Four Colors: Ang Bagong Uno Card Game
Mahilig ka bang maglaro ng iba’t ibang uri ng card games gaya ng Uno? Ang Uno ay isang patok na laro na ginagamitan ng makukulay na cards. Hindi lamang ito sikat sa ating bansa kundi sa buong mundo. Malabong mawala ito sa listahan ng mga paborito card games ng karamihan. Swak na swak ito sa kahit na anong edad, lalo na sa mga bata dahil nakakatulong din ito upang sila ay mas matuto ng mga kulay at matematika. Kahit sino ay talaga namang hindi maiwasang makipagkumpetensya sa larong ito. May mga panahon din na halos nakagawian na ng mga mag-aaral ang paglalaro ng Uno tuwing break time. Marami na din ang muntik nang masira ang mga pagkakaibigan dahil sa tindi ng kumpetisyon kapag ito ay seryosong nilaro.
Ito ang susi kung bakit mas nagiging masaya at kapanapanabik ito. Nang magsimula ang kabi-kabilang lockdown at hindi lamang ang pagpasok sa paaralan o kaya ay ang paglalaro kasama ng mga kaibigan ang natigil, kabilang din dito ang paglalaro ng Uno. Kaya naman para maibsan ang ating pagkasabik sa larong ito ay nakahanap kami ng alternatibong laro sa Playstore, App store at kung saan-saang online gaming websites. Kung hindi mo pa mahanap ang angkop na online version ng Uno para sa iyo o kaya naman ay naghahanap ka ng bagong mapaglilibangan, hayaan mong ipakilala ko sa iyo ang patok na Uno mobile game ngayon – ang Four Colors.
Ang Four Colors ay galing sa developer na Code This Lab. Inilabas ito noon pang Agosto 16, 2017. At sa loob ng halos apat na taon, masasabing tunay itong namayagpag sa larangan ng mobile games. Nagbigay-daan din ito upang makasunod sa uso ang larong Uno. Hindi mo na kailangan pang bumili ng isang set ng cards na madaling masira o mawala. Ang tanging kailangan mo lang ay ang iyong Android o iOS mobile device o tablet, at i-download lang ang app sa pamamagitan ng Play Store o sa mismong site nito. Kung mas komportable ka namang gamitin ang iyong computer o laptop, huwag mag-alala dahil may web version din ito. Kung gusto mo namang makahanap ng iba pang online games ay pwede mong subukan ang Big Win Club App. Marami pang ibang mga laro dito na mapaglilibangan at mapagkakakitaan.
Ang Gameplay ng Four Colors
Nakapaglaro ka na ba ng Uno? Kung marunong ka nito ay marahil tandang-tanda mo pa ang mga panuntunan at kung paano manalo dito. Kung baguhan ka naman ay narito ang mga dapat mong malaman. Ang tanging pagkakaiba lang ng Four Colors sa Uno ay ang paggamit ng gadgets at wala ng iba. Malaking bonus na din na pwede itong malaro kahit pa walang aktwal na kalaban, kahit saan at kahit kailan.
Ang mananalo dito ay ang player na mauunang makapagpaubos ng kanyang cards. Kailangan na mailagay niya ang lahat ng cards sa discard pile na nasa gitna. Mas nagiging mapanghamon at kapanapanabik ang larong ito dahil na rin sa mga special cards na tulad ng reverse card, +2 o +4 cards, change color card, block card, at wild card. Tandaan na bago magsimula ang laro pwede kang mamili ng nais mong game level – easy, medium at difficult. Maaari ka ring pumili ng bilang ng mga manlalaro na gusto mong kasali – 2-player, 3-player o 4-player mode.
Ang laro ay nagsisimula na ang bawat manlalaro ay may default na bilang ng cards, ito ay depende sa bilang ng naglalaro. Upang mabawasan ang iyong cards ay dapat magtugma ang card na itatapon mo sa discard pile sa huling card na itinapon ng iyong kalaban. Ipagpalagay natin na ang kalaban mo ay nagtapon ng No. 6 na asul na card. Kailangan na magtapon ka ng card na kulay asul din (kahit anong numero) o kaya ay card na may No. 6 (kahit anong kulay). Kung wala kang card na maitatapon sa discard pile ay kailangan mong kumuha ng panibagong card mula sa palabunutan.
Dito na din papasok ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga special cards. Maaari mo itong gamitin kung wala ka ng card na pwedeng maitapon. Tandaan na malaking kalamangan ang pagkakaroon ng special cards dahil kapag ito ay ginamit ng tama, mas mataas ang tsansang manalo. Kapag isang card na lamang ang natitira sa iyo, kailangang pindutin ang Uno button, kagaya ng pagsigaw ng salitang “Uno” sa aktwal na laro. Kapag naunahan ka ng iyong kalaban sa pagpindot, bubunot ka ng dalawang penalty cards. Kapag nangyari ito, mawawalan ka na ng tsansang manalo dahil nadagdagan na muli ang bilang ng cards mo.
Ano ang mga Features nito?
May mga features ang Four Colors na talaga namang babalik-balikan mo. Maliban sa nakakaaliw nitong gameplay na kagaya ng Uno, ang makakalaban mo sa regular na multiplayer mode ay mga programmed computer lamang. Kahit nakaprograma na ang kanilang mga galaw at estratehiya, mahirap pa din silang kalaban. Malalaman mo ito kapag sinubukan mo na ang laro.
Kung gusto mo namang makipagkaibigan sa ibang manlalaro, maari kang sumali sa mga rooms na kung saan makakapaglaro ka laban sa mga aktwal na tao. Mas exciting ba ang ganitong laro para sa iyo? Maaari ka ring bumuo ng sarili mong room upang makapaglaro kasama ang mga kakilala at kaibigan. Kung ikaw naman ay baguhan sa larong Uno, may on-screen tutorial dito na magtuturo sa iyo kung paano maglaro, napakadali lang nitong matutunan.
Konklusyon
Sa Four Colors, hindi mo na kailangan pang problemahin ang mga lags at mahinang internet connection dahil pwede itong laruin ng offline. Makakapaglaro ka kahit walang internet o signal basta’t nakainstall ang app na ito sa iyong gadget. Hindi mo na din kailangan pang mag-sign up o magparehistro. At isa sa pinakamahalaga ay ito ay libre sa lahat! Pagkabukas mo ng app ay pwede ka nang maglaro kaagad.
Ang larong ito ay isang magandang alternatibong solusyon kung gusto mong makapaglaro ulit ng Uno. Bagamat mayroon lamang itong 500+ downloads at 9 reviews sa Playstore, hindi lang naman ito ang tanging batayan ng popularidad dahil maaari naman itong malaro nang hindi na kailangan pang i-download ang mismong app.