Matuto Habang Naglalaro ng Cover Orange
Ang kaalaman kung paano laruin ang Cover Orange ay maaaring makatulong sa mga magulang kaugnay sa pinakamatinding hamon na hinaharap nila ngayon: ang tiyakin na ang nilalaro ng mga anak sa smartphone, tablet at kung anumang gadget na mayroon sila ay mga larong kapupulutan ng aral o may mga matututunang bagay na makakapagpaunlad sa kanilang mga kasanayan.
Mahirap maihiwalay ang mga bata sa kanilang mga gadget lalo na ngayong kahit ang mga maliliit na bata ay may kani-kanyang nang gamit na smartphone. Ang tanging magagawa lang ng mga magulang ay tutukan at alamin ang mga apps na inilalagay ng mga anak nila sa mga gamit na ito upang siguraduhing ang mga na-install dito ay naaangkop para sa kanilang edad.
Ang isa pang maaaring gawin ng mga magulang ay sila mismo ang maghanap ng mga larong magugustuhan ng kanilang anak para malaro sa kanilang cellphone. Kung abala sa paglalaro ang mga bata, maiiwasang makapaghanap pa sila ng iba pang mga larong ida-download na maaaring maging sanhi upang makakita sila ng pangmatandang mga laro o content na hindi para sa kanila. Hindi lamang mag-eenjoy sa paglalaro ng Cover Orange ang mga bata kundi matututo din sila nang hindi nila namamalayan.
Ano ba ang Cover Orange?
Ang Cover Orange ay isang uri ng puzzle game na may kahalong physics.
Ang layunin sa laro ay iligtas ang mga oranges. Habang ang inyong mga anak ay nagliligtas ng mga orange hindi nila alam na umuunlad din ang kanilang kasanayan sa physics at paggawa ng desisyon. Ang masusing pagpaplano ng estratehiya at tamang pagtyempo ay kinakailangan sa bawat yugto ng laro. Walang ibinibigay na pahiwatig tungkol sa sagot ngunit maaaring subukan ang iba’t ibang taktika sa pamamagitan ng pag-reset ng puzzle.
Isinama din sa larong Cover Orange ang konsepto ng gravity at inertia upang makalikha ng kamangha-manghang misteryong may kinalaman sa physics sa isang nakakaenganyo at nakakatuwang pamamaraan.
Maaaring ma-download ang larong ito sa Google Play at App Store.
Mga Tampok sa Cover Orange
Subukan ang lahat ng 300 levels na puno ng nakakamanghang maze na pinuno ng mga hamon at pakikipagsapalaran para sa mga maglalaro.
Kakaiba ang graphics at combat system features sa loob ng bawat level na nagbibigay ng kasiyahan dahil sa konsepto ng time travel.
Masarap itong laruin kasama ang buong pamilya. Ang pagtutulungan upang malutas ang bawat puzzle ay lalong nakakapagpatibay ng samahan at nakakapaglapit sa kalooban ng mga miyembro ng pamilya. Ang pagbibigay ng premyo sa unang makakaisip ng solusyon sa puzzle ay lalong magbibigay ng excitement sa paglalaro.
Ang itsura ng mga orange ay maaari nang i-customize upang makapili ng mas magaganda pang anyo sa pamamagitan ng bagong feature na dressing room. Ito ay maaaring makapagpalabas ng malikhaing imahinasyon ng inyong anak. Malay mo, maging sikat pala sila sa larangan ng fashion balang-araw.
Ang ilan sa mga iba pang features ay ang HD display support, game service support, iba’t ibang time stages, unlockable na comics, magagandang musika, at cute na mga animations.
Paano Laruin ang Cover Orange?
Sa pagsisimula, mayroon lamang access sa unang limang levels. Mabubuksan ang iba pang mga levels kapag natapos na ang panglimang level. Ang kapaligiran ay maaaring baguhin sa iba’t ibang elemento.
Ang pangunahing layunin ng laro ay maprotektahan ang mga orange sa mapaminsalang mga ulap na naghahagis ng mga spike rain para tamaan ang mga ito. Literal ang kahulugan ng pamagat ng larong “Cover Orange”. Upang magtagumpay sa misyon, may mga kagamitan na ibibigay para gamitin sa pagprotekta sa orange, kabilang na ang iba’t ibang mga gulong at blocks upang hindi tamaan ang orange.
Katiyakan at tamang tyempo ang kinakailangan upang masiguro na mailalagay sa tamang pwesto ang mga gamit na nahuhulog mula sa kalagitnaan ng screen. Kapag naipwesto na ang mga gamit, magsisimula na ang pagdaan ng ulap at pagbato nito ng spike rain. Hindi maaaring matamaan ng spikes ang oranges kundi ay matatapos agad ang laro at kailangan itong i-restart. Bawat kagamitan ay may kani-kanyang katangiang maaaring makatulong at kailangang mapag-isipan kung paano higit na mapapakinabangan ang bawat isa nang hindi maging random ang paglalagay dahil mahigpit ang mekaniks ng laro. Ang maling posisyon ng mga gamit ay maaaring maging dahilan ng pagkahulog ng stage at ng orange. Kailangang pag-isipan muna kung saan ipoposisyon ng mga gamit at ang gusto mong maging resulta upang magkaroon ng ideya kung paano ang pagkakasunud-sunod ng mga gagawing paggalaw sa bawat gamit. Kahit isang beses lang ang pagkakataong magawa ito, hindi dapat panghinaan ng loob ang naglalaro dahil maaaring masubukan ang iba’t ibang taktika sa pagpapatuloy sa bawat puzzle.
Ang stage ay may mga hangganan na hindi matatawid kapag may bagay na nahulog ngunit may mga dotted yellow lines na magbibigay ng direksyong maaaring daanan ng gamit at nagbibigay ng pahiwatig kung saan ito ilalagay. Bukod dito may mga pagdadaanan ding mga posibleng balakid. Kapag may nadikit sa mga bomba, sumasabog ito at kapag sumabog ay hahagis din ang mga bagay na malapit dito. Kailangan ding mag-ingat sa mga gumagalaw na bagay tulad ng swinging chains at wheeled carts.
Kapag nailigtas ang orange ay nagbibigay ito ng matamis na ngiti at nanginginig naman sa takot kapag malapit nang dumaan ang ulap. Kapag tinamaan ito ay biglang iiyak, hanggang maging kulay black ang kulay.
Ang mga puntos ay ibinibigay base sa bilis ng pagtapos ng level kahit parang wala rin namang kwenta ito dahil pwedeng ulit-ulitin ang laro kapag nakaisip ng mas magandang diskarte para maiposisyon ng tama ang mga gamit.
Tips Para sa Unang 5 Level sa Cover Orange
Makakatulong ang mga ito sa unang limang level ng laro.
Level 1 – Dahil ito ang pinakamadaling level, simple lang ang estratehiyang gagamitin dito. Ang kailangan lang gawin ay ilagay ang kahon sa eksaktong posisyon kung saan ito nagsimula.
Level 2 – Katulad din ito ng una. Ang idadagdag lang ay ilalagay ang susunod na box sa ibabaw ng bubong upang maging pangalawang bubong.
Level 3 – Dito naman ay kailangang mahulog sa gitna ang orange. Para magawa ito, ilagay ang gulong sa gitna upang mahulog ang dalawang bola at sakto! Tatama ito sa boards at mahuhulog ang orange, takpan ito ng box bilang proteksyon.
Level 4 – Sa level na ito, kailangan namang maisakay sa rocketship ang orange. Ilagay ang gulong malapit sa bola sa kaliwang gilid sa itaas na sapat lang para mahulog ito sa hangganan. Kapag nahulog ito ay tatama sa bomba at ang pagsabog ay magiging sanhi ng pag-propel ng rocketship para maisakay ang orange.
Level 5 – Ang orange naman ay nasa ibabaw ng board dito na nakapatong sa tatlong bola. Magsimula sa paghulog ng barrel para maitulak ng kaunti sa kanang bahagi ng stage ang orange at gumulong sa kaliwang sulok ng screen. Pagkatapos ay ilagay ang pangalawang barrel katabi ng orange bilang harang bago ilagay ang kahon sa ibabaw para maging bubong.
Konklusyon
Ang paglalaro ng mga mobile phone games ay kasama na sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao sa modernong panahon.
Ang Cover Orange ay isang nakakatuwang puzzle game na kumbinasyon ng pambihirang animation, mapanglitong mga level, at matitingkad na mga kulay na hinaluan ng physics upang maging angkop sa kahit anong edad. Maaari itong laruin ng buong pamilya at magtulong-tulong na mapagtagumpayan ang bawat hamon ng laro. Ito ay kapana-panabik at sadyang mapanghamon dahil ginagamitan ng mga estratehiya at tamang pagpapasya upang makumpleto ang bawat stages.
Habang abala ang mga bata sa mga cute na orange, maaari naman sumubok ang mga magulang o mga anak na nasa tamang edad ng iba pang apps katulad ng Big Win Club apps na may koleksyon ng mga laro na siguradong maipandadagdag upang mapaglibangan.