Ano ang Color Bump 3D?
Sa unang tingin, ang Color Bump 3D ay isa lamang simpleng arcade game para sa mga mobile devices. Ang layunin ng pinakabagong larong ito ng Good Job Games para sa mga tagasubaybay nito ay ang makalagpas sa iba’t ibang ‘obstacles’ nang walang tinatamaan na anumang bagay lalo’t hindi ito kapareho ng kulay ng gamit na bola. Parang madali lang naman ng mechanics, ano? Subalit, kapag nasubukan na ang aktwal na laro, mapapaniniwala kang imposibleng ma-master ito. Ang Color Bump 3D ay hindi basta-basta natatapos kaagad sapagkat kailangan mong malagpasan ang mahigit na 100 levels nito. Magsisimula kang maglaro sa mahirap na level at mas hihirap pa ito habang tumatagal sa laro.
Ang Color Bump 3D ang muling susubok sa iyo kung sa tingin mo ay na-master mo na ang lahat ng arcade games. Habang mas tumatagal sa laro, ganun din ang dami ng obstacles na kailangan mong lampasan. Tila imposible itong matapos ng hindi mo tinatamaan ang ibang kulay. Kaya dapat na basahing mabuti ang mga nakalagay dito kung nais mong makatapos ng mas marami pang level. Bibigyan ka namin ng tips, pandaraya at iba’t ibang estratehiya sa paglalaro ng Color Bump 3D.
Mga Tip, Pandaraya at Estratehiya sa paglalaro ng Color Bump 3D
- Gamitin Ang Mga Puting Obstacle
Ang iyong gamit na puting bola sa laro ay ang nag-iisang bagay na hindi mo maaaring ibangga sa makulay na obstacle. Mapapansin mo na ang lahat ng level sa laro ay mayroong nakakalat na white obstacle. Kailangan mong isipin kung paano mo gagamitin ang mga puting obstacle na ito para mas mapabuti ang lagay mo sa laro. Ang bawat obstacle ay nauuri sa iba’t ibang hugis at laki. Maaari mong gamitin ang white obstacle upang itulak ang mga makukulay na obstacle o gamitin itong pananggalang habang nagpapatuloy sa iyong laro.
- Siguraduhing Hindi Hihinto Sa Gitna Ng Laro
Habang itinutulak mo ang mga makukulay na obstacle gamit ang puting obstacle asahan mo nang magpapatuloy sa paggalaw ang iba pang bagay. Ito ay isa sa mga pangkaraniwang pagkakamali ng mga baguhang manlalaro kaya naman sila ay nananatili sa likod ng mga obstacle. Ang dapat mong gawin ay mag-antay hanggang sa ang mga makulay na obstacle ay mawala o kaya ay gamitin ang mga puting obstacle upang patuloy na itulak ang mga ito. Dahil kung hindi, siguradong babangga ka at babalik sa umpisa ng kasalukuyang level.
- Piliin Mo Ang Malalaking Obstacle
Sa kabuuan ng Color Bump 3D (color game) ay marami kang makikitang maliliit na obstacle na nakakalat sa iba’t ibang level. Nakakatuwang tingnan ang mga ito na naglalaho sa tuwing matagumpay itong naitutulak ng bola, ngunit hindi ito nakakatulong sa pagtulak ng mga makukulay na bagay. Kaya mas mainam na piliin mo ang malalaking obstacle kagaya ng ‘long bars’ upang mapalawak ang dadaan ng iyong bola. Piliin mo ang pinakamalaking obstacle at hayaan itong umangat pataas para maalis ang mas marami pang obstacles. Pagkatapos nito ay magagamit mo na ang maliliit na puting obstacle upang alisin ang mga natitira pang mga hadlang bago matapos ang level.
Bilang karagdagan, dapat mo ring suriin kung paano kumilos ang mga obstacle. Ang maliliit na bagay ay mas madaling pagalawin kaysa sa malalaki. Kailangan mong maging alisto sa pagharap sa malalaking obstacle dahil maaari ito magiging sanhi ng iyong pagkatalo. Posible ring magkamaling maitulak ang mga ito sa maling direksyon. Nakakapanghinayang kapag ganito ang kinahinatnan ng laro.
- Hanapin Ang Tamang Spot
Lagi mong iisipin na maaari kang gumalaw sa iba’t ibang direksyon. Pwede mong igalaw ang bola patungo sa taas, pababa, pakaliwa at pakanan. Huwag mong limitahan ang iyong sarili sa paggalaw ng bola sa screen. Isang mabisang paraan upang makakuha ka ng oras at mawala ang ibang obstacle ay ang magsimula sa tuktok ng iyong screen. Habang ginagawa mo ito ay makikita mo kung anong dapat mong gawin upang maalis ang mga ‘tricky obstacles’ na nagkapatung-patong.
- Alamin Kung Kailan Dapat Bumitaw
Kung minsan ang pagtulak sa mga obstacle ay hindi sapat upang malampasan ang isang level. Dapat mong suriin kung ano ang layout ng buong level upang makita mo ang pinakaepektibong paraan upang matapos ito. May mga pagkakataon kung saan kailangan mong bitawan ang screen at hayaang gumulong nang tuwid ang bola. Sa totoo lang, maraming pagkakataon na kailangan mo itong gawin dahil maaari kang malagay sa alanganin kapag biglang lumihis ang gulong ng bola. Subukan mo munang pagplanuhan ang susunod mong gagawin bago pumindot sa screen. Ang pagmamadali at hindi pag-iingat sa laro ay maaari mong ikatalo.
- Mahalaga ang hugis ng bawat obstacle
Mahalagang tantyahin ang sukat ng mga puting obstacle sa larong ito, ngunit mahalaga ring suriin ang hugis ng bagay na iyong itinutulak. Ang hugis ng mga obstacle sa laro ang magsasabi kung paano sila gumalaw kapag naitulak. Kapag itinulak mo ang isang bagay na parang domino, ito ay matutumba sa halip na maitulak. Maaaring hindi ka na makalabas o makagalaw kung hindi magiging maingat. Ang mga hugis bolang obstacle naman ay gumagalaw papunta kung saan-saan. Kapag gumalaw ka ng higit sa nararapat, maaaring gumulong ang mga ito papunta sa mga lokasyon kung saan hindi naman nararapat. Subukang alamin kung saan papunta ang mga obstacle bago mo itulak upang magawa mo ang tamang diskarte sa bawat level.
- Kakailanganin Mo Ng Lakas
Gaya ng nabanggit, kumikilos ang bawat hugis sa iba’t ibang paraan. Ang lakas ng impact ng pagtama mo sa bawat obstacle ay isa rin sa dapat obserbahan. Kung kailangan mo pa ng lakas sa pagpapalipad sa mga obstacle, ang kailangan mo lang ay isang mabilis na pag-swipe sa likod ng iyong bola. Maging maingat lamang sa paggawa nito dahil maaari rin itong makaapekto sa ibang obstacles. Maaari itong magdulot ng mas magulong obstacle.
Paano Magpapatuloy Sa Pagtakbo Ang Iyong Bola
May mga pagkakataon na nasa dulo ka na ng laro nang bigla kang nagkamali ng galaw at natalo ka dahil dito. Kung mangyayari ito, papipiliin ka ng laro kung gugustuhin mong magpatuloy kung saan ka man natalo at nahinto sa pamamagitan ng panonood ng patalastas. Syempre, dapat mong suriin kung ang level na na nilalaro mo ay dapat bang ituloy o hindi. Kung mangyari naman na ma-stuck ka o magulo ang mga obstacle mo sa paglalaro kaya mas mahirap mo itong makumpleto, mas mainam na bumalik na lamang sa umpisa ng level. Gayundin naman kapag maaga kang bumangga o natalo sa laro. Kung ayaw mo namang ituloy ang laro at mas gusto mong magsimula na lang, maghintay ka lamang ng tatlong segundo para lumabas ang ‘No, Thank You’ button at i-tap ito upang mag-restart ang iyong laro.
Kung gusto mo namang ituloy ang laro ngunit ayaw mong magsayang ng 30 segundo sa panonood ng patalastas, ito ay pwede rin naman. Patayin ang koneksyon ng iyong device sa internet nang sa gayon ay hindi ma-access ng video advertisement ang ‘server’ ng laro. Sa ganitong paraan hahayaan ka nitong tanggapin pa rin ang alok ng panonood ng patalastas na hindi kailangan tumutok at hintaying matapos ang ad at ituloy ang iyong paglalaro.
Konklusyon
Tunay nga na ang pagtatanggal ng mga harang sa daraanan nang walang tatamaang anumang obstacle ay isang malaking hamon sa paglalaro ng Color Bump 3D. Ngunit kung susundin mo ang mga tips, pandaraya at estratehiya sa paglalaro nito ay makakasigurado kang matatapos mo ang bawat level nang mabilisan!
I-download ang Big Win Club app para sa mas marami pang online na laro kasama ang mga totoong tao, ito ay may patas na kumpetisyon at magbibigay sa iyo ng magandang pakiramdam.