Color Hop 3D: Ano Ito?
Mahilig ka ba sa musika? Ikaw ba ang tipong laging may nakasalpak na earphones o headset sa tenga? Iyon bang nakakalimutan ang lahat ng bagay kapag sumasabay ka sa musika. Kung ganun, magugustuhan mo talaga ang larong Color Hop 3D dahil hindi lamang ito ordinaryong mobile game app. Ito ay kakaibang libangan kung saan pinagsama ang pakikinig ng musika at mapanghamong paglalaro.
May dalawang uri ng laro na mahirap pagsawaan: iyong kakaiba at exciting at iyong simple lang ngunit nakaka-hook laruin. May mga larong hahamunin talaga ang iyong kakayahan at may mga laro din na relaks lang. Ang larong aking ipapakilala ay walang masyadong ganap, kung meron man ay katamtaman lamang, ngunit ito ay naghahatid ng aliw at saya.
Uso ngayon ang mga larong may kinalaman sa musika. Mas nakakagaan kasi sa pakiramdam ang pakikinig sa mga ito habang naglalaro. Hindi ka madaling magsasawa kapag may tumutunog na musika sa iyong tenga. Minsan, nakakapagod din ang mga larong maaksyon at mas nakakadagdag pa ito ng stress. Ang Color Hop ay simpleng lang at magaan laruin. Kung ganito ang mga trip mong laro, pagkakataon mo na para ito ay kilalanin.
Gameplay
Ang larong ito ay gawa ng developer na Amnotes Pte.Ltd. Kilala ang kumpanyang ito sa paggawa ng mga ganitong uri ng mobile games. Sa ngayon, hindi pa ito pwede sa mga android devices. Ang Color Hop ay maaaring malaro gamit ang mga iOS devices tulad ng iPhone at iPad. May mataas itong rating na 4.4 stars mula sa 2.8 thousand reviews. Sa kasalukuyan, ito ay No. 74 sa ranking ng mga music apps. Ang mga impormasyong ito ay nagpapatunay lamang na marami ang tumatangkilik nito. Isang napakaepektibong ideya ang paglapat ng mga sikat na musika sa laro.
Ang layunin ng mga manlalaro dito ay ang tuluy-tuloy at walang palya na paglundag ng bola sa mga gumagalaw na tiles hanggang matapos ang tugtog. Hindi dapat mahulog o tumama ang bola sa maling tiles dahil kapag nangyari ito ay talo ka. Upang magpatuloy ang pagtalbog ng bola i-swipe lamang ang screen sa direksyon ng tiles na gusto mo. Nakakabagot bang pakinggan? Malamang, pero may twist ang larong ito. Sumusunod sa rhythm at beat ng kanta ang bilis at pattern ng paggalaw ng mga tiles. Ang trick sa larong ito ay dapat mong masabayan ang kanta habang nagpapatalbog ka ng bola. Mabilis na reflexes, koordinasyon at matinding pokus ang kinakailangan. Kaya naman, inirerekomendang gumamit ng earphones o headset habang naglalaro para mas makatutok nang mabuti. Siguraduhin na walang anumang sagabal o istorbo dahil sa kaunting pagkakamali lamang ay maaaring mahulog ang bolang iyong nilalaro on-screen.
Features
Isa ang features sa madalas na ginagawang batayan ng mga manlalaro upang masabi kung maganda nga ba ang isang laro. Kahit na napakasimple lang ng gameplay nito kung ito ay may magagandang features, paniguradong magiging patok ito sa karamihan. Nagbibigay kasi ito ng kaakit-akit na karakter.
Ang makulay at magandang graphics nang Colors Hop 3D ay tunay na de-kalidad at nakakahalina. Pwede ka ring pumili ng backdrop na angkop sa iyong panlasa. May iba’t ibang temang mapagpipilian katulad ng pasko, halloween, at iba pa. Kabilang din sa magagandang features nito ay ang easy-one-finger control, sa pamamagitan ng paggamit ng isang daliri lamang ay makokontrol mo ang bawat galaw ng bola, tuluy-tuloy din ang iyong paglalaro. May mga iba’t ibang level din ang bilis ng rhythm at beat ng mga kanta, dito sumasabay ang paggalaw ng mga tiles. Pwede kang pumili kung anong level ang lalaruin mo. Anong level kaya ang kayang-kaya mong malampasan? Syempre habang tumataas ang level ay mas bumibilis din ang kanta. Kailangan din ng sapat na coins para makausad ka sa susunod na level ng laro. Mananalo ka ng mga coins sa bawat tamang tiles na iyong tatamaan. May multipliers din ito na stars na magpapataas sa iyong mapapanalunan. Kung gusto mo na dumami ang iyong coins ay dapat ang mga tiles na may simbolong stars at diamonds ang uunahin mong matalbugan. Pwede rin na gamitin mo ang mga coins na napanalunan mo upang magdagdag ng bagong tugtog. Marami kang mapagpipiliang tugtog dito at maaari din na gamitin mo ang iyong paboritong kanta.
Isa sa mga hindi mo gugustuhin sa larong ito ay ang paglitaw ng mga ads. Kung gusto mo itong matigil, o kaya naman ay bumili ng diamond packages, maaari kang magbayad ng maliit na halaga. Pero may tipid factor din naman sa paglalaro nito. Isang offline game ang Color Hop kaya hindi mo kailangan ng internet connection o bumili pa ng karagdagang data para makapaglaro sa kahit anong oras o sa kahit saang lupalop ka man naroroon. Nakakalungkot nga lamang na hindi ka mananalo ng mga papremyo dito at walang paraan para kumita ng pera habang naglalaro.
Konklusyon
Ang malagong gaming industry ay nagbigay-daan upang makagawa ng napakaraming uri ng mga laro. Minsan, mapagtantanto natin ang kawalan ng pagkakaiba ng mga ito sa sobrang higpit kasi ng kumpitensya sa market. Marami na ring mga karagdagang mga gimik at kung anu-ano pang paandar para pumatok ito sa mga manlalaro.
Ang ganitong sistema ang madalas na dahilan kung bakit marami na rin ang mga larong kumplikado at nakakabagot. Kadalasan ang mga ito ay nagiging magulo dahil sa sobrang dami ng mga panuntunan at mga features na sa halip na makatulong ay madalas nagiging dahilan pa ng palaging pagka-crash at pagla-lag ng laro. Mahirap talagang makahanap ng larong talagang angkop sa iyong pangangailangan at kagustuhan.
Sino ba ang ayaw sa musika? Sino ba ang magsasawa dito? Wala itong pinipiling edad o estado sa buhay – ito ay para sa lahat. Kung gusto mo ng larong babalik-balikan mo, siguradong ang Color Hop 3D na ang hinahanap mo. Subukan ito habang pinapakinggan ang paborito mong kanta. Kung naghahanap ka naman ng magandang alternatibong laro, at ang gamit mo ay isang android device, at gusto mong kumita ng totoong pera, pwede mong subukan ang Big Win Club App. Mas maraming mga laro ang mapagpipilan at maaaring pang mapagkakitaan. Baka dito mo mahanap ang mga larong swak sa iyong panlasa.