Ang Game Play Color ay isang JavaScript Game Boy Color emulator para sa iOS na matutulungan kang maglaro ng Gameboy at GBC ROM games sa iyong iOS device. Ito ay hatid ng InSeven Limited.
Ano nga ba ang Game Play Color?
Ang Game Play Color ay isang emulator na gumagawa ng paraan para malaro ang mga retro games nang libre gamit ang Roms. Pangunahing ginagaya ng emulator na ito ang mga lumang larong pang-Gameboy at mga larong sikat tulad ng Super Mario. Maaari ding makakuha ng mga larong nasa GameBoy Color sa mga iOS device pagkatapos lamang ng saglit na pag-download ng emulator na ito. Bukod pa rito, ito ay isang kamangha-manghang application na katulad ng GBA4iOS ay libre lamang. Kailangan mo lang magdagdag ng mga Rom sa iyong device para maglaro ng mga retro games nang walang bayad at anumang third-party bilang source.
Ang emulation ay ang proseso kung saan ang isang target na CPU at ang kaukulang hardware nito ay binibigyan ng kakayahang gayahin at paganahin ang isang program na karaniwang nagagamit lamang sa iisang device.
Ang mga Features ng Emulator
- Hindi na kailangan pang i-jailbreak ang iOS device.
- Maaaring maglaro ng mga retro games tulad ng Game Boy Super Mario at iba pa.
- Mayroong malinis na user interface (UI).
- User-friendly at madali lang i-navigate.
- Kailangan lang ng karagdagang Rom sa mga laro.
- Hindi na kailangan ng kaalaman sa coding upang makagamit ng emulator.
- I-enjoy ang lahat ng mga sikat na laro mula sa pagkabata nang libre.
- Laruin ang mga paborito saan man at anumang oras, at hindi na rin kailangan ng anumang signal.
I-download sa iOS Devices (walang jailbreak)
Ang emulator na ito ay isa lamang handheld gaming console na ginawa ng Nintendo, at ito ang kapalit ng Gameboy Color. Tulad ng alam ng karamihan tungkol sa jailbreaking, pagkatapos ng “jailbreak” ay makakakuha ka ng napakaraming emulator na available sa Cydia. Ngunit ang jailbreaking ay maaaring magdulot ng pagkawala ng iyong iDevice warranty at maaaring makasira din sa iyong gadget. Ngunit ang emulator na ito ay hindi nangangailangan ng anumang jailbreaking upang mag-download, mag-install at maglaro ng mga nakakaaliw na retro games.
Una, buksan ang iyong iOS device at pagkatapos ay mag-navigate sa Safari web browser (ang Safari ay isang premade web browser na tutulong sa iyo na i-install ang mga ganitong uri ng mga emulator) at pagkatapos ay hanapin ang link ng emulator at i-download ito. Pagkatapos itong ma-download, buksan ang file at sundin ang mga steps na makikita sa pag-install nito sa iyong device.
Paano Mag-download ng mga Laro o Rom para sa Emulator:
- Unang buksan ang emulator sa iyong iOS device. Hihingian ka nito ng access code.
- Upang makakuha ng access code, kailangan magkaroon ng dalawang application – ang Google Drive at iDownloads.
*Kung wala kang Google Drive at iDownload, pumunta sa App Store at i-download ang mga ito sa iyong iOS device.
- Mag-sign up sa Google Drive gamit ang iyong Gmail account at gawin ang lahat ng setup.
- I-navigate ang emulator at i-click ang Sign-in gamit ang Google Drive account, ngayon ay makakakuha ka ng access code na maaari mong kopyahin.
- I-paste ang access code sa Game Play Color Emulator at i-click ang Continue upang magpatuloy.
- Ngayon ay oras na upang buksan ang iDownloads, mag-navigate sa freeroms.com upang makakuha ng gaming roms.
- Mag-zoom in at hanapin ang mga GameBoy Color rom na ilalagay sa emulator.
Pagkatapos ng lahat ng ito, maaari ka ng makapag-download ng anumang gaming Rom na gusto mong laruin sa iyong Apple device.
Bakit Magandang Gamitin ang mga Emulator
Ang bawat uri ng computer at operating system ay natatangi. Nangangahulugan ito na ang isang program o app na gumagana sa isang system ay maaaring hindi gagana sa iba.
Ito ay totoo lalo na kapag inihahambing ang mga operating system tulad ng Windows at MacOS, o ang mga ganap na magkaibang device tulad ng isang laptop at isang PlayStation.
Dito pumapasok ang mga tinatawag na emulator katulad ng Game Play Color. Ang mga ito ay ang magtutulay sa agwat sa pagitan ng mga device, na nagpapahintulot sa mga program na gumana sa lahat ng uri ng hardware.
Halimbawa, kung mayroon kang Windows app na kailangan mong gamitin sa iyong MacBook, maaari mong i-download ang Parallels emulator. Ang mga parallels ay gagawa ng virtual Windows operating system (OS) sa loob ng iyong MacBook. Hahayaan ka nitong magpatakbo ng anumang Windows app na kailangan mo.
Maaari ring mas pahusayin pa ng ilang emulator ang hardware na kanilang ginagaya. Halimbawa, ang mga lumang video game na ginawa para sa 4:3 na mga monitor ay maaaring i-upgrade upang magamit para sa widescreen resolution, gayundin sa may mas mataas na frame rate.
Kung ikaw ay isang taong mahilig maglaro ng retro games at gustong patakbuhin ang lahat ng mga programang ito kahit saan at anumang oras, isang emulator lamang ang iyong kinakailangan. Gayunpaman, dapat pa ring mag-ingat sa mga posibleng panganib na dulot nito.
Samantala, kung naghahanap ka ng bagong mapaglilibangan, subukan ang Big Win Club app. Ito ay mayroong iba’t ibang mga larong sugal na maaari mong subukan.
Ang mga Tanong Tungkol sa mga Emulators
Ito ba ay nagpapabagal sa system ng mga PC?
Ito ay nakasalalay sa configuration ng hardware ng isang PC. Kung ang manlalaro ay mayroong malakas na CPU, mataas na RAM, at SSD – ang mga pangunahing nagpapagana ng emulator – walang magiging problema dito. Pero kung susubukan na magpatakbo ng isang emulator sa may kalumaan nang hardware, magiging sanhi ito ng pagbagal ng PC.
Ito ba ay ligtas na gamitin?
Ang sagot dito ay oo, ngunit ang app na hindi available sa App Store ay maaaring magdulot ng ilang mga problema sa iyong iOS device na nangangahulugang maaaring mawala ang warranty nito.
Ang mga emulators ba ay illegal?
Ang mga emulator ay legal na i-download at gamitin, gayunpaman, ang pagbabahagi ng mga naka-copyright na ROM online ay ilegal. Walang legal na precedent para sa pag-rip at pag-download ng mga ROM para sa mga larong iyong pagmamay-ari, kahit na ang isang argumento ay maaaring gawin para sa patas na paggamit.
Konklusyon
Masasabing isa na ang Game Play Color sa mga pinakasikat na emulator na tumutulong na magaya at mapagana ang mga laro sa iba’t ibang iOS devices. Tinutulungan din nito ang mga manlalaro ng mga console games na ma-enjoy muli ang mga retro at GBS na laro nang walang anumang mga error o kumplikasyon.