Ang Color Hole 3D
Nauuso sa kasalukuyan ang mga casual games katulad ng Color Hole 3D at marami pang iba. Simple lang ang gameplay ng mga ganitong laro subalit ang mga ito ay mas pinaganda at dinagdagan ng modernong disenyo. Nakakalibang naman talagang maglaro lalo na kung naghahanap ka ng pampalipas-oras lamang. Sa pamamagitan ng 3D technology, ang ordinaryong paglalaro ay ginawang mas makatotohanan.
Hindi maipagkakaila ang mabilis na pagbabago ng mga disenyo ng iba’t ibang mga laro nitong nakalipas na mga taon. Sa ngayon, makikita mo talaga ang malaking impluwensiya ng mga tradisyunal na laro sa mga casual games. Kahit may pinagkaiba ang mga ito, napapanatili pa din ang mahahalagang pagkakakilanlan at gameplay. Nakasunod man sa uso, ang saya at aliw na dulot ay tila hindi nalipasan ng panahon. Sa katunayan nga, isa din sa tawag sa mga casual games ay “retro games”. Ito kasi ang mga laro na muling bumalik sa uso at bukas-palad na tinangkilik ulit ng mga manlalaro. Kilalanin ang Color Hole 3D, ang isa sa mga sikat na larong katulad nito.
Gameplay at Features
Katulad ng ibang casual game, simple lang ang gameplay nito. Kapareho ito ng larong Hole.io at magkatulad din ang pamamaraan ng paglalaro, mas mapanghamon lamang ang Color Hole. Ang layunin dito ay maihulog sa butas ang lahat ng mga puting blocks. Kailangan mong pagalawin ang butas sa screen sa pamamagitan ng pag swipe nito. Iwasan lamang na makapasok ang blocks na may ibang kulay. Kapag nangyari kasi ito ay mabibigo kang matapos ang kasalukuyang round at babalik ka sa umpisa. Sa bawat pag-angat ng level sa laro, lumalaki din ang butas at nagiging limitado ang espasyo na pwede mong galawan. Mas lumalaki ang posibilidad na mahulog ang mga maling blocks kaya kailangan ng ibayong pag-iingat.
Narito ang iba pang mga mahahalagang bagay na dapat mong malaman:
- Tandaan na hindi mo kailangang gumawa ng account dito kaya hindi mo kailangan pang magbigay ng mga detalye tungkol sa iyong pagkakakilanlan.
- Sa simula ng laro, makikita mo na ito ay may pagkakatulad din sa mga larong maze at puzzle. Huwag malito dahil iba ang paraan ng paglalaro nito.
- Nag-iiba ang mga porma at posisyon ng mga blocks sa bawat round. Pag-aralan itong mabuti at bumuo ng tamang estratehiya bago pagalawin ang butas.
- Para malampasan ang bawat level, kinakailangang walang matirang puting blocks – ang matitira lang dapat ay ang mga makulay na blocks. Mabibigo ka din kapag may nahulog na makulay na block sa butas.
Maganda ang larong ito kung ikaw ang tipo na madaling mabagot at mahilig sa hamon. Kung mainitin naman ang iyong ulo, siguradong masusubok nito ang iyong pasensya. Madalas kasi na ang mga ganitong klase ng laro ay nakakataas ng tensyon, at talagang nakakadismaya kapag hindi mo naipasa ang round. Sa kabilang banda, talagang nakaka-excite at nakaka-hype naman kapag nalampasan mo ang isang mahirap na round. Iwasang mahati ang iyong atensyon habang naglalaro dahil matinding kontrol at pokus ang kailangan dito.
Mga Positibo at Negatibong Aspeto ng Laro
Alam naman natin na walang perpektong app, ang lahat ay may kalamangan at kahinaan din. Ang mga sumusunod ay ang mga positibong aspeto ng laro:
- Ang karamihan sa mga casual games ay nakasentro sa kasabihang “quality over quantity”. Ang Color Hole 3D ay pasok sa kategoryang ito. Kapag mas pinapahalagahan ng mga developer ang quality ng laro ay mapapansin mong hindi kumplikado ang mga ito at kaunti lang ang bugs. Simple at madali ring maintindihan ang mga features nito.
- Kapansin-pansin din ang pangkaniwang tema nito ngunit magarang game setting.
- Nakakatulong din ito upang mas mapaunlad ang pokus at koordinasyon. Ito ay may magandang epekto din sa ‘critical thinking skills’ dahil kinakailangang makagawa ng tamang estratehiya para manalo.
- Kung hindi ka mahilig sa pakikipagkumpitensya, ang larong ito ay talagang para sa iyo. Ito ay dahil isa itong solo-player game. Wala kang makakalaban dito.
- Hindi mo kailangang mapressure dahil wala itong time limit. Maaari kang maglevel-up batay sa iyong sariling bilis at teknik.
Ang mga sumusunod ay mga negatibong aspeto ng laro :
- Kapag naglaro ka nang nakakonekta sa internet, siguradong maiinis ka talaga sa madalas na pagsulpot ng mga ads. Ito din ang madalas na reklamo ng mga manlalaro sa larong ito. Maaari ka rin namang gumamit ng in-app purchase para makapaglaro ng walang ads.
- Madalas din itong magkaroon ng mga bugs at glitches. Para masolusyunan ito, siguraduhing updated ang iyong app sa pinakabagong bersyon.
- Kung naghahanap ka ng gaming app na pwedeng mong makalaro ang iyong mga kaibigan, walang opsyon sa laro para magawa mo ito.
- May mga manlalarong nagsabi na kaya nilang tapusin ang laro sa loob ng 1 hanggang 2 oras lamang. Ibig sabihin ay walang masyadong tampok o karagdagang challenges ang larong ito.
- Dahil paulit-ulit lamang ang ginagawa mo sa laro, malaki ang tsansa na ito ay madaling pagsawaan.
- Hindi ito maaaring pagkakitaan kaya hindi masasabing may makabuluhang dulot ang paglalaro nito.
Konklusyon
Madalas nakalulula din ang modernong pamumuhay, ganun din pagdating sa mga laro. Ang kabi-kabilang mga laro ngayon ay tila mas nagiging kumplikado kaya naman minsan hinahanap-hanap pa rin natin ang mga larong nakagisnan natin noon – ang mga larong sumikat noong nagsisimula pa lang ang pag-usbong ng teknolohiya. Hayaan mong dalhin ka ulit ng Color Hole 3D sa iyong pagkabata. Hindi man perpekto ang larong ito, masasabi pa din natin na marami ang tumatangkilik dito. Mula ng ito ay inilabas ng Good Job Games noong Agosto 2020, may mahigit 50 milyon downloads na ito. Mayroon itong kahanga-hangang 4.2 star rating mula sa mahigit 200 libong (200,000+) reviews. Ito ay my app size na 77 MB lamang kaya hindi ito masyadong makakaapekto sa iyong phone memory.
Kailangan mo lang i-download ito sa Play Store o App store, depende sa uri ng mobile device na gamit mo. May web version din ito para sa mga gumagamit ng laptop o desktop. Bakit dapat mo itong subukan? Simple lang, malalaro mo ito kahit saan at kahit kailan dahil offline game din ito. Kung may ibang uri ng laro kang hinahanap, isang magandang alternatibo ang Big Win Club app. Ito ay isang online app na maraming mapagpipiliang laro. Maaari ka ring maglaro ng libre at may tsansa ka pang manalo ng mga papremyo.