Kilalanin ang Color Zen
Karamihan sa atin ay maagang namulat sa mapanghamong mundo ng mga palaisipan. Ito rin marahil ang pangunahing dahilan kung bakit marami ang nahihilig na maglaro nito. Ang iba nga ay ginagawa pang libangan ang pangongolekta ng iba’t ibang uri ng larong palaisipan. Ang mga halimbawa nito ay ang Jigsaw puzzles, Rubik’s cubes, at iba pa. Sa kasalukuyan, marami nang inilabas na iba’t ibang mga laro ngunit may pagkakatulad ang konsepto. Isa sa mga ito ang ipapakilala kong kakaibang laro – ang Color Zen.
Maraming uri ng larong palaisipan at masasabing nasa kategorya ng mechanical puzzle ang Color Zen. Sinusubukan nito ang iyong kakayahang mag-isip at magbigay ng solusyon. Maraming mga paraan na maaring gawin, kailangan lang piliin ang pinakaangkop sa lahat. Masusubukan talaga dito kung hanggang saan ang kayang maabot ng iyong imahinasyon.
Sa kabilang banda, ang larong ito ay nagbigay ng bagong twist sa mga lumang uri ng palaisipan. Sa tradisyunal na palaisipan, kailangan ng manlalarong pagdugtungin ang mga piraso ng puzzle upang ito ay mabuo. Hindi naman nalalayo dito ang layunin ng Color Zen game: kailangang mapuno ng iisang kulay ang buong screen. At para magawa ito, kailangang pagsamahin ang mga hugis na may magkakaparehong kulay.
Ang Nakakahumaling na Features at Gameplay ng Laro
Ang feature at gameplay ang nagbibigay-buhay sa isang laro. Mas nagiging kapanapanabik kasi ang paglalaro kapag ang features ay maganda at maayos ang gameplay. Ang konsepto mismo ng paglalaro ng puzzle ang nagpapasaya sa larong ito.
Ang Color Zen ay itinuturing din na isang abstract puzzle game, gumagamit ito ng iba’t ibang kulay at iba’t ibang hugis. Maganda at nakakaaliw ang de-kalidad at makulay nitong graphics. Parang idinuduyan ka rin habang nakikinig sa soundtrack nitong gawa ni Steve Woodzell na isang sikat na musikero at kompositor. Ang sound effects nito ay nakakatulong din na mas mahumaling ang mga manlalaro sa kakaibang mundo ng laro.
Pagtuunan naman natin ng pansin ang gameplay nito. Ang layunin sa larong ito ay mapuno ng isang kulay ang buong screen. Ang kulay ay kailangang katugma ng game screen border. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtutugma ng mga hugis na magkakapareho ang kulay. Madali lang ba itong gawin sa tingin mo? Maaari. Ngunit, may mga rounds o level na talaga namang hahamunin ang iyong diskarte. Susukatin nito kung gaano ka galing sa paggawa ng estratehiya upang malampasan ang mahirap na mga puzzles sa bawat level. Kailangan mong maging maingat sa bawat galaw at siguraduhing gagana talaga ang naisip mong paraan. Dinisenyo ang larong ito na walang kaakibat na pressure dahil wala itong time limit. Higit sa lahat, magagawa mong ulitin ang bawat levels ng kahit ilang beses. Sa paraang ito, marami kang mga pagkakataong makumpleto ang bawat hamon ayon sa iyong abilidad at istilo ng paglalaro.
Mga Kalamangan at Kahinaan ng Laro
Ang paglalaro ng mga palaisipan ay isang uri ng mind exercise. Hindi lamang nito ginagawang mas matalas ang ating pag-iisip kundi pampawala din ito ng stress at pagod. Maliban dito, ang iba pang magagandang epekto ng laro ay:
- Nakakatulong ito sa pagpapatalas ng iyong spatial visual intelligence. Ito ay tumutukoy sa kakayahan nating mag-isip at matuto gamit ang mga larawan, pag-unawa sa mga pattern at pagpapalawak ng malikhaing pag-iisip.
- Pinapalakas nito ang ating memorya.
- Tumutulong ito na sanayin ang koordinasyon ng kamay at mga mata. Ang dalawang parte ng katawan na ito ang pangunahing ginagamit para malutas ang mga hamon sa laro.
- Sinusubok nito ang problem solving skills. Sa ganitong paraan, mas naeenganyo tayong bumuo ng mga diskarte at estratehiya.
Ang mga sumusunod naman ay ang mga iba’t ibang reviews ng laro. Ang mga impormasyong ito ay nanggaling mismo sa mga matagal nang tumatangkilik nito. Maraming manlalaro ang pumupuri sa maganda nitong konsepto at sound effects, ngunit marami din ang nadismaya sa pinakabagong bersyon nito. Noon kasi ay libre itong nalalaro, may pagpipilian ang manlalaro kung gusto nilang maglaro nang tuluy-tuloy at walang sagabal na mga ads. Ngayon ay hinihikayat nito ang mga manlalaro na magbayad para sa ad-free version ng laro. Malaki kasi ang epekto nito sa iyong gaming experience. Kahit na sabihin pang halos perpekto ang feature at disenyo ng gameplay, ang paglitaw ng mga patalastas o ads ay nakakaistorbo sa konsentrasyon at pokus.
Konklusyon
Ang mga puzzles ay may mahalagang bahagi na ginagampanan sa ating pamumuhay sa loob ng maraming siglo. Patuloy itong nagbabago at nag-iiba ng anyo upang makasabay sa modernisasyon at teknolohiya. Mas naging kumplikado at nagkaroon ng kakaibang mga disenyo ang mga larong ito sa kasalukuyan. Ang mga ito ay hindi natin maaaring ituring na simpleng laro lamang. Hindi ito para lamang sa mga bata kundi para sa lahat. Matanda o bata man ay maaaring makinabang sa mga benepisyong dulot ng mga mechanical puzzles. Higit sa lahat, ang masaya at nakakaaliw na features at gameplay nito ay patok sa kahit sino. Isa pa sa itinuturing na kalakasan nito ay ang kakayahan ng mga manlalarong makontrol kung gaano kabilis ang kanilang magiging pag-usad sa laro.
Ang Color Zen ay maaaring malaro at mai-download sa eShop o kaya naman ay sa Play Store gamit ang iyong Android device. Kung ang gamit mo naman ay Apple device, huwag mag-alala sapagkat mayroon din nito sa App Store. Ito ay produkto ng kompanyang Secret Potion na nakabase sa New York. Simula ng inilabas ito sa Play Store noong Hunyo 5, 2013, mayroon na itong mahigit 1 milyon na downloads. Marami talaga ang nahumaling sa mapanghamong gameplay nito. Mayroon din itong mahigit 34,000 reviews at talaga namang nakakabilib ang nakuha nitong 4.2 average star rating sa Play Store. At hindi lang ‘yan, ang rating nito sa App Store ay higit na mataas mayroon itong 4.6 average ratings mula sa mga gumagamit ng iOS devices.
Naghahanap ka ba ng iba pang uri ng laro? Kung ang hanap mo ay mas nakakaaliw at tsansang manalo ng malaking halaga, subukan ang Big Win Club app. I-download ito sa iyong mobile device at maglaro ng mga casino games tulad ng slots, card games at iba pa. Marami nang nanalo kaya sumubok ka na rin! May naghihintay na mga bonggang papremyo para sa iyo.