Ano ang Color Ball Game Switch?
Ang Color Ball Game Switch ay isang mabilisang tap-based na laro na may kakaibang ‘obstacle course’ dahil sa tuluy-tuloy na pagbabago ng mga kulay at mga bagay-bagay sa loob ng laro. Siguradong kayang-kaya itong laruin ng mga bata at pati na rin ng matatanda. Habang ang iba’t ibang kulay na ‘geometric shapes’ ay umiikot, ang manlalaro ay kailangan lamang gumamit ng isang daliri upang i-tap ang bolang nag-iiba-iba ng kulay at iparis ito sa kulay ng geometric shape. Ang larong ito ay mayroong walong klase ng game mode kasama na ang pinakahuling labas nito na gravity at split. Higit sa lahat, kung gusto mo pang itaas ang difficulty ng laro, maari mong i-on ang reverse na option para sa iba’t ibang challenges o level.
Ang Color Ball Game Switch ay mabilis na sumikat noong taong 2015, ngunit biglaan din itong nawala pagkatapos ng dalawang taon. Nagtala ito ng mahigit 200 milyong download sa Play Store at App Store. Kilala rin ito bilang No. 1 mobile game sa mahigit 150 na bansa. Sa kasamaang palad, nawala na lang bigla ang Color Ball Game Switch sa larangan ng mobile games.
Pitong Pinakamagandang Alternatibo sa Color Ball Game Switch
Siguradong magugustuhan mo ang iba pang mga mapanghamon na laro kung nagustuhan mo ang larong Color Ball Game Switch. Hindi lang dahil sa mahirap ang mga larong ito ngunit hindi rin matapos-tapos ang mga level na binibigay nito. Hindi ka na malulungkot sa pagkawala ng Color Ball Game Switch dahil may mga alternatibong laro na siguradong kababaliwan mo rin. Narito ang pitong pinakamagagandang alternatibo para sa Color Ball Game Switch na maaaring i-download at i-install sa android o iOS gadgets:
- Color Jump
Ang una sa listahan ay ang larong Color Jump. Marami itong pagkakatulad sa Color Ball Game Switch! Pati mga features at game modes ng dalawang laro ay magkapareho. Kailangang tuluy-tuloy ang pag-tap sa bola upang tumalon o maipasa ito sa kaparehas na kulay tulad ng Color Ball Game Switch. Ang kulay rin ng bola sa larong ito ay patuloy na nagbabago-bago pagkatapos mong malampasan ang dalawa o tatlong pagsubok. Ang mga pagsubok dito ay umiikot rin na may paiba-ibang bilis.
- Color Tube
Ang konsepto ng Color Tube ay katulad rin ng Color Ball Game Switch at Color Jump. Kailangang mailagay at malampasan ng bola ang isang Color Tube. Ang balangkas ng tubo na ito ay binubuo ng iba’t ibang kulay. Kailangan ng manlalaro na maitawid ang bola sa mga kulay ng balangkas na kaparehas ng bola. Halimbawa, maitatawid mo lang ang dilaw na bola sa mga parte ng tubo na kulay dilaw. Kailangan lang i-swipe ng manlalaro ang screen upang kumilos ang bola. Kailangang kontrolin din ng manlalaro ang bilis ng bola habang pinapagalaw niya ito.
- Color Road
Ang Color Road ay may kaunting pinagkaiba sa mga naunang nabanggit na laro, ngunit parehas pa rin ang konseptong ginamit. Sa larong ito, gumugulong ang bola sa isang walang hangganang rampa. Maraming harang na binubuo ng tatlong kulay ang kailangang lampasan habang gumugulong ang bola. Kailangang siguraduhin ng manlalaro na ang mga pulang bola ay dadaan lamang sa pulang harang. Gayundin sa mga berde at dilaw na bola, kailangang sa kakulay na harang padaanin ang mga ito. Ang pahirap lang sa laro ay ang bilis ng gulong ng bola at ang bilis ng pagbabago ng kulay nito.
- Looper
Maihahalintulad naman ang level ng kahirapan ng Apple version ng larong Color Ball Game Switch sa larong Looper. Ang unang apat na stage ay madali subalit pagkatapos nito ay mahihirapan ka nang magpatuloy pa sa mga susunod na level. Ang konsepto ng larong ito ay katulad rin ng Color Ball Game Switch at Color Jump. Ang kaibahan lang sa Looper ay hindi lang iisa ang lalaruin mong bola at hindi dapat tumama o magbanggaan ang mga ito habang nagpapatuloy ang laro. Nadadagdagan at nagbabago ang mga hugis ng mga ‘obstacle’ sa bawat round at kailangang mapagulong mo ang mga bola sa mga ‘obstacle’ na ito habang nananatiling hindi nagbabanggaan.
- Tiles Hop
Kumpara sa nabanggit na mga laro, isa ang Tiles Hop sa mga pinakamadaling laruin sa panimulang level. Kailangan mo lang siguraduhin na mailapag ang bola sa mga tiles. Ang layunin ng manlalaro ay mapigilan ang pagkalalag ng bola sa pamamagitan ng pag-swipe sa kaliwa o kanan depende kung nasaan ang tile na nais mong lapagan. Nagbabago ang kulay ng bola at mga tiles sa bawat level na iyong malampasan. Ang unang dalawang level ay napakadali lang habang ang pangatlo ay kayang-kaya ring gawin. Nagsisimula ang tunay na hamon pagdating sa pang-apat na level.
- Crossy Roads
Ang Crossy Roads ay walang kinalaman sa mga kulay ngunit bukod doon, ang konsepto nito ay hindi nalalayo sa Color Ball Game Switch. Kailangan mong maitawid ang iyong karakter sa iba’t ibang daan na may masisikip na trapiko. Sa mga kalsada ay may iba’t ibang sasakyan. Mayroong ding mga tren at iba pang fictional vehicles na matutulin ang takbo. Kung mga makukulay na obstacle ang kailangan mong lampasan sa Color Ball Game Switch, mga kalsada naman ang kailangan mong malampasan sa larong Crossy Roads.
- Color Pipe 2018
Ang Color Pipe 2018 ay maaaring maituring na pinakamagandang laro kumpara sa lahat ng mga nabanggit. Halos kapareho rin ito ng larong Color Tube. Pareho ng tugtog, background wallpaper at settings. Ang pinagkaiba lang nila ay isang ‘pipe’ ang dadaanan ng bola sa larong ito.
Konklusyon
Maaaring subukan ng mga manlalaro lahat ng nabanggit na pitong pinakamagandang alternatibo sa larong Color Ball Game Switch upang mapagkumpara nila nang maigi ang mga ito. Nang sa gayon, mahanap nila ang larong nababagay sa kanila. Ang pagsubok sa mga bagong laro ay nakakatuwa at nakakapanghamon. Madali ring hanapin ang mga larong ito gamit ang android at iOS gadgets. Sa mga naghahanap naman ng orihinal na laro ng Color Ball Game Switch, mayroon nang lumabas na bagong bersyon ang laro na pinangalanang Color Ball Game Switch: Phoenix. Ito ay ginawa base din sa dating konsepto ng Color Ball Game Switch, ngunit dinagdagan pa ng mas maraming challenges, mini games at bagong features na hindi pa naipakita sa kahit sino.
Para sa iba pang maaari mong pagkaabalahan, mag-download na ng Big Win Club app para sa mas marami pang laro online na pwedeng gawin kasama ang pamilya o mga kaibigan. Ang paglalaro na may kasamang mga hamon ay magbibigay sa iyo ng magandang pakiramdam.