Ano ang Color Game o Betu?
Bago nangyari ang pandemya, hinding-hindi nawawala sa kultura nating mga Pinoy ang mga perya tuwing may fiesta. Halos kinalakihan na natin ito at malaking bahagi ito ng masasayang alaala ng ating kabataan. Karamihan din ay dito unang naranasan ang tumaya o pumusta.
Sino nga ba ang hindi nakakaalam ng Color Game? Alam mo ba na ito ay kilala rin sa tawag na betu? Ito na yata ang isa sa pinakasikat na laro sa perya. Kahit na sino ay pwedeng maglaro nito. Bata man o matanda ay nag-uunahan sa paglagay ng pusta sa mga kulay na nasa color board. Sobrang dali lang nitong laruin kaya naman hindi maipagkakaila na isa ito sa palaging inaabangan at may makikitang umpukan ng mga tao sa tuwing may perya.
Ang kailangan lamang sa larong ito ay marunong kang tumingin sa mga kulay. Pinagugulong ang mga colored blocks upang lumabas ang kulay na panalo. Mababayaran ang lahat ng nakataya sa panalong kulay depende kung ilang beses ito lumabas at kung magkano ang halaga ng taya. Kukunin naman ang lahat ng mga taya sa mga natalong kulay. Kahit pa madali lang laruin, lumalabas na umiikot ang larong ito sa tsansa. Halimbawa, may anim na kulay na pwedeng tayaan at may tatlong colored blocks na may tig-aanim na kulay. Bale 3 sa anim na kulay ay pwedeng manalo sa bawat round. Subalit, maari din naman na dalawa o iisang kulay lang ang manalo. Sa ganitong sitwasyon, mas napapaliit ang tsansa mong kumabig ng panalo.
Sa iyong palagay, nakadepende ba ang larong ito sa swerte? Tandaan na halos lahat ng laro ay kayang-kayang ipanalo. Hindi sa lahat ng pagkakataon tanging swerte lamang ang magkakapagbigay ng panalo. Narito ang mga simple at subok ng tricks na pwede mong gamitin sa paglalaro ng color game. Makakatulong ito para hindi ka malugi at mapataas ang tsansa mong mag-uwi ng panalo.
Paano Palaging Manalo sa Color Game kung Hindi ka Swerte
Ang mga taong maswerte ay laging nanalo sa mga larong nakasentro sa tsansa. Syempre kung may swerte, meron ding hindi. Dapat tanggapin na hindi sa lahat ng oras kakampi mo ang kapalaran. Hindi dahil sa malas ka, maaring masyadong mailap lamang ang paglapit ng swerte sa iyo. Tulad nga ng kasabihan ng mga matatanda, ang buhay ay parang isang gulong – paikut-ikot lang.
Balikan natin ang tungkol sa color game. Kung hindi mo pa naranasang manalo ng malaki dito, ipagpatuloy ang pagbabasa ng artikulong ito. Kung iniisip mong magiging maswerte ka sa Color Game pagkatapos nito ay maaring tama ka! Pero hindi ito tungkol lang tsansa at purong tsambahan lang. Ikaw mismo ang gagawa ng sarili mong swerte sa pamamagitan ng mga kaalaman at estratehiya. Kaya huwag na nating patagalin pa, ang sumusunod ay mga napatunayan nang tricks upang palaging manalo sa larong color game.
Magsimula tayo sa usapang puhunan. Syempre para manalo, dapat kang tumaya ng pera at magkaroon ng puhunan. Hindi ka naman maaring mananalo nang nakatitig lang sa hangin. Kakailanganin mo ng Php100-200 bilang panimulang puhunan. Huwag kang mag-aalala sapagkat hindi naman ito basta na lang mauubos. Una, kailangan mong magtalaga kung magkano ang ipupusta mo. Isang babala, huwag mong ipusta ng buo ang iyong puhunan. Dapat ay mayroon kang base amount, mag-umpisa ka sa mababang halaga lang. Halimbawa, tumaya ka ng limang piso sa asul. Iwasan na munang magdadag pa ng taya. Kapag nanalo, gawin mo ito ng paulit-ulit. Kung hindi tumama, sa parehong kulay ka pa rin tumaya ngunit kailangang doblehin mo ang taya sa pangalawang round: ang taya mong limang piso ay magiging sampu na. Kapag hindi ka pa rin nanalo, doblehin mo ulit ito. Samakatuwid, naging bente na ang taya mo. Kapag sa pang-apat na pagkakataon ay talo ulit, doblehin mo lang nang doblehin. Sa ganitong paraan makakatiyak ka na hindi mauubos ang iyong puhunan. Kapag ikaw ay nanalo ng isang beses lang, maibabalik ang natalo mong mga pusta at may kita ka pa. Ulitin mo lang ang ganitong teknik sa tuwing mananalo ka.
Paano Masasabing Epektibo ang Trick na ito?
Kung iniisip mong malulugi ka sa ganitong paraan, nagkakamali ka. Hindi naman pwedeng hindi manalo ang tinayaan mong kulay. Paano ka kikita sa ganitong paraan? Madali lang. Alalahanin mo, tumaya ka ng 5 piso at natalo, tumaya ka ulit pero ginawa mo ng 10 piso. Nang matalo na naman ang pangalawang taya mo, ito ay naging 20, tapos 40. Uulitin natin, imposibleng hindi manalo ang tinayaan mong kulay. Kapag nanalo ang taya mong 40 ay magiging doble: 40+40 = 80. Mababawi mo ang Php35 mong talo sa naunang tatlong rounds. May pasobra ka pang 5 piso at ito ay iyong panalo! Mahalagang isaisip mo na dapat isang kulay lang ang tatayaan. Sa tuwing tatama sa kulay mo, may kita ka. Pero syempre, kapag nanalo ka ng maraming beses ay siguradong lalaki ang kita mo. Kung matalo ka man, paniguradong ito ay mababawi mo pa rin.
Konklusyon
Asahan mo na sa larong ito ay hindi ka palaging panalo. Ganun talaga kapag naglalaro, walang kasiguraduhan lalo na kapag nakabatay ito sa tsansa. Ang importante ay hindi maubos ang pera mo, hindi ka lugi, at magkakaroon ka ng kita. Ang estratehiyang ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataon na maiwasang matalo at umuwing butas ang bulsa. Sa color game, ang ganitong trick ay isang magandang paraan upang siguraduhing magtatagal ka sa paglalaro na hindi nangangailangan ng malaking puhunan. Higit sa lahat, huwag mong kaligtaang mag-enjoy habang naglalaro. Tandaan na isa ito sa mga pangunahing dahilan kung bakit ka naglalaro at nakikipagsapalaran. Pero syempre, bonus na maituturing kapag may malaking panalo kang maiuuwi!
Nasasabik ka na bang maglaro sa perya sa kalagitnaan ng pandemya? Nabuburyong ka na ba sa bahay dahil bawal pang lumabas? Hindi ka ba mapakali nang walang ginagawa? Kung gayon, maraming magagandang online casino games sa Big Win Club App – slots, card games at iba pang mga laro katulad ng color game. Maari mo ring masubukan dito kung gaano nga ba kaepektibo ang bagong trick na natutunan mo.