Ang Makulay na Mundo ng Coloring Brawl Stars
Alam mo bang ang simpleng aktibidad ng pagkukulay ay may malaking naitutulong sa paghubog ng kakayahan ng mga bata? Ang makabuluhang gawaing ito ay nakakatulong sa pisikal, emosyonal at sikolohikal na aspeto ng kanilang paglaki. Ito din ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit sa murang edad pa lamang ay kailangang matuto na silang kumilala at gumamit ng mga iba’t ibang uri ng coloring materials. Sa katunayan, isa sa mga pinakapatok na aktibidad ang mga coloring games mula pa man noon. Sa kasalukuyan, maaari na ring makapagkulay ng mga larawan gamit ang mga gadgets. Mas marami pang mapagpipilian ngayon tulad ng mga hayop, mga halaman, mga tanawin o maging ang mga paboritong karakter. Gaano nga ba talaga ito kapaki-pakinabang? Paano ito nakakatulong na matuto at maging mahusay ang mga bata? Sabay-sabay nating alamin at tuklasin ang mga benepisyong hatid ng mga coloring games tulad ng Coloring Brawl Stars.
Kahalagahan ng Laro
Ang larong ito ay isang paraan para maipakita at maipahayag ng mga bata ang kanilang sarili at emosyon. Para sa mga matatanda, wika ang pangunahing ginagamit sa pakikipag-usap at pagpapahayag ng mga ideya at pananaw. Ngunit para sa mga musmos pa, nahihirapan silang gamitin ang wika para ipahayag ang kanilang sarili. Ang pagkukulay ay isang paraan upang maipakita ng mga bata ang kanilang pananaw sa mundo. Maaari din na matukoy ang emosyon at nararamdaman nila batay sa mga kulay at larawang kanilang ginagamit. May mga siyentipikong pag-aaral na nagpapatunay na mas nauunawaan at naipoproseso ng mga bata ang iba’t ibang uri ng impormasyon sa pamamagitan ng paggamit ng mga kulay at larawan.
Ang pangalawang benepisyo ng mga laro na tulad ng Coloring Brawl ay ang pagpapaunlad nito sa motor skills at hand-eye coordination ng mga bata. Ito rin ang mga pangunahing ginagamit sa paglalaro at pagkilos. Unti-unting nilang nasasanay ang mga kakayahang ito sa pamamagitan ng nakagawiang mga aktibidad. Ang kakayahan sa pagsusulat, pagkain, paglipat ng mga pahina ng libro at kung anu-anong pa ay mas napapabuti. Ang tamang pagkontrol sa mga kamay ay napakahalaga sa mga bata para magampanan nila ang iba’t ibang mga gawain, lalo na ang pag-aaral. Nagiging mas pamilyar at natututo rin sila sa larangan ng digital technology. Dahil sa paggamit ng iba’t ibang uri ng teknolohiya, mas nahuhubog ang kanilang kamalayan sa mga modernong bagay bilang paghahanda para sa kinabukasan. Natututunan nila ang mahahalagang gamit at ambag ng teknolohiya sa pang araw-araw na pamumuhay.
Pangatlo, hindi lamang ito nagdadala ng saya at aliw: ito ay isang uri din ng therapy. Sa katunayan ay ginagamit ang pagkukulay bilang isang paraan ng psychological assessment at intervention. Mayroon ding tinatawag na art therapy kung saan mas naipapahayag ng mga indibidwal ang kanilang sarili, paniniwala at karanasan sa pamamagitan ng art. Ang paggamit ng iba’t ibang uri ng pangkulay ay isang nakakarelaks na akitibidad upang pansamantalang makalimutan ang mga problema. Nakakatulong ito sa pagpapatalas ng pokus at konsentrasyon. Bagay din itong gawing pampakalma sa mga batang hindi mapakali, umiiyak at pati na sa mga may espesyal na pangangailangan. HIgit sa lahat, nakakatulong ito sa pagpapalawak ng kanilang imahinasyon.
Panghuli, nakakatulong din ito para mapataas ang kumpiyansa sa sarili ng mga batang nagsisimula pa lamang matuto. Natututo silang pahalagahan ang kanilang pagkakaiba. Sa pamamagitan ng paglikha ng makulay na larawan, nararamdaman nila ang saya na dulot ng pagsisikap at pagtatagumpay sa isang gawain. Sila ay nakakaramdam din ng pagmamalaki kapag nakatanggap ng mga positibong puna. Ito ay nagpapataas ng kanilang kumpiyansa sa sarili. Natututunan nila ang kahalagahan ng mabuting paggawa at pagsisikap. Ang mga batang lumaki sa ganitong uri ng kapaligiran ay nagkakaroon ng maganda at positibong pananaw hindi lamang sa kanilang sarili, pati na rin sa kanilang kapwa at sa mundo.
Mahalagang Paalala
Bukod sa mga nabanggit, ang pagkukulay ay isa sa mga pinakamaganda at makabuluhang paraan para makapag-bonding kasama ang mga magulang, kapatid, o pati ang buong pamilya. Ang paglalaro ng mga coloring books o coloring apps ay isang paraan upang magkaroon ng interaksyon ang mga bata na nagsisilbing gabay nila kung papaano makihalubilo sa iba. Bukod pa sa mga ito, nagkakaroon din ng pagkakataong sila ay maturuan at magabayan ng tama.
Ang pagkatuto ay isang napakahaba at kumplikadong proseso. Habang tayo ay nabubuhay, patuloy tayong natuto mula sa ating mga karanasan. Mahalagang sa murang edad pa lang ay tinutulungan na nating matuto ang mga bata sa pamamagitan ng mga nakakaaliw, at madali ngunit epektibong mga pamamaraan. Sa ngayon, hindi na kailangan pang gumastos ng malaki para makabili lang ng mga kagamitang pangkulay na madaling masira at mawala. May mga produktong pagkulay din na hindi mabuti sa kalusugan at kaligtasan ng mga bata kaya dapat talagang mag-ingat. Mabuti na lamang at mayroon ng maida-download na libreng app para sa mga bata. Talaga namang mamangha ka sa kung gaano kabilis at kagaling ang mga kabataan ngayon pagdating sa paggamit ng gadgets. Sa tulong ng tamang disiplina at pagtuturo, tiyak na isang malaking tulong ang mga coloring games upang magabayan ang mga kabataan sa tamang landas.
Konklusyon
Bilang mga nakakatanda, mga magulang o kapatid, napakahalagang magabayan ng mabuti ang mga kabataan mula sa murang edad hanggang sa kanilang paglaki. Tandaan na ang lahat ng kanilang natutunan mula nang sila ay maliit pa ang huhubog sa kanilang pagkatao – kung paano sila makikibagay sa kapwa at kung paano nila papahalagahan ang mga bagay-bagay. Iba talaga kapag ang isang simpleng larong pambata ay may hatid na mabubuting aral at mga mahahalagang benepisyo, kagaya na lamang ng iba’t ibang mga coloring apps sa makikita sa internet. Ito din ang isa sa mga pangunahing dahilan kung patuloy na tinatangkilik ang mga ito.
Ang Coloring Brawl Stars ay isa lamang sa libu-libong online app na hango sa mga tradisyunal na coloring books. Ang mga karakter sa sikat na larong Brawl Stars ng Supercell na inilabas noong Disyembre 2018 ang naging pangunahing inspirasyon ng color game na ito. Talagang patok na patok ito sa mga kabataang pamilyar sa nasabing laro.
Sa kabilang banda, para naman sa mga nasa hustong edad na at mahilig sa mga online casino games, ang Big Win Club app ang para sa iyo. Maraming mapamimiliang mga laro dito tulad ng Pusoy, Tongits, Lucky 9 at iba pa. May pagkakataon ka pang manalo ng mga tunay na papremyo.