Ang Color wheel game ay isang flexible na laro. Pwede itong gawin ng solo o may mga kalaro. Pagpapalit-palitin lamang ang mga piraso o pyramid sa wheelboard hanggang sa ang lahat ay mapangkat o mapagtabi-tabi ang magkatulad na kulay. Ang larong ito ay dinisenyo ni Andrew Looney at ipinakilala noong 2014.
Sa color wheel game, mayroon kang dalawampu’t-pitong galaw upang buuin at ayusin ang mga pinaghalo-halong mga piraso na nasa wheel board sa pagsisimula nang laro. Maaari mo itong laruin gamit ang anim na magkakaibang istilo ng paglalaro: solo, cooperative, may timer, head-to-head, rainbow, at ang escape-room.
Ang larong ito ay mabilis lang at napakasimple. Maaari itong laruin ng 1-5 katao. Para makapaglaro, kailangan mo lang ang lahat ng 90 pyramids sa pyramid arcade (3 trio bawat isa sa 10 magkakaibang kulay) at ang wheel board. Ang trio ay tatlong mga pyramid pieces na makakapareho ng kulay – isang maliit, isang katamtaman, at isang malaki. Ito ang mga pangunahing yunit ng system. Ang isang trio ay madalas na tinatawag na isang puno, dahil ang mga piraso ay kahawig ng isang pine tree kapag pinagpatung-patong. Ang bawat piraso ay minarkahan ng 1, 2, o 3.
Paano maglaro ng color wheel game?
Upang simulan ang paglalaro ng color wheel game, ihanda muna ang ten-sided wheel board at punan ito ng pinaghalo-halong piraso ng mga pyramids. Dapat ang bawat piraso ay kasukat ng mga espasyo na nasa board. Para masiguradong random at patas ang pagsisimula ng laro, maaring ilagay muna ang lahat ng makukulay na piraso sa loob ng isang bag o kahit anong lalagyan at bunutin ng paisa-isa ang mga ilalagay sa board. Tandaan na hindi dapat magtabi ang parehong kulay para mas maging challenging ang laban. Ang mga pyramid na monochromatic o kulay itim, puti at clear o transparent ay ginagamit bilang pananda kung ilang galaw na ang nagagawa ng bawat player.
Ang layunin ng larong ito ay magpagtabi-tabi ang lahat ng magkakakulay sa pamamagitan ng pagpapalit ng dalawang mgakasukat na pyramid sa bawat tira. Para ka lang ding naglalaro ng rubik’s cube. Ang hamon ng laro ay ang pagkakaroon ng limitadong bilang ng mga galaw upang maigrupo ang bawat kulay.
Para malaro ang color wheel game, maaari mong baguhin ang pagkakaayos ng board sa dalawang magkaibang paraan – sa pamamagitan ng pagpapalit ng dalawang piraso na magkapareho ang laki, o alinmang dalawang piraso na magkapareho ang kulay. Kadalasan, ang mga pirasong magkapareho ng laki ang pinagpapalit, ngunit paminsan-minsan ay kailangan nang gawin ang pagpapalit ng kulay upang mapunta ang ilang piraso sa mga gustong posisyon. Kung sino ang huling tumira para mabuo na ang color wheel, siya ang panalo.
Gayunpaman, huwag kakalimutan na itala ang bawat galaw sa pamamagitan ng mga itim, puti at clear na pyramids. Tandaan na kapag hindi natapos ang pag-aayos ng color wheel sa pamamagitan ng 27 moves, tabla ang kalalabasan ng laro at kailangan magsimula muli. Matalo ka man o mabigo, ganyan talaga ang mga puzzles. May mga pagkakataong hindi ito nabubuo.
Iba pang mga istilo para sa paglalaro ng color wheel game
Maraming mga estilo sa paglalaro ng color wheel game. Narito ang 6 na madalas magamit:
Solo style
Para ito sa mga taong mas gusto na maglaro nang mag-isa habang sinusubukang lutasin ang puzzle nang walang tulong mula kanino. Kahit na mas masayang magkaroon ng ibang taong sangkot sa pagbuo ng puzzle, may mga pagkakataong gugustuhin mong maglaro ng solo para mas maaral pa ang iba’t ibang teknik. Kapag marami ka nang baong moves at kabisado mo na ang pasikot-sikot ng board, oras na para maghanap ng kalaro at subukan ang cooperative-style game.
Cooperative-Style
Maaaring maglaro bilang isang grupo at ang mga manlalaro ay maaaring magpalit-palit lamang sa pagtira nang magkakasunod. Pwede rin naman ang freestyle, tapos sasali o sisingit na lang ang sinuman sa grupo kapag may nakita itong uubrang galaw. Tanungin din ang iba pang kasama kung may nakikita pa silang magandang diskarte o galaw sa board. Kung wala naman, bumalik na ulit sa freestyle mode.
Timer-style
Ang isa pang paraan upang lalong ganahan sa paglalaro ng color wheel ay ang paghamon sa iyong kakayahan gamit ang isang timer. Sa halip na bilangin ang iyong mga galaw, maaari kang gumamit ng stopwatch upang masukat ang iyong bilis sa pag-aayos ng color wheel. Maaaring umulit sa laro kahit pa ilang beses para madaig ang pinakamabilis mong naitalang oras ng pag-aayos o maaari ring hamunin ang isa sa mga kapamilya o kaibigan na daigin ang iyong record.
Head-to-head Style
Kapag head-to-head na ang labanan, maaaring gumamit ng timer habang may dalawa o mahigit na players na may kanya-kanyang wheel board. Ang may pinakamaikling oras sa paglutas ng color wheel puzzle ang mananalo. Kung wala naman magagamit na stopwatch, maaaring magbilang ng moves ang mga players at ang may pinakakaunting bilang ng mga galaw ang magwawagi.
Rainbow Style
Dumako naman tayo sa rainbow style. Ito ay masasabing “level up stage” ng laro. Para mas maging challenging ang paglalaro nito, dagdagan ang mechanics ng isa pang rule na dapat ay susundin ang rainbow sequence sa pagbuo ng board. Dapat ay naaayon sa pagkakasunod-sunod na ROY G BIV (Red, Orange, Yellow, Green, Light Blue, Dark Blue, at Purple).
Escape-room Style
Kailangang gamitin ng lahat ang imahinasyon sa istilong ito. Kunwari ay nasa isang puzzle chamber ang grupo at kayo ay ikinulong ng isang evil villain. Dapat na tumulong ang bawat isa na malutas ang puzzle upang kayo ay makalabas. Kung hindi, pare-pareho kayong mapapahamak at mawawalan ng tsansang tumakas. Tandaan na hanggang 27 moves lang ang uubra. Kaya dali, paganahin ang utak at kilos na!
Ang larong color wheel ay talaga namang kawili-wili, mapanghamon, epektibong pantanggal-stress, masaya at magulo, pero may kasama ring pagkatuto at pampatalas ng isip na makakabuti para sa buong pamilya o mga magkakaibigan. Makakatulong ang larong ito sa mga bata, mag-aaral, at matatanda para mabawasan ang stress, matutong tumulong at magpahalaga sa ambag ng bawat isa, malinang pa ang pagkamalikhain, at mahasa ang atensyon sa mga detalye.
Kung mas marami pang libreng oras matapos ang laro, maaari mo ring subukan ang Big Win Club app para humanap ng isa pang nakakaaliw na libangan na makatulong sa iyong pagre-relax at para mawala ang pagkabagot!
Tayo na at maglaro!