Ito ay isang masaya at nakakaaliw na card game na nangangailangan ng color coordination at pagiging listo. Ang mga manlalaro ay isa-isang maglalagay ng kanilang mga splats sa stack hanggang sa magkaroon ng splat na may katugmang pangalan ng kulay. Ang tawag dito ay Smash. Maglaro at mangolekta ng pinakamaraming cards para manalo sa laro.
Ang Color Smash Game
Gaya ng nabanggit, ang Color Smash ay isang laro na kinakailangan ng bilis. Sa tuwing titira ang bawat player dapat silang mag-flip ng isang card.
Kung ang card ay naglalaman ng text na tugma sa tamang pangalan ng kulay, dapat i-slap ito upang makuha ang atensyon ng iba pang kasali sa laro. Ang may pinakamabilis na akmang reaksyon sa bawat pagbaliktad ng card ang malaki ang potensyal na manalo laro.
Pagkatapos malaro ang lahat ng cards, ang player na may pinakamaraming cards na napanalunan o nakuha ang siyang panalo.
Ang larong ito ay pwede sa mga edad 6, pataas. Gamitin ang bilis sa fast-paced card game na ito. Bantayang maigi ang mga matching cards at mangolekta ng maraming cards upang matalo ang iyong mga kalaro.
Laman ng Card Set
- 113 na mga Color Game cards
- Lalagyan ng cards
- Kabuuang instruction sa paglalaro
Mga Tampok at Detalye
- Mag-slap upang manalo sa larong ito na susubok sa iyong kaalaman sa color coordination.
- Mayroong fast-paced na gameplay na pinapanatiling nakatutok ang lahat ng kalahok sa laro.
- Mangolekta ng mas maraming cards upang manalo.
- May kasamang maganda, makulay at natatanging kahon kung saan nilalagay ang mga cards upang hindi mawala o magkulang.
- Maaaring laruin ng mga bata at matatanda, mula edad 6, pataas.
- Mayroong intermediate skill level.
Ang Gameplay
I-deal ang mga card at ipamahagi sa lahat ng mga kalahok. Dapat ay manatiling nakataob muna ang mga ito. Ang manlalaro na may suot na pinakamaraming kulay ang mauuna at ang laro ay magpapatuloy sa clockwise rotation.
Pagkatapos nito, ang intensyon ay i-turn over isa-isa ang mga card sa gitna. Sa nabanggit na pagkakasunod ng mga manlalaro, ang top card ay babaliktarin (dapat ay nakatihaya) upang makita ng iba pang manlalaro at ilalagay ito sa gitna ng mesa na unti-unting bubuo ng isang pile.
Ang bawat bagong color splat ay matatabunan ang naunang card. Kung ang card ay nagpapakita ng splat na walang nakalagay na sulat ng alinmang kulay, walang mangyayari dito. Magpapatuloy ang laro at hindi dapat i-hit ng mga manlalaro ang pile. Pagkatapos, ang turn ay mapupunta sa susunod na manlalaro. Kung mayroong nakasulat sa isang card, basahin ito at tukuyin kung ang nakalagay na salita ay tumutugma sa kulay. Kung hindi ito ang magkatugma, huwag itong i-slap. Kung sakaling ito naman ay magkatugma, i-slap kaagad ang card ng mabilis upang makuha ang buong pile.
Ang bawat card ay mayroong bilang na isang puntos. Kung nagkamali man ang isang manlalaro sa pagka-slap ng cards, siya ay dapat na maglagay ng 5 cards sa gitna at mabibigyan din ang player ng warning. Kung sakaling maubos ang kanyang cards dahil sa nagawang pagkakamali, hindi na ito makakasali pa sa hit. Kung sino man ang mayroong pinakamaraming puntos kapag naubos na ang lahat ng cards ay siyang mananalo sa laro.
Pagdating sa card games, kung ikaw ay naghahanap ng ibang mapaglilibangang laro, subukan ang Big Win Club app. Ito ay isang gaming app ng pagsusugal. Maraming larong casino ang maaring subukan dito tulad ng sikat na larong Pinoy na Tong-its.
Ang Steal Card
Kapag ang Steal Card ay nilalaro, paunahan ang mga manlalaro na mag-slap sa pile. Ang mananalo ay pinahihintulutang “magnakaw” o kumuha ng 5 sa mga cards na nakolekta na ng kalaban.
Pagtatapos ng Laro
Sa karaniwang paglalaro, matatapos lang ito kapag nagamit na ang lahat ng mga baraha. Pagsasamahin ng mga manlalaro ang anumang natirang hawak na mga card sa mga inilagay nila sa gilid habang naglalaro. Ang mga card naman na natitira sa gitnang pile ay hindi na binibilang. Ang magwawagi rito ay ang manlalaro na may pinakamaraming bilang ng cards sa pagtatapos ng laro.
Bakit Nakakaaliw Itong Laruin?
Madaling matutunan ang laro
- Ang mga cards ng Color Smash game ay kailangang i-shuffle at i-deal nang pantay-pantay at hindi dapat makita ng mga manlalaro. Isa-isang babaliktarin ng mga manlalaro ang kanilang una o top card at ilalagay ito sa gitna na bubuo ng isang tumpok. Magkakaroon ng clockwise rotation sa lahat ng kasali sa laro upang madaling matukoy ang pagkakasunud-sunod ng dapat tumira.
Bumubuo ng visual perception
- Kung ang text para sa kulay ay hindi tumutugma sa mismong kulay ng card splat, huwag i-slap o smash ang pile. Kung sakaling magkamali at ma-slap ito ng sinumang manlalaro, dapat itong maglagay ang 5 card sa ilalim ng gitnang pile bilang parusa, at magpapatuloy ang laro.
Pinapanatili ang lahat ng manlalaro na nakatutok sa laro
- Kung ang card ay nagpapakita ng isang splat na walang kulay na salita, ang laro ay magpapatuloy sa susunod na manlalaro para siya naman ang magpi-flip ng isang card. Kung ang card ay nagpapakita ng isang color splat at ang katugmang kulay na salita, lahat ng mga manlalaro ay susubukang i-slap o smash ang stack nang mabilis hangga’t maaari. Ang unang manlalaro na makapag-slap sa pile ay ang mananalo at kukunin ang lahat ng card sa pile at itatabi muna ang mga ito hanggang matapos ang laro.
Manalo sa laro
- Kapag nagamit na ang lahat ng card, binibilang ng mga manlalaro ang lahat ng kanilang mga nakuhang card. Ang manlalaro na may pinakamaraming card na naipon ang mananalo. Para sa alternatibong gameplay, pareho lang ang mga panuntunan maliban lang kapag nanalo ang isang manlalaro sa isang slap, ang mga cards ay idinadagdag sa ilalim ng kanilang kamay sa halip na ilagay sa gilid. Ang magwawagi ay ang manlalaro na nakakolekta ng pinakamaraming cards.
Konklusyon
Ang Color Smash ay isang mahusay na laro para sa pagpapabilis ng kasanayan sa pagproseso ng impormasyon at ginagawa rin nitong epektibo at magaan ang pagtuturo ng mga kulay. Ito ay nagdudulot ng saya sa lahat ng mga manlalaro at gustung-gusto din ng mga bata. Bukod sa meron na itong lalagyan pagkabili, maliit lang din ito at madali lang madala saan mang lugar. Ito rin ay isang magandang ideya ng laro para sa mga matatanda tuwing mayroong inuman o kasiyahan.