Ang pagkukulay ay masasabing isa sa mga pinakasikat na artistic na libangan para sa lahat. Ayon sa mga mananaliksik, ang mga bata ay nag-eenjoy habang nakakakuha ng maraming benepisyo kapag sila ay lumalahok sa mga aktibidad na may kinalaman sa arts at crafts. Habang ginagawa nila ang activities na ito ay maaaring magbukas ito ng paksa tungkol sa iba’t ibang mga aralin. Ang mga aktibidad na kagaya ng pagkukulay ayon sa numero ay mas advanced at nagbibigay ng mga enhanced learnings.
Ang Color by Number Games
Ang larong Color by Number games ay isang libreng online coloring game kung saan ay magkukulay ka ng iba’t ibang uri ng mga hayop. Ang tamang mga kulay na gagamitin dito ay nakadepende sa numerong nakasaad sa color palette. Ito ay isang nakakaaliw at napaka-relaxing na art game para sa mga bata at matatanda.
Ang Proseso ng Laro
Pumili ng gustong larawan.
- Napakasimple ng gameplay sa Color game na ito. Una, ang manlalaro ay pipili ng isang hayop na nais nitong kulayan mula sa hanay ng pagpipilian. Dito ay mayroong baboy, pusa, pugita, elepante, sloth, at isang maliit na manok. Tiyak na magugustuhan ito ng marami dahil sa maraming cute sa mga pinamimiliang larawan ng mga hayop. Kagaya rin ito ng Big Win Club app, kung saan marami ring mga larong pwedeng pamilian. Kaya hindi na nakakagulat kung marami ang mga tumatangkilik dito.
Kulayan ang mga hugis na mayroong numero.
- Ang nakatakdang numero para sa bawat kulay ay makikita sa isang palette na nasa ibabang bahagi ng screen. Gamitin ang mga kulay na ito upang punan ay kulayan ang mga iba’t ibang hugis sa larawan na napili hanggang sa makabuo ng isang malinaw at makulay na likha.
Pag-zoom in at zoom out ng larawan.
- Maaari kang mag-zoom in upang maayos na magawa ang mga detalye ng larawan at mag-zoom out naman upang makita ang kabuuan nito. Kapag natapos na ito, makakakita ka ng isang gawang-sining na pwedeng maipagmalaki. Kapag may hindi naman natapos makulayan, maaari mong iwan muna ito at bumalik sa ibang pagkakataon upang magpatuloy. Walang dapat ipag-alala dahil awtomatikong mase-save ang iyong progress sa laro.
Ang mga Benepisyo ng Laro
Pinahusay na Koordinasyon ng mga Mata at Kamay
- Ang pagkukulay ay nangangailangan ng matinding hand and eye coordination skills, at ang larong ito ay tiyak na pag-iigtingin ang konsentrasyon habang ang mga gumagawa nito ay sinisiguradong tugma mga kulay ang gagamitin para sa bawat numero. Ang mga coloring diagram naman ay nagsisilbing gabay ng mga manlalaro para makulayan ang mga bahagi na may paunang tukoy na kulay. Ang pagpapanatili ng kulay sa loob ng isang defined area ay makakatulong rin na ma-develop ang koordinasyon ng mga kamay at mata. Dagdag pa rito, matututo rin ang mga bata na hawakan ang krayola, marker o mga lapis na pangkulay habang kinokontrol din ang paggalaw ng mga kamay upang mapigilan ang kulay na lumampas sa outline.
Pagkakakilanlan ng Numero at Kulay
- Ang mga worksheet ng larong ito ay isang mabisang paraan upang ipakilala sa mga bata ang iba’t ibang numero at kulay. Matututo rin ang mga bata na kilalanin at tukuyin ang mga numero at itugma ang mga ito sa mga numerong ginamit sa paglagay ng label sa mga krayola, pintura, o marker upang matukoy kung aling kulay ang gagamitin sa bawat bahagi ng larawan. Bagama’t makakatulong ito sa pangunahing kulay sa pamamagitan ng pagdaragdag ng numero at math skills, maaari rin itong maging kapaki-pakinabang sa pagpapakilala sa iba’t ibang kulay sa mga bata. Dagdag pa rito, matututo rin ang mga bata na sabihin ang pagkakaiba sa pagitan ng blue, pink, red, yellow, orange at green. Maaari rin silang magkaroon ng pagkakataong matuto tungkol sa mga hindi gaano kilalang shade.
Pagpapanatili ng Pokus at Konsentrasyon
- Ang mga aktibidad na ito ay napakahalaga din sa pagtuturo sa mga bata tungkol sa pokus at konsentrasyon. Pinaniniwalaan na ang mga batang gumugugol ng oras sa pagkukulay ay magkakaroon ng mas mahusay na skills sa konsentrasyon at pokus. Ang aktibidad na ito ay nangangailangan ng konsentrasyon hindi lamang sa paggalaw ng krayola, mangangailangan din ng pokus sa resulta ng pagkukulay habang tinitiyak din na tamang kulay ang napili ayon sa itinalagang numero.
Ang Kontrol sa Sarili
- Sa paggamit ng mga tradisyunal na mga coloring sheet, magagawa ng mga bata na tapusin mag-isa ang pagkukulay sa mga larawan ayon sa sarili niyang bilis o sa lalong madaling panahon. Kaya ang pagiging maayos o ang kalidad ng gawa nito ay hindi isyu. Ang mga Color by Number games worksheet ay nangangailangan ng higit na pasensya at kontrol sa sarili. Bukod pa rito, may mga pagkakataong maaaring magkamali ang mga bata sa mga pahina. Ito ay maaaring magbigay ng isang mahalagang learning experience pagdating sa flexibility na magagamit sa iba pang yugto ng buhay. Tulad rin ng iba’t ibang sitwasyon, maaaring hindi eksakto ang mga bagay-bagay tulad ng inaasahan sa pagkumpleto ng worksheet ng laro, ngunit matututo ang mga bata o ang mga manlalaro na maging flexible at gamitin ang mga skills sa paglutas ng problema upang makabuo ng paraan kung paano maaayos ang isyu.
Ang Language Development
Para sa maliliit na bata, ang mga art project ay nagbibigay ng pagkakataong matuto ng mga salita para sa mga hugis, aksyon, at kulay. Maaring maging daan ito para lalong humusay ang ang kanilang pagsasalita. Sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isang aktibidad sa pagkukulay, maaaring gumamit ang mga bata ng mga naglalarawang salita habang pinag-uusapan kung ano ang kanyang ginawa at ang nararamdaman nito ukol sa nilikhang artwork.
Ang mga pahina ng pagkukulay ay tumutulong sa pagbuo at pagpapahusay ng thinking skills, at matututo rin ang mga bata ng bagong bokabularyo na maaaring magamit sa iba pang mga pangyayari sa kanilang buhay, kagaya ng pagpapabuti ng kanyang performance sa paaralan at ang kalidad ng kanyang pakikipag-ugnayan sa lipunan.
Konklusyon
Ang Color by Number games ay isang mahusay na laro para sa mga bata at matatanda. Bukod sa pagiging simple lang ng larong ito, marami rin ang makukuhang aral at skills dito. Maaaring matutunan ng mga bata ang mga pangunahing kaalaman sa pagkukulay at maunawaan ang iba’t ibang kulay at shades. Sa kabilang banda, ang mga matatanda naman ay matututong pahalagahan ang magagandang likhang-sining at ang pagkakataong makapag-relax at makapag-unwind saglit sa pamamagitan lamang ng pagkukulay ng mga magagandang larawan.