Ano ang Color Lines Game Online?
Ang Color Lines game ay isang matinik na puzzle na makakatulong sa iyong mapabuti ang iyong pag-iisip, pangangatwiran, at konsentrasyon.
Ito ay isang klasik na laro na nagsimula pa noong 80’s at 90’s. Ito ay patuloy na tinatangkilik hanggang ngayon dahil sa simple at kaakit-akit nitong vibe.
Sa paglalaro nito, dapat ay relaks at subukang huwang munang isipin ang iyong regular na mga gawain. Mula sa iyong pang-araw-araw na boring routine, ang larong ito ay tiyak na magpapabago ng iyong araw. Magkakaroon ka rin ng pagkakataong patalasin ang pag-iisip at maging mas matalino habang natututo ka ng mga tricks at diskarte para matiyak na mananalo ka.
Simple lamang laruin ang bubble puzzle na ito ngunit kailangan mong planuhin nang mabuti ang iyong mga galaw kung gusto mong mahigitan pa ang iyong nakaraang pinakamataas na marka. Sa bawat round at color line, mas mapapabuti mo pa ang iyong diskarte.
Ang layunin ng laro ay ang makaipon ng maraming puntos hangga’t kaya, bago pa maubusan ng bola ang board.
Upang laruin ang Color Line games kailangan mong ihilera ang limang magkakakulay na mga bola sa isang hanay. Kapag nagawa mo ito, ang limang bola ay mawawala at sa ganitong paraan ka magkakaroon ng puntos.
Matapos nito, sa pagkawala ng limang bola, may tatlong bagong bola na magkakaibang kulay na lalabas at patuloy lamang itong dapat laruin.
Upang magalaw ang bola, kailangan mo itong pindutin. Nagsisimulang tumalbog ang bola pabalik-balik. Pagkatapos, puntiryahin ang parisukat kung saan mo gustong ilipat ang bola, at i-click ito. Maaaring ihilera ang mga bola ng pahalang, patayo, o diyagonal.
Ang mga simpleng laro na pampatalas ng isip tulad ng color lines games ay paborito ng napakaraming tao.
Mayroong kaunting mga distractions. Pero ang punto nito ay upang matuto ng mga partikular na kasanayan sa utak. Ang laro ay nagiging mas mahirap habang ang mga karagdagang bola ay lumalabas screen. Dapat na maging mahusay sa bawat galaw upang makasigurado ng panalo at makakuha ng resulta na pabor sa iyo.
Sa color lines game, talagang maho-hook ka dahil sinasanay nito ang iyong utak para mag-isip ng mga diskarte at pakulo. Mayroong mga trick at diskarte upang hindi lang basta masaya, dapat sigurado din syempre na mananalo.
Paano laruin ang games for the brain colored lines?
Ang regular na paglalaro ng color game online ay nakakatulong para maging madali ang pagkatuto. Dahil sa pinakamatitinding hamon, mapapaisip ka talaga kung paano dumiskarte upang masiguro ang panalo.
Upang mailipat ang isang bola, piliin ito gamit ang mouse (lilitaw ang isang bilog), pagkatapos ay mag-click sa isang libreng cell. Mag-click lamang ng isa pang bola kung sakaling nais mong baguhin ang kulay na napili. Kung posible ang paggalaw, ang papuntahin ang bola ay sa isang patlang o space. Tatlong bagong bola ang lilitaw pagkatapos ng bawat pag-ikot (mga random na kulay).
Ang layunin ng laro ay gawing nakahilera ang mga bola na may pare-parehong kulay (sa kahit anong direksyon). Ikaw ay magkakamit ng mga puntos sa paglalaro kapag nagawa mong maalis ang lima o higit pang mga bola na may magkakaparehas na kulay sa isang hilera. Ang mas mahahabang linya ay makakakuha nang higit pang mga puntos. Ang mga linya na magkasalubong ay may isang puntos din .
Siguraduhin na makumpleto ang isang hilera ng limang magkakakulay na bola
Ang pinakamabisang paraan upang manalo sa Color Lines game online ay panatilihing walang laman ang board at dapat abangan kung saan mahuhulog ang mga bagong bola.
Isiping mabuti ang sumusunod na senaryo, halimbawa:
Mayroon kang dalawang lila at dalawang pulang bola sa board at malapit mo nang magamit ang dalawa pang pulang bola. Upang simulan ang unang linya, subukang ilipat ang mga pulang bola.
Pagkatapos kung mayroon kang dalawang berdeng bola at isang itim na parating, at mayroon kang dalawang itim at isang berde, dito na magsisimula ang pagdiskarte sa Color Lines game:
Ang rekomendasyon ay ilipat ang pulang bola upang mayroong hindi bababa sa tatlong pulang bola na nakahanay. Pagkatapos ay maghintay para sa higit pang mga berde at itim na bola na lilitaw sa board. Gayundin, magbigay ng lugar para sa posibilidad na may mga bolang kulay-lila na biglang lilitaw.
Tandaan na kung gumagamit ka ng isang bola upang i-block ang isa pang linya ng kulay, tiyaking pareho ang kulay ng iba pang linya upang mabuo o mapalago ito. Upang i-block ang pulang linya, maglipat ng isang berdeng bola.
Masiyahan at praktisin ang iyong utak
Ang mga larong tulad nito ay isang mahusay na paraan upang masanay ang iyong utak sa “games for the brain” Colored Lines. Tulad nga ng kasabihan, ang utak ay hindi kailanman tumatanda at lamang ang mga taong lagi itong ginagamit at sinasanay nang madalas. Ang paglalaro ay isang talagang ehersisyo para sa kaisipan na maari ring maging isang libangan. Ayon sa mga pag-aaral, ang paglalaro ng video games araw-araw ay maaaring makakatulong na madagdagan ang gray matter sa utak at mapabuti ang koneksyon nito sa katawan. Ang pagkontrol ng mga kalamnan, mga alaala, at pang-unawa ay naka-link sa grey matter.
Ang larong ito ay hindi lamang nagbibigay ng kasiyahan, may hatid din itong kiliti sa utak at isip. Ang Color Lines game na ito ay maaaring laruin ng mga tao anuman ang edad. Tiyak na magugustuhan ito ng mga bata dahil mayroon itong mga kulay at hugis na pumupukaw sa kanilang visual interest. Tiyak na maaaliw din sa laro ang mga kakilalang na nasa hustong gulang na. Kaya ayain din silang maglaro!
Maaaring turuan ka ng mga laro na maging isang mas mahusay na problem solver. Ang mga laro na open world, batay sa misyon, at may mga levels na dapat kumpletuhin ay dinisenyo upang maging mahirap na mga puzzle na tumatagal ng mahabang oras bago pa malutas. Ang solusyon ay nag-iiba depende sa iyong mga aktibidad sa laro. Ang pagsasanay na makapag-isip ng mabilis ay isang skill na maaaring magamit sa totoong buhay.
Ang kagandahan pa nito ay may mga natutunan kang bago nang hindi mo namamalayan, habang naglalaro at nalilibang.
Sa larong ito, kapag mataas ang iyong iskor ibig sabihin ay wais ang iyong mga galaw. Kapag tapos ka na sa mga gawain, ang Color Lines game ay maaaring makatulong sa iyo bilang pampalipas oras habang hinahamon rin ang iyong talino! Ito ay isang laro na hindi mo dapat palampasin. Kaya subukan mo na!