Ang Baraha
Ang English pattern pack na baraha ay nagmula sa Britanya na nag-aangkat ng mga French playing cards mula sa Rouen at Antwerp noong 1480. Dito nagsimula ang standard 52-deck cards ng mga Pranses na ginagamit at makikita ngayon sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ang karaniwang 52-card deck ay may labintatlong cards sa bawat suits: clubs (♣), diamonds (♦), hearts (♥) at spades (♠). Ang bawat suit ay may Ace o Alas, King, Queen at Jack. Ang ibat’ ibang suits na ito ang ginagamit ngayon sa larong tongits at iba pang card games. Ang mga card games na ito ay malalaro na rin online katulad ng tongits na mado-download mo na sa Google Play Store gamit ang keywords na download tongits.
Ang Larong Tongits
Maraming tao na ang nahuhumaling sa paglalaro ng baraha. Ang baraha ay karaniwang ginagamit sa paglalaro ng mga card games katulad ng Poker, Pusoy Dos, Baccarat, Lucky 9 at Tongits. Sa kasalukuyan, marami ang nakasubaybay sa tongits download at iba pang online casino games.
Ang tongits ay isang laro na sikat na sikat partikular sa bansang Pilipinas. Ang pinagmulan ng larong ito ay di-tiyak ngunit pinaniniwalaan na ito ay pinasikat ng mga Ilokano at unang nilaro sa probinsya ng Pangasinan noong 1980’s. Una itong tinawag sa pangalang “Tung-it” na kalaunan ay naging Tongits. Ang panuntunan ng larong tongits ay hindi nalalayo sa paglalaro ng Tonk, isang American card game at ng Mahjong ng Tsina.
Ang Tongits ay maaring laruin ng sinuman – anuman ang edad o kasarian. Ito ay isa sa mga pinakapaboritong pampalipas-oras at libangan ng mga Pilipino.
Ang Joker
Ang Joker ay parte ng isang set ng baraha. Ito ay nagmula sa Amerika noong kasagsagan ng Civil War. Ito ay ginawa bilang isang trump card para sa larong Euchre ng bansang Australia, Canada, New Zealand, Great Britain, at United States. Ginagamit din ito sa ibang card games bilang isang wild card, top trump, skip card, barahang may pinakamababang bilang o barahang may pinakamataas na value depende sa panuntunan o gamit nito sa laro. Ang wild card ay anumang baraha na pwedeng gamiting alternatibo o pamalit sa ibang baraha.
Ang itsura ng Joker
Ang barahang Joker ay may iba’t ibang itsura dahil wala namang standards para sa manufacturers kung ano dapat ang maging itsura nito. Ang bawat manufacturer ay may kanya-kanyang disenyo ng Joker. Karaniwang may dalawang joker sa isang deck. Ito ang pulang Joker at itim na Joker. Ang pulang Joker ay ginagamit na pamalit sa Heart at Diamond samantalang ang itim na Joker naman ay Club at Spade.
Ang Gamit ng Joker sa Iba’t Ibang Laro
Ang Joker ay ginagamit sa mga multi-player games katulad ng mga sumusunod :
Euchre: Ito ay kilala din sa tawag na Eucre. Isang trick-taking card game na nilalaro sa Australia, Canada, New Zealand, Britanya at Estados Unidos. Ito ay gumagamit ng 24, 28 o 32-deck standard cards. Ang Joker ay may pinakamataas na trump o tinatawag na “top bower”.
Canasta: Nagmula sa Espanya na ang ibig sabihin ay “basket”. Ito ay isang card game na nabibilang sa pamilya ng rummy o variant ng 500 Rum. Ito ay karaniwang nilalaro ng dalawang manlalaro na may hawak na dalawang standard decks na baraha. Ang mga players ay susubok na maibaba ang lahat ng hawak na baraha sa pamamagitan ng pagbuo ng pitong baraha na may pare-parehong bilang o numero. Ang larong ito ay ang nakakuha ng worldwide status bilang isang classic card game. Ang Joker sa larong ito ay nagsisilbing wild card na may katumbas na 50 puntos sa melds.
Gin Rummy: Isang card game na gumagamit ng estratehiya upang mapaganda ang hawak na baraha sa pamamagitan ng pagbuo ng melds at pagtanggal sa tinatawag na deadwood. Ang deadwood cards ay yung mga baraha na walang kapareha o buo. Ang Gin Rummy ay may dalawang uri ng melds: Una ay ang buo na may apat o tatlong baraha na may pare-parehong numero, halimbawa ay 8♥ 8♦ 8♠; at ang pangalawa ay ang magkakasunod na tatlo o mahigit pang baraha mula sa parehong suit, halimbawa ay 3♥ 4♥ 5♥. Ang Joker sa larong ito ay nagsisilbi ring wild card at pwedeng gamiting alternatibo para makabuo o makakumpleto ng meld.
Chase The Joker: Ang alternatibong bersyon ng larong Old Maid kung saan ang barahang Joker ay ginagamit bilang Alas.
Poker: Isa sa mga sikat na card games sa buong mundo. Ang Joker sa larong ito ay nagsisilbing wild card o “bug”, isang limitadong uri ng wild card na magagamit lamang sa pagbuo ng straights at flushes.
War: Kilala din ito sa tawag na Battle sa United Kingdom. Ito ay larong pandalawahan lamang. Karaniwan ay mga bata ang naglalaro nito. Ito ay maraming bersyon katulad ng German 32-card Tod und Leben o ibig sabihin ay Life and Death. Kayang talunin ng Joker ang lahat ng baraha sa larong ito.
Pitch: Ang Joker ay nagsisilbing “Point Card” sa ibang bersyon ng larong ito. Ang Joker ay may puntos na “High” o “Low”.
Daihinmin: Ang Joker ay nagsisilbi ring wild card o deuce sa larong ito na siyang magtatapos ng round at lilimas sa mga itinapon na baraha.
Crazy Eights: Ang Joker ay isang “skip” card sa larong ito. Pinapawalang-bisa ng Joker ang pagkakataong makapaglaro sa isang round ang kalaban.
Spades: Ang Joker ay hindi madalas gamitin sa larong ito ngunit may dalawang papel ang barahang ito. Kung ang mga manlalaro ay umabot ng 3-6 katao, ang Joker ay sinasali upang maging pantay ang hawak na baraha ng bawat players. Ang Joker ay magsisilbing “junk” cards na pwedeng itira kahit kailan, o pwede silang laruin bilang “Highest Trumps”. Magagamit din ang mga ito bilang “pseudo-trump” na lalong magpapalakas sa magkakampi sa larong ito.
Double King Pede: Ang Joker ang may pinakamababang bilang sa baraha at may katumbas lamang na 18 na puntos.
Go Fish: Ito ay larong pandalawang-katao at ang magkaparehang Joker ay karaniwang ginagamit upang mapataas ang puntos sa 27 at maiwasan ang 13-13 tie.
Dou Dizhu: Ang Joker ay ginagamit bilang may pinakamataas na puntos sa larong ito. Ang isa ay maliit at ang isa ay malaki. Ang kulay pulang Joker ay may mas malaking puntos. Kapag hawak ng manlalaro ang parehong Joker ay tiyak na ang kanyang pagkapanalo.
Ano ang Gamit ng Joker sa Tongits Joker Mode
Sa Joker Mode ng kahit anong download tongits game, sinasali ang dalawang Joker cards sa standard deck at ang laro ay magkakaroon ng Zero Count Fight Mode at Variable Take Out.
Ang Joker ay walang puntos sa larong ito.
Ang Joker ay ginagamit bilang isang wild card para makumpleto ang trio at quad sets.
Ang Joker ay magagamit lamang kung may isa o higit pang melds o buo na hawak.
Hindi pwedeng gamitin ang Joker sa unang tira o unang buo.
Big Win Club Apps
Hindi ka ba makahanap ng magandang tongits game na pwedeng i-download? Subukan na ang Big Win Club App! Maraming itong tongits game at iba pang card games na pwedeng laruin. Gamitin lamang ang keyword na download tongits o tongits download para makapaglaro ng iba’t ibang bersyon ng tongits.