Kung ikaw ay isang taong mahilig sa sining at pagkukulay o kaya naman ay ang pagguhit ay nagbibigay sa iyo ng napakalaking kasiyahan, ipagpatuloy lamang ang pagbabasa ng mga impormasyong nakasaad dito. Minsan ay nangyayari na ayaw nating maging updated o makipag-ugnayan sa social media dahilang pag-i-scroll sa Facebook at Instagram ay nagbibigay na ng mga stress at anxiety at ang tanging gusto mo lang ay ang tumakas sa mga ito, dito makakatulong ang mga coloring book apps. Tumutulong ito sa mga tao sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kanilang focus, pagbabawas ng ang stress at anxiety, pagkakaroon ng mahimbing na tulog, pag-i-improve ng paningin at motor skills, at tumutulong rin upang makapag-relax.
Bakit Magugustuhan ang mga Free Coloring Games
Ang pagkukulay ay maaring gawin kahit saan. Dahil na rin sa mga pagbabago hatid ng teknolohiya, marami na ang maaring gawin sa mga handheld devices ngayon, at isa na rito ang pagkukulay. Mas mura ito kaysa sa mga coloring books na ginagamitan pa ng lapis, krayola, marker, at iba pa. Kung naghahanap ka ng murang libangan, lahat ng mga Free Coloring Games na nakalista sa ibaba ay mayroong mga libreng opsyon. Ito ay ilan lamang sa mga coloring apps na pwede mong laruin.
Ilang Mahuhusay na Coloring Apps para sa Matatanda
Ito ay ilan lamang sa mga nangungunang apps na pwedeng mai-download at laruin:
1.Colour Therapy
Kung naghahanap ka ng iba’t ibang likhang sining, ito ang app para sa iyo. Mayroon itong mga category mula sa Classic, Animals, Seasonal, Art, Fashion, at marami pang iba. Lahat ng ito ay mayroon talagang komplikado at cool na mga guhit. Makakakuha ka ng 30 na libreng kulay upang makapagsimula sa Basic Solid palette at 24 na kulay naman sa Basic Gradient Palette. Ang mga option sa app ay hindi lahat libre ngunit maaari kang makakuha ng mga karagdagang kulay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga piraso ng sining.
2.Colorfy
Isa pang pinakamahusay na coloring app para sa mga iPhone at Android device ay ang Colorfy. Ito ay nag-aalok sa mga users na bitawan ang mga nakababahalang pattern na gumugulo sa iyong isipan at sumuko sa isang makulay na pananaw. Sa app na ito, makakakuha ka ng libreng page araw-araw at maaari ring pumili ng larawan na naaayon sa iyong mood at gustongkulayan.
Kasama sa mga category na anrito ay ang Mandala World, Pixel Art, Masterpiece at Animal Kingdom na may humigit-kumulang 10 larawan sa bawat kategorya para masubukan mong gumamit ng maraming kulay hangga’t gusto mo.
3.Pigment
Ito na yata ang pinakamalapit sa totoong pagkukulay na posibleng malaro. Nag-aalok ang app ng iba’t ibang mga pagpipilian sa pangkulay na brush upang makuha ang bawat anggulo ayon sa iyong sariling gusto. Madali lang din makukulayan ang mga spaces rito sa pamamagitan lamang ng pag-tap sa mga ito. Tulad ng iba pang mga app, makakakuha rin ng 10 na pagpipiliang brush kung gusto mong igalaw ang iyong mga daliri katulad ng pagpipinta sa canvas o papel.
4.Recolor
Maglaan ng ilang sandali upang tuklasin kung ano ang nasa loob ng Recolor. Ito ay isa sa mga pinakamahusay na coloring app, para sa mga taong likas na malikhain. Marami itong iba’t ibang mga pahina na kukulayan upang makapagbigay ng saya at libangan. Mapupuno mo ng kulay ang bawat larawan dito gamit ang mahigit sa 100 na mga pagpipiliang kulay.
Sa kabilang banda, ang app na ito ay nagbibigay ng 3 libreng mga larawan araw-araw na kabilang sa mga sumusunod na category: floral, cartoon, hayop, character ng pelikula, at marami pang iba. Ang ikinaganda pa nito ay maaaring i-scan ang mga larawan at buksan ang anumang pahina na na-save mo sa iyong device upang lumikha ng iyong sariling mga pahina na kukulayan din sa app na ito.
Kung gusto mo, maaari mo ring ipakita sa iyong mga kaibigan at pamilya ang iyong mga makukulay na likha gamit ang feature na pagbabahagi (Share).
1.Color Me
Ang Color Me marahil ang tanging libreng mapipili na app online para sa matatanda. Ang app na ito ay mayroong 250 na mga larawan upang kulayan ng walang anumang subscription na kinakailangan. Regular din ang pagdagdag ng mga bagong pahina dito. Ang mga artwork ay malawak, na nagpapakita ng basic at mga mga komplikadong teknik ng pagguhit, at maraming ding imahe ng mga mandala ang narito. Makakakita rin ng iilang mga bulaklak, hayop at tao rito. Ang mga kulay naman dito ay medyo basic, walang mga gradient, ngunit dahil libre ito ay hindi na rin masama. Pwede nang pagtiyagaan.
2.Color Art Coloring Book
Ang app na ito ay madaling gamitin at mayroong limang pangunahing kategorya: Hayop, Bulaklak, Patterns, Holiday at Mandala. Ang bawat isa ay may halos 10 na libreng mga disenyong maaaring kulayan. Ang mga kulay na binibigay rito ay medyo kamangha-manghang din at halos 44 dito ay libre.
3.Coloring Book For Adults
Ito ay isa sa mga free coloring games na mayroong 168 na mga pangkulay na magagamit ng libre. Makakakuha dito ng 8 na libreng larawan sa category ng Relaxation at mayroong 10 pang ibang category na may isang libreng larawan bawat isa. Kung titingnan ng mabuti, ito ay isang magandang deal na rin. At kung gusto mo pa ng mas marami, maaari kang kumuha ng isang subscription at paulanan ang iyong sarili ng maraming larawang pagpipilian.
4.Adult Coloring Book
Ito ay katulad lang din ng iba pang apps, ngunit pakiramdam mo ay may bitbit kang isang mini coloring book sa iyong bulsa. Ano ang espesyal dito? Sa ibabang bahagi ng bawat aklat ay mayroon itong isang hyperlink na nagsasabing “Get Inspired” at dadalhin ka nito sa isang gallery kung saan makikita ang iba’t ibang istilo ng pagkukulay ng ibang tao sa iisang disenyo. Mayroon din itong libreng palette na mayroong 24 na kulay at tinatawag na Essential. Gayunpaman, wala ng iba pang libre sa app na ito bukod sa mga nabanggit. Ang ibang mga option o mga inaalok nito ay makukuha lamang sa pamamagitan ng subscription.
Ang mga app na ito ay maaaring mai-download sa iOS at Android devices. Kung ikaw naman ay naghahanap pa ng ibang libangan, subukan ang Big Win Club app at ang mga tampok na larong sugal nito.
Konklusyon
Ang mga free coloring games na ito ay perpekto para sa mga waiting room at anumang oras na naiinip ka at ayaw mong tumambay sa social media. Bukod sa nagbibigay ito ng kasiyahan habang nagkukulay, ito rin ang tatanggal sa iyong pagod at makakatulong sa iyong pag re-relax.