Colour Wala Game: Ang Bagong Paraan Para Matuto ang mga Bata
Marami sa mga bata ngayon ang nahuhumaling sa paggamit ng mga gadgets. Halos buong buong araw ay nakatutok sila dito – sa paglalaro ng mga games o dahil sa panonood ng mga Tiktok videos at mga palabas sa YouTube. Halos ito na sa ngayon ang nagdadala ng kasiyahan sa kanila. Dati ang paglalaro ng piko, tagu-taguan, bahay-bahayan, at iba pang larong pambata ang pampalipas-oras ng maraming kabataan, pero ngayon ay hindi na nila ito magawa dahil ipinagbabawal sa mga bata ang paglabas. Sa loob ng apat na sulok na lang ng bahay sila nananatili at halos sa mga gadgets na umiinog ang kanilang mga mundo. Dahil sa mga pagbabagong dulot ng pandemya, nabawasan na rin ang panlabas na aktibidad at interaksyon ng mga bata. Maraming mga magulang ang hindi maiwasang mag-alala sa ganitong sitwasyon. Subalit kung gagamitin naman sa mabuting paraan na sasamahan pa ng tamang paggabay ng mga nakakatanda, ang paggamit ng mga gadgets tulad ng smartphones at tablets ay napakalaking tulong upang matuto ang kabataan. Isang magandang halimbawa nito ay ang paggamit ng mga learning games tulad ng Colour Wala Games.
Wala na sa uso ang mga coloring books na noon ay halos magkaubusan sa mga tindahan. Ngayon, ang mundo ng coloring books ay mas pinakulay pa at ginawang makabago. Dito ibinatay ang pangunahing konsepto ng laro. Karamihan sa mga aktwal na coloring books ay kakaunti lang ang mga pahina at madali pang masira. Kakailanganin mo din na bumili ng mga iba’t ibang pangkulay. Alam ng halos lahat ng magulang ang mga bagay na ito. Subalit, sa Colour Wala Games ang mga ito ay hindi na kailangan pang maghatid ng karagdagang abala.
Anu-ano ang Features nito?
Paborito talaga ng mga bata ang pagkukulay at pagguguhit. Sa paraan na ito kasi nila naipapahayag ang kanilang mga sarili. Ito din ay isang paraan para mapaunlad ang kanilang pagkamalikhain. Upang mabigyan ng magandang karanasan ang mga bata, ang larong ito ay mayroong mahigit sa 250 na mga pagpipiliang coloring pages. Bawat pahina ay naglalaman ng iba’t ibang educational materials na makakatulong sa kanilang pagkatuto. Nagsisilbi din itong recreational activity para sa mga bata. Habang naglalaro, natuto pa sila dito. Narito ang iba pang mga features ng larong ito na tiyak magugustuhan at ikasisiya ng mga bata:
- Ang lahat ng features nito ay 100% na libre. Wala kang babayaran sa free version nito. Hindi ka na rin kailangan pang gumastos sa mga pangkulay.
- Simple ang disenyo nito kaya madali itong maintindihan ng mga bata.
- May mga iba’t-ibang uri ng guhit ng lapis na mapagpipilian dito. Malaya silang magdesisyon at piliin kung ano ang gusto nila.
- Ito ay may tinatawag na “free mode feature” kung saan maaari silang gumuhit ng kahit na anumang gusto nila. Pwede rin silang mag-doodle gamit ang mga iba’t ibang art materials na nasa larong ito.
- May Glow Coloring Mode din ito kaya’t hindi lang magiging makulay ang mga gawa nila kundi magiging makinang din.
- Mayroon itong mahigit 100 na mga nakakaaliw na stickers na pwedeng gamitin at idikit sa kanilang mga gawa.
- Ang eraser function nito ay nagbibigay-kakayahan sa mga bata na burahin ang mga maling ginawa at palitan ito. Maaari din nilang gamitin ang undo function para bumalik sa blankong pahina.
- Pwedeng i-save at ilagay sa album ng app ang kanilang mga ginawa para hindi ito mawala. Kung gusto mo namang ipakita ang pagiging malikhain ng iyong anak ay pwede mo itong ipost sa mga social media platforms tulad ng Facebook, Instagram, at iba pa.
Gameplay
Madalas madaling mabagot ang mga bata sa paulit-ulit na mga bagay. May solusyon na dito ang Colour Wala Game. Tuklasin ang iba pang mga laro na meron dito:
- Drums. Dito matuto ang mga bata kung paano maglaro ng tambol at maranasan ang pagiging musikero.
- Pop Balloons. Kailangan na palakihin ang mga lobo sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagpindot ng mga balloons. Maaari din silang makinig sa iba’t ibang huni ng mga hayop.
- Magic Lines. Gamit lamang ang mga linya, makakagawa na ang mga bata ng sarili nilang makukulay na fireworks display.
- Aviator. Paganahin ang kanilang imahinasyon at hayaan silang subukang magpalapag ng eroplano.
- Sea. Dito makikita ng mga bata ang nakakabighaning mundo sa pusod ng dagat at mararanasang makipaglaro sa mga makukulay na isda.
- Pixel Art. Ito ang magpapakita ng pagkamalikhain ng mga bata sa pamamagitan ng pagguhit ng mga tauhan gamit ang pixel.
Mga Iba’t bang Uri ng Leksyon at Kasanayan na Pwedeng Matutunan ng mga Bata
- Kilalanin ang iba’t ibang hayop.
- Kilalanin ang mga uri ng transportasyon.
- Matuto ng mga alphabet at numbers.
- Makilala at makagawa ng iba’t ibang uri ng mga hugis.
- Connect Points. Matuto silang magbilang at mapapaunlad ang kanilang motor skills.
- May iba’t ibang tema din ito tulad ng pasko, halloween at iba pa.
- May mga iba’t ibang uri ng dinosaurs na pwede nilang kilalanin.
Konklusyon
Isa sa malalaking hamon na dulot ng pandemya ay kung paano maipagpapatuloy ang pag-aaral at pagkatuto ng mga kabataan. Hindi lamang ito pahirap sa mga mag-aaral, pati na din sa mga magulang. Walang aktwal na klase kaya’t kailangan talagang gabayan ang mga bata upang matuto.
Masasabi natin na talagang angkop sa kasalukuyang panahon ang konsepto ng Colour Wala Game. Kahit na noong 2016 pa ito inilabas ng developer na Orange Studio Games ay patuloy itong namamayagpag sa larangan ng learning games. Maganda din ang mga review para dito na nasa Play Store. Ito ay may nakakabilib na 4.2 star rating at may mahigit 50 milyon na downloads sa buong mundo. Sa loob ng limang taon, ito ay isa sa mga pinagkakatiwalaang alternatibong learning material para sa mga bata. Kaya malaking tulong talaga ito sa mga magulang. Ito ay isang offline game kaya maaari itong laruin ng mga bata kahit kailan at saan nila gustuhin. Hindi rin sila madaling mababagot sa paglalaro dahil sa dami ng mapagpipilian. Isa din ito sa mabisang paraan upang maging makabuluhan ang palaging paggamit ng mga bata ng gadgets. Subalit tulad ng ibang mga bagay, dapat din itong gamitin ng may moderasyon at tamang gabay ng mga magulang. Isa din ito sa mahahalagang bagay upang mas maging epektibo pa ang pagkatuto ng mga bata.
Kung sakali namang naghahanap ka ng mobile app na hindi pambata, maaari mong i-download ang Big Win Club App. Ito ay isang kilalang gaming platform na may malawak na pagpipilian ng mga sari-saring laro.