Ano ang Tile Color Matching Game?
Ang Tile Color Matching Game ay nabuo sa pamamagitan ng pagsasama ng konsepto ng kulay at tradisyunal na tile matching games. Ang mga larong tulad nito ay kilala na bago pa mauso ang paglalaro gamit ang mobile gadgets. Ang isang sikat na halimbawa nito ay ang larong Tetris na nagsimula sa arcade at patuloy na naisama sa makabagong teknolohiya ng mobile gaming. Sa ngayon, nagbago na ang tile matching games at maaari nang malagyan ng kulay sa tulong ng modernong graphics. Ang kategoryang ito ay ang tinatawag na Tile Color Matching Game at ang pagkakatuklas nito ang nagpausbong sa iba’t ibang klase ng laro na kinahuhumalingan ng karamihan ngayon. Ang paglalagay ng kulay sa mga ‘tiles’ ang nagpasimula ng ideya na maaaring gamitin ang mga bagay sa totoong buhay bilang konsepto ng laro. Ang mga halimbawa nito ay ang makukulay na mga candy, prutas, gulay, hayop, at marami pang iba.
Mga Pinakakilalang Tile Color Matching Game sa Mobile Gadgets
Ang paglikha ng kategoryang Tile Color Matching Game ay nagbigay-daan sa pag-unlad ng industriya ng libangan at laro. Narito ang mga pinakakilalang Tile Color Matching Game sa mobile gadgets:
- Tetris Blitz
Syempre, hindi mawawala sa listahan ang pinakasikat at pinakanagtagal na Tile Color Matching Game: ang Tetris Blitz. Ang larong ito ay binuo ng EA at naglalaman ng araw-araw na mga hamon, epic na labanan at iba’t ibang paligsahan. Ang lumang laro sa arcade na Tetris ay naging makabago dahil sa pagkalikha ng Tetris Blitz.
- Candy Crush Saga
‘Sweet!’ Iyan ang madalas mong marinig na salita mula sa sikat na larong Candy Crush Saga. Masusubukan ng larong ito ang iyong ngipin sa mga matatamis na mga candy. Ito ay nasa ilalim ng kategoryang ‘Match-3’ kung saan kailangan mong maitugma ang tatlong magkakaparehong candy upang matapos ang isang level. Ang laro ay binubuo ng maraming levels na susubukan ang iyong galing at liksi sa paghahanap ng magkakatulad na candies. Maaari ring laruin ang mga level sa iba’t ibang game modes. Magkakaroon ka ng matamis na premyo sa araw-araw mong paglalaro nito.
- Bubble Witch 3 Saga
Tampok naman sa sikat na larong ito si Stella, isang mabait na bruha, na nagpapatulong upang magapi ang makulit na si ‘Wilbur The Cat’. Upang matalo si Wilbur, kailangan mong maitutok ng tama ang makulay na bula upang matamaan ang tumpok ng mga bula na kakulay nito. Ang pangatlong bersyon ng Bubble Witch ay nagdagdag ng mga bagong modes, booster at mga bonus.
- Bejeweled Blitz
Ang Bejeweled Blitz ay ang sikat na Tile Color Matching Game mula taong 2000 hanggang sa ngayon. Ang layunin ng laro ay tapusin ang mga level sa pamamagitan ng pagpapasabog sa mga makikinang na hiyas sa loob ng isang minuto. Upang maubos ang mga hiyas, kailangan mo munang itugma ang mga magkakakulay na hiyas upang magkaroon ng mga combo at makakuha ng mga booster.
- Pet Rescue Saga
Sa larong Pet Rescue Saga, kailangang iligtas ng mga ‘pet rescuers’ sa kamay ng mga masasamang ‘pet snatchers’ ang mga cute na alagang hayop. Gaya ng karamihan sa mga Tile Color Matching Games, kailangang itugma at ihanay ang magkakakulay na mga bloke upang makaraan ang mga pet rescuers at mailigtas ang mga alagang hayop. May mga features rin ang laro tulad ng kulungan ng mga hayop, mga bomba, mga kahon ng pintura at marami pang iba.
- Pokémon Shuffle
Bago mo hulihin lahat ng mga cute na pocket monsters o Pokemon, kailangan mo munang magkaroon ng larong ito. Ang mga manlalaro ay magle-level up sa pangongolekta at pagdaig ng mga ‘wild’ na pokemon. Kinakailangan lang nilang itugma ang mga makukulay na pokemon upang malutas ang mga levels ng laro.
- Marvel Puzzle Quest
Ang larong ito ay para sa iyo kung mahilig ka sa Marvel superheroes. Maaari mo nang magampanan ang papel ng mga paborito mong superhero at bumuo ng gusto mong ‘Dream Team’ upang mapuksa ang mga masasamang kontrabida habang pinagtutugma mo ang makukulay na mga tiles. Ang sikat na mga hero na tampok sa larong ito ay ang mga nasa palabas na Avengers, X-Men, at iba pang mga kilalang hero sa Marvel Comics.
- Chuzzle 2
Ang Chuzzles ay ang mga tampok na malalambot at cute na pets sa Chuzzles 2. Ang mga makukulay na nilalang na ito ay kailangang itugma at pagsama-samahin upang sila ay pumutok at ma-clear ang mga epic na pagsubok sa larong ito.
- Fruit Dash
Sawa ka na bang maglaro ng mga hiyas, candy, bula at mga alagang hayop? Ang larong Fruit Dash naman ay nagtatampok ng masasarap at masusustansyang mga prutas na kailangang mailabas sa kani-kanilang kahon. Kailangan lang itugma ang mga magkakaparehas na prutas upang masira ang mga kahon na hadlang sa iyong daanan.
- Bubble Fish
Ang larong ito ay hango sa larong Bubble Witch ngunit dadalhin ka nito sa mga tanawin sa ilalim ng karagatan. Ililigtas ng manlalaro ang mga isda sa pamamagitan ng tulong mula sa sirenang si Anna. Kailangang paputukin ang mga bula sa pamamagitan ng pagtutok at pagpapatama ng isang makulay na bula sa mga kumpol ng bulang kakulay nito. Kolektahin ang mga starfish habang pinapaputok mo ang mga bula.
- Garden Mania 2
Kung nasiyahan ka sa Fruit Dash, kailangan mo ring subukan ang Garden Mania 2. Ito ay kumbinasyon ng farming game at Tile Color Matching Game. Kailangan mo lang itugma ang tatlong magkakaparehong pananim upang manalo. Itinatampok rin sa laro ang iba’t ibang mga pagsubok tulad ng pagputok ng bulkan, pagpapatayo at pagpapaunlad ng ‘Garden Club’, paggamot sa mga sakit ng mga halaman, at pagpulot ng mga niyog.
- Pet Pop
Ang pag-download sa larong ito ay may kaakibat na babala: matatangay ka sa sobrang cute ng mga alagang hayop dito! Ang nag-develop sa larong Garden Mania rin ang lumikha sa Pet Pop. Kailangan mo lang itugma ang mga magkakaparehong hayop. Hindi tulad ng Bejeweled Blitz, ang larong ito ay walang time limit!
- Cookie Jam
Kung nakahiligan mo ang larong Candy Crush, siguradong magugustuhan mo rin ang larong Cookie Jam. Mapupuntahan mo ang iba’t ibang isla na punung-puno ng mga panghimagas. Ang layunin ng laro ay madurog ang mga cookies sa tulong ni Chef Panda bago maubos ang oras at mailagay ang mga ito sa Cookie Jam. Kailangang itugma ang magkakaparehong mga pagkain upang madurog ang mga cookies na nasa tabi ng mga ito.
- Penguin Pals
Ang larong Penguin Pals ay napakagandang laro na may kasamang pagpapaalala: matigil na sana ang mga ilegal na pagkuha ng langis sa Karagatang Artiko (Artic Ocean) dahil sa pagsira nito sa buhay ng mga hayop sa rehiyon tulad ng mga penguin. Ang layunin ng laro ay matulungan ang limang cute na Penguin Pals na talunin ang mga Oil Bears na nagpapalaganap ng polusyon sa isang nagyeyelong isla.
Ang lahat ng mga larong itinampok sa listahan ay maaaring ma-download ng libre sa Google Play Store. Maaari rin itong ma-download sa App Store bukod sa Pet Pop at Penguin Pals.
Konklusyon
Ang pagkakalikha ng kategoryang Tile Color Matching Game ay naging daan sa pag-unlad ng industriya ng libangan at laro. Sa tulong ng kategoryang ito, maraming kathang-isip na mga senaryo na galing din sa mga tunay na bagay sa mundo ang ginawan ng nakakatuwang mga laro na kinababaliwan ng marami. Siguradong marami pang maaabangan na laro sa ilalalim ng kategoryang ito. Ang ilan sa mga pinakakilalang Tile Color Matching Game sa mobile gadgets ay naitampok na dito. Kung naadik ka sa mga nabanggit na laro, siguradong maaadik ka rin sa mga susunod na ilalabas pang mga Tile Color Matching Game.
Kung gusto mo namang maiba ang iyong nilalaro, dito ka na sa bago! I-download ang Big Win Club app para sa mas marami pang laro online kasama ang mga totoong tao. Ito ay may patas na kumpetisyon at magbibigay sa iyo ng magandang pakiramdam.