban ito sa isang bagong boss, nagpapalit din ang laro, na dala ang isang bagong twist sa mechanics ng paint dodging.
Kung hanap mo naman ay isang laro na malayo sa pagkukulay, pasukin ang mundo ng Big Win Club. Ito ay isang online community kung saan ay marami kang pwedeng masubukang mga laro. Ilan sa mga ito ay pusoy, color game, poker at marami pang iba. Kung ikaw ay magaling sa mga larong ito, maglaro na at manalo ng malalaking mga papremyo.
Ang Color Palette
Pagdating naman sa mga kulay, ang Chicory ay may malawak na opsyon para sa mga manlalaro. Makakapag-ikot ang mga players sa iba’t ibang palette sa iba’t ibang lugar, at ang pagpipinta ng kapaligiran at ng mga character ay maaaring maging isang masayang karanasan. Ngunit kung ang lahat ng mga bagay at lugar ay nakaka-intimidate para sa manlalaro, maaari namang manatili sa critical path ng laro o maghanap pa ng mga collectibles.
Isang Mapaglarong Soundtrack
Si Lena Raine, ang kinikilalang kompositor para sa mga pamagat tulad ng Celeste at Guild Wars, ang bumuo ng soundtrack ng Chicory Game na may pinaghalong tunog ng mga klasik na instrumento ngunit may modern touch sa kabuuan.
Isang Relaxing na Paint Game
Gayunpaman, isa ito sa mga larong makakapagpa-relaks sa mga players. Maaaring malibot ang isang malaking mundo mula sa screen at gumamit ng isang mas malakas na paintbrush upang malutas ang mga puzzle ng laro. Minsan ay kailangang magpintura ng mga formations na binubuo ng mga tuldok upang ma-unlock ang ibang mga lugar. Sa ibang pagkakataon, makakapagpinta ng mga bagay para mai-flip ito tulad ng switch at ma-activate kung anuman ang silbi ng mga ito. Maaari ring mag-duck sa pintura ang mga players at gamitin ang squid kid-style upang makalibot sa mundo gamit ang isang bagong pamamaraan.
Ang Chicory ay isang laro para sa partikular na subset ng mga mood. Maaari itong maging isang nakakaenganyong mood lifter. O kaya naman ay isang epektibong pahinga mula sa mga stress sa buhay. Maaari rin itong maging bahagi ng therapy sa pagharap sa mga personal na problema. Kapag nakakaramdam ng pagkahapo o lungkot, subukan mong maglaro ng Chicory.
Konklusyon
Itinatago ng mapaglarong istilo ng sining at walang katapusang musika ng Chicory Game ang isang makabagbag-damdaming kwentong maaaring makaantig sa mga tao. Ngunit sa kabilang banda, ang laro ay magpapasigla sa iyo at magpapaalala na kahit may mga masasamang pangyayari sa paligid, at sa tingin mo ay wala nang pag-asang natitira, ang tulong na iyong kailangan ay nasa tabi-tabi lang.
Muling nagawa ng Finji ang mag-iwan ng kakaibang marka sa pamamagitan ng pagpapaalala ng virtue mula sa simpleng laro. Talagang matalino at mahusay ang pagkakagawa ng puzzle game na ito na laging may sorpresang hatid sa mga manlalaro.